pumasok ka na sa bahay. Maligo ka na anak! Kanina ka pa naglalaro sa labas,” ang sigaw ng Nanay. Nang biglang may narinig si Nanay na,“Bulagaaaa, nay hindi nyo alam nandito lang ako. Nakatayo ng tuwid sa likod ng poste. Ha, ha, ha, ha!” At may naghahanap na naman kay Pilo. “Pilo, Pilo, san ka ba naroon? Gutom na ang alaga mong isda, Pilo? Pilo? Pakainin mo na ito at papasok na ako sa opisina,” ang tawag ng Tatay. Ng biglang may narinig si Tatay na “Bulaga!!!! Tay, di nyo ko nakita ano? Andito lang po ako sa tuktok ng aparador. Hahahahaha!!!! May naghahanap na naman kay Pilo. Nang biglang may narinig si Ate Bebeng na, “Bulaga! Hindi mo ko nakita no? Narito lang ako sa loob ng tambak na labada, ha ha ha!!!” May naghahanap na naman kay Pilo. “Pilo, Pilo, nasaan ka ba talaga? Kailangan na nating umalis. Nariyan na iyong traysikel sa ibaba. Mahuhuli na naman tayo sa eskwela, sige ka.” Nang biglang may narinig si Kuya Rey na “Bulaga!! Hindi mo ko nakita no? Nandito lang ako sa gilid ng kama. Hahahahah!!! Dumating na si Pilo galing sa ekwela. May naghahanap na naman sa kanya. “Pilo, Pilo, aalis na tayo anak. Pupunta tayo sa palengke. Bibili tayo ng pantalon mo. Nang biglang may narinig na naman si Nanay na, “ Bulaga?! Di ninyo ‘ko nakita, no Nay? Nakasiksik lang ako sa gitna ng aking mga laruan. Ahahahaha-hwahahahaha!!! Nakarating na sila sa palengke. Hinahanap na naman si Pilo ng Nanay. “Pilo, Pilo, nakapili na ako ng pantalon mo. Pilo, halika na. Isukat mo kung kasya ito sa iyo. Pilo, Pilo, nasaan ka ba talaga, nag-aalala na ako.” Sabi naman ni Pilo, “Bakit kaya di pa rin ako nakikita ni Inay? Ang tagal ko nang nagtatago, nakangangalay na! Isang oras na akong nakayuko. Sige na nga, lalabas na ako sa pinagtataguan kong mga damit.” Hinanap niya ng hinanap ang nanay. “Inay, inay, inaaayyyy!!!” Si Pilo pala ay nawawala na sa palengke. Umiyak si Pilo dahil hindi niya mahanap ang nanay niya. Mayamaya si Pilo ay may narinig na ”Bulaga! Pilo, nandito na si Nanay. Akala mo hindi kita kita makikita, ano?” O, sige na anak tahan ka na. Andito na si Nanay. Kaya sa susunod ha, ‘wag ka ng magtatago kung saan-saan, okey? Pangkatang Gawain
• Pangkat I- Ang Aking Pamilya
Idikit ang larawan ng miyembro ng pamilya ni Pilo na tinaguan niya.
• Pangkat II - Tayo nang Bumuo
Bumuo ng tanong ukol sa larawang hango sa kuwento.
• Pangkat III - Tama ba Ako?
Idikit ang sa tamang kahon na nagpapahiwatig ng dapat gawin ni Pilo.. Makinig nang mabuti sa kuwentong aking babasahin. Pagkatapos ay bumuo ng tanong ukol sa larawan na hango sa kuwento. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot. Ang Lola Matanda na si Lola. Maputi na ang kanyang buhok. Kulubot na ang kanyang balat. Ngunit malakas pa siya. Inaalagaan niya kami. A. Ano ang pangalan ng Lola? 1. B. Ano ang hinuhugasan ng Lola? C. Bakit tumatakbo ang Lola?
A. Bakit kulubot ang balat ng Lola?
2. B. Ano ang kinakain ng Lola? C. Kailan ang kaarawan ng Lola? A. Saan pupunta si Lola? 3. B. Ilang taon na si Lola? C. Ano ang kulay ng buhok ng Lola?
A. Kailan ang kaarawan ng
Lola? 4. B. Sino ang kinarga ng Lola? C. Bakit umalis ang Lola? A. Ilan ang inaalagaan ng Lola? 5. B. Saan pumunta ang Lola? C. Bakit natutulog ang Lola? Gawaing Bahay