Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kuwentong- Bayan: Ang

Munting Ibon !
Ano nga ba ang Kuwentong-Bayan?.
Ang Kuwentong-Bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang
nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita. Karaniwang maglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung
saan ito nagsimula at lumaganap.
Ang Munting Ibon!
Kuwentong-bayan ng mga Maranao

Tayong mga Pilipino ay maraming kuwentong-bayan na nalikha at


nagpasalindila sa paglipas ng panahon. Isa na rito ang ang kuwento ng “Ang
Munting Ibon” ng mga Maranao. Isa itong kuwento ng mag-asawang
nakatira sa gubat.
Tinatawag na Mëranao/Maranao ang mga taong nakatira sa Marawi.
Tinatawag siyang “Summer capital of the South” dahil ang kinalalagyan nito
ay nasa taas ng kalamigan ng kaniyang klima. Ang Maranao ay mga taong
nakatira sa tabi ng dagat o ilog kaya tinatawag silang “People of the Lake” o
“Tao sa Ragat”. Ang kanilang ikinabubuhay ay pangingisda at pagsasaka. Ang
lahat na sinusunod nilang kaugalian ay batay sa kanilang turo sa relihiyong
Islam.
Ang mga Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan pero ang
impluwensiya nito ngayon ay kumalat na hanggang sa mga tao sa
baybaying lugar. Sa mga malalaking pangkat ng mga Muslim sa
Mindanao, ang mga ito ang pinakahuling naging Islam. Magkaiba man
ang paniniwala ngunit pinagbubuklod sa pagiging Pilipino na may
iisang lahi.
Kunting Impormasyon sa tradisyunal na damit ng mga Maranao:
Ang pinakakilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Maranao ay ang
“malong”, ito ay malaki, makulay na tela na isinusuot sa pamamagitan ng
pagtatapis sa katawan. Isa sa karaniwang pagsusuot nito ng mga kababaihan ay
ang pagtatapis sa baywang na ang tupi nito ay nakalaylay at isinasampay sa
balikat o braso.
Kasingkahulugan
Kasingkahulugan - Dalawang magkaibang salita na pareho
o magkatulad ang ibigsabihin o kahulugan.
Halimbawa: marikit - maganda matipuno - makisig
Nagagalak - natutuwa hanapbuhay - trabaho
Paghihinuha/hinuha
Paghihinuha - Ito ay ang pagbibigay ng iyong sariling opinyon, pasya o
palagay basi sa iyong nakita, narinig o nabasa. Sa madaling salita ito ay
prediksyon sa mangyayari gamit ang mga impormasyon.
Halimbawa: Si Mattew ay mabilis na umalis ng kanyang bahay dahil
may nakakita raw sa kanyang tiya na isinugod sa ospital kanikanina
lang.
Sa halimbawang ito, ating mahihinuha kung bakit si Mathew ay
mabilis na umalis ng kanyang bahay dahil siya ay pupunta sa kanyang
tiya na nasa ospital.
Naging malinaw ba ang lahat ?... . .. ...
Meron pa ba kayong mga katanungan? .. ... .. . ..

You might also like