Professional Documents
Culture Documents
Ortograpiyang Filipino
Ortograpiyang Filipino
at Estandardisadong Wika
Ano ang wikang intelektwalisado?
Kakayahang komunikatibo
nangangahulugan naman ng abilidad sa
angkop ng paggamit ng mga pangungusap
batay sa hinihingi ng interaksyong sosyal.
Linggwistikong pagtatanghal
ay ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa
pagsusulat o pagsasalita.
Alpabetong Filipino
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ,
NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Patinig:
A, E, I, O ,U
Katinig:
B, K, D, G, H, L, M, N, Ng, P, R, S, T, W, Y
Karagdagang Titik (mula 1987):
C, F, J, Q, V, X, Z
Patnubay at mga Tuntuning
Panlahat sa Ispeling
1. Sa pagsusulat ng mga katutubong salita at mga
hiram na karaniwang salita na nagsimula na sa
sistema ng pagbaybay sa wikang pambansa ay
susundin pa rin na kung ano ang bigkas ay siyang
sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa
Halimbawa:
bapor (v)
sentro (c)
Kahon (c,j)
2. Ang dagdag na walong letra ay gagamitin sa:
C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z
Pantanging Ngalan
Halimbawa: Tao- Carmelita
Lugar- Canada, Luzon
Sasakyan- Victory liner
Salitang katutubo
mula sa ibang wika sa Pilipinas
Halimbawa:
• caňaocaňao (panseremonyang sayaw ng mga Igorot)
• hadjihadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca)
• masjijdmasjijd (moske, pook dalanginan)
3. Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na
salita buhat sa wikang Ingles, maaring sundin ang
mga sumusunod na paraan:
• a. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang
maaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang
Filipino.
Halimbawa:
Hiram na Salita Filipino
rule tuntunin
Ability kakayahan
Skill kasanayan
b. Maaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa
ibang katutubong wika ng bansa
Halimbawa:
pinakbet dinengdeng canao hadji
1. Chair 6. Academic
2. Certificate 7. Chocolate
3. Globe 8. Serenade
4. Glory 9. Commonwealth
5. Honest 10. Common sense
Ponolohiya
Ano ang ponolohiya?
Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng
wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas
ng salita o nagbibigay ng ng pagbabago sa
kahulugan ng mga salita ay tinatawag na
PONOLOHIYA O PALATUNUGAN.
Halimbawa:
Br-aso =Braso Br-uha =Bruha Bl-usa =Blusa
Kw-itis= Kwitis Gr-asa = Grasa
Ang Kambal Katinig o Klaster ay maaari rin
makita sa gitna at hulihan.
Halimbawa:
Kontrata Kontrabida Kumpleto Eskwela Sobre
Halimbawa ng Kambal katinig o Klaster sa
hulihan:
Kard Nars Relaks Indeks
Pares Minimal
Mga salitang magkatunog subalit magkaiba
ng kahulugan.
Pala bala
Misa Mesa
Pantay panday
Alok alog
irog ilog
kawa gawa
Diagrapo
Ito ay may tunog na /ŋ/ na binubuo ng dalawang
katinig na n at g.
Hal.
Madamo
Ma ┼ (Close class o bound morpheme)
┼ damo (open class o free morpheme)
Dalawang bahagi ng Morpema:
Nagsasaliksik ang mga mag-aaral sa
silid-aklatan.
1. Pangngalan
2. Panghalip
3. Pandiwa
4. Pang-uri
5. Pang-abay
PANGNGALAN
Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang
ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.
Dalawang uri ng PANGNGALAN:
1. Pangngalang Pambalana
• Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook o pangyayari
Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki,
simbahan, ibon
PANGNGALAN
Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang
ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.
Dalawang uri ng PANGNGALAN:
2. Pangngalang Pantangi
• Tumutukoy sa natatanging ngalan
Halimbawa: Carmona, Jose, SM, Lucena
PANGHALIP
Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o
ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit
na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang
pakinggan.
Uri at Halimbawa:
1. Panao - ako, siya, sila
2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin
3. Pananong - sino, ano, kailan
4. Pamatlig - dito, doon
5. Pamilang - ilan, marami
6. Panaklaw - madla, pangkat
PANDIWA
Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad
ng kilos o galaw.
Uri ng Pandiwa:
1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa: Ang nagsusulat ay ang aming guro.
2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon
Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena.
3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong
tumatanggap.
Halimbawa: Ang matiyaga’y nagwawagi.
PANG-URI
Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na
binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito.
Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang
pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
– Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.
– Napakaganda nga ng bistidang iyan!
– Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
– Ang sasakyan ay kulay pula.
– Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.
PANG- ABAY
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang
nagbibigay turing sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang mga pang-abay ay
nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.
Halimbawa:
• Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin
hanggang sa huling nota.
• Dahan-dahan siyang lumakad.
• Sumayaw si Ana at Luis sa unahan.
• Manunuod kami ng pelikula bukas
B. Mga salitang pangkayarian
1. Pangatnig
2. Pang-ukol
3. Pang-angkop
4. Pantukoy
5. Pangawing
PANGATNIG
Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga
salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang
salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala,
o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Halimbawa:
Ngunit
Datapawat
Sapagkat
Dahil
PANG-UKOL
Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa
pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan
ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating
kaalaman.
PANG-ANGKOP
Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-
uugnay sa magkakasunod na salita sa
pangungusap upang maging madulas o magaan
ang pagbigkas ng mga ito.
Ginagamit din ang pang angkop upang pag-
ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang
binibigyang turing nito.
Uri ng PANG-ANGKOP
1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na
kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban
sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-
uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang
katinig.
2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang
nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na
nagtatapos sa titik i na isang patinig.
Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga
salitang magkakasunod na kung saan ang naunang salita
ay nagtatapos sa katinig na n.
Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na
n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang
pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.
• Halimabawa:
- Ako ay galing sa kusina.
4. May ilang salitang hiram na maaring baybayin
sa dalawang kaanyuan nguni’t kailangan ang
konsistensi sa paggamit.