Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

MODYUL II - MGA KALIPUNAN NG

MGA AKDA (Arrogante, et. Al, 2004)

Remedios S. Salazar, MAEd


A. PANAHON NG KASTILA
( 1565 – 1872)
• Kaligirang pangkasaysayan
• Ang pananakop ng mga Kastila ay nagsimula lamang noong
dumating si Miguel Lopez de Legaspi at nagtatag ng unang
pamayanan ng Pilipinas noong 1565. Naganap ang sanduguan
sa pagitan nina Raha Sikatuna at Legaspi. Ang Pilipinas ay
nasakop ng mga Kastila ng mahigit na tatlong daang taon.
• Dahil sa layunin nila na palaganapin ang
Kristiyanismo, sinunog nila ang nakasulat na panitikan
ng mga katutubo. Pinalaganap nila ang tungkol sa
pananampalatayang Kristiyano. Nag-aral ang mga
prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga
gramatika at diksiyunaryo.
• PAKSAIN NG PANAHON NG KASTILA
• Maaaring mahati ang mga paksain noong Panahon ng Kastila.
1. Panahon ng Panitikang Pansimbahan – na kinabibilangan
ng mga dalit, nobena, buhay-buhay ng mga santo’t santa,
mga dulang pansimbahan, sermon at mga nauukol sa
kagandahang-asal.
2. Panahon ng Awit at Korido – kinabibilangan ng mga awit
at korido, mga tulang pandamdamin, mga tuluyan at gayon
din ng mga dulang pawang pang-aliw.
Doktrina Christiana – ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas
noong 1593.
“Salamat Nang Ualang Hoyang” ni Padre Suarez Ossorio (Ang
tulang ito ay nailathala sa Doctrina Christiana ni Fr. Alonzo de
Sta. Ana noong 1617.
SALAMAT NG UALANG HOYANG
• Salamat nang walang hoyang Icao paraluman namin
• Sa iyo Diyos cong maalam Ang sucat nga naming
sundin
• Nitong iyong auang mahal Hanggang di cami
dumating
• Salaming catagalogan. Sa lalawigang mahimbing.
• “Ybong Camunti sa Pugad” ni Phelipe de Jesus
• Ang tulang ito ay sinasabing nagtataglay ng katangian
ng tunay na tula kaya kinikilalang unang TUNAY na
tula.
YBONG CAMUNTI SA PUGAD
• Ybong camunti sa pugad Loob ninyong nasilacbo
• Sa inang inaalagad parang ningas alipato
• Ay dili macalipad Sa alapaap ang tongo

• Hanggang sa di magcapacpac. Ay bago hamac na abo.


• PANAHON NG PAGKAMULAT (1872 – 1896)
• Kaligirang Pangkasaysayan
• Pinahintulutan ng Hari ng Espanya ang ganap na
pagbubukas ng Maynila para sa Kalakalang pandaigdig. Naging
malaya ang Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
Nang buksan ang Suez Canal noong 1869, nagbigay ito sa
pagkamulat ng damdaming makabansa ng mga Pilipino. Naging
mabilis ang paglalakbay mula sa Pilipinas patungong Europa.
Nagbunga rin ito ng pagdatal sa bansa ng mga dayuhang
nagdala ng mga liberal na kaisipan.
Nagbunga rin ito ng pagdatal sa bansa ng mga dayuhang nagdala
ng mga liberal na kaisipan.

Ang mga kaisipan hinggil sa demokrasya ay mabilis na


isinadiwa ng mga Pilipino at dahil dito ay namulat ang mga
katutubo sa mga pang-aalipin at pambubusabos ng mga
mananakop na Kastila. Namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan
ng mga pagbabago, kalayaan at hustisya.
• Kaugnay nito, nagkaroon ng himagsikan sa Espanya noong 1868
na nagpabagsak sa kapangyarihan ni Reyna Isabel II. Ito ang
nagbigay daan sa kaisipang liberal sa Espanya tulad ng kalayaan sa
pamamahayag, pagsasalita, pananampalataya, pagkatuto at pagbuo
ng mga samahan at pagdaraos ng mga pulong.
• Naghudyat din ito ng pagpapalit ng Gobernador-Heneral sa
Pilipinas. Naatasan sa Pilipinas si Gob. Carlos Ma. De la Torre at
dala-dala niya ang mga liberal na kaisipang ipinaglaban ng mga
rebolusyonaryong Kastila sa Espanya. Sa kasamaang palad,
pagkalipas ng dalawang taon ay pinalitan siya ni Gobernador-
Heneral Rafael de Izquierdo na isang awtokratiko.
Ang mga pagbabagong naganap sa Europa at sa Pilipinas
ay nagbigay daan sa pagsibol ng nasa gitnang-uri. Dahil sa
edukasyong nakamtan sa ibang bansa, maraming mga
Pilipino ang naging guro, abogado, doctor at iba pang
propesyon. Nagbunga rin ito ng pag-unlad ng pangangalakal
at pagsasaka sa Pilipinas. Nadama ng sector na ito ang
kaginhawahan sa buhay at dahil dito nagsimula silang
humingi ng reporma sa pamahalaang Kastila. Namulat din
ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng pambansang
kamalayan.
• Nagkaroon ng malaking isyu sa sekularisasyon ng mga pari.
Ang mga parokyang dating hawak ng mga paring Pilipino ay
pinalitan ng paring Kastila. Nagbunga ito ng pag-aalsa sa
Cavite noong ika-20 ng Enero, 1872. Pinagbintangan ang
tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Hindi naging
makatarungan ang paglilitis sa tatlong pari sapagkat gawa-gawa
lamang ng mga Kastila ang mga kaso laban sa kanila. Pebrero
17, 1872 nang ginarote sina Gomez, Burgos at Zamora sa
Bagumbayan. Ang pangyayaring ito ay nagsilbing mitsa sa
pagkagising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.
• Ang Kilusang Propaganda
• Hindi tahasang naghimagsik ang mga kabataan. Humihingi
lamang sila ng mga pagbabago tulad ng: 1) gawing pantay-pantay
ang mga Kastila at Pilipino 2) gawing lalawigan ng Espanya ang
• Pilipinas 3) ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
Kortes ng Espanya 4) Pairalin ang sekularisasyon ng parokya
• 5) kalayaang pangkatauhan tulad ng pamamahayag, pananalita at
pagtitipon.
• Ang mga pangunahing namuno sa Kilusang Propaganda ay
sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena.
• Nadama nilang kailangan nilang ipahayag nila sa kanilang
panulat. Dito sa panahong ito naging laganap ang sanaysay na
naghahayag ng kanilang mga kuru-kuro tungkol sa mga
nakikita nila sa kapaligiran.
• Ang wikang ginamit ay ang Kastila bagamat gumamit din
ng Tagalog. Ang paksain ng mga manunulat ay laban sa mga
prayle at
• hindi sa pamahalaan. Hindi sila humihingi ng kalayaan sa
Espanya kundi reporma lamang.
• MGA MANUNULAT NG PANAHON
1. Herminigildo Flores
Kilala siya sa kanyang tulang, “Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya” (1888). Isinasaad niya rito ang mga pangangailangan
ng bayang inihihibik sa itinuturing na Inang Espanya.
2. Marcelo H. del Pilar
Siya ay taga San Nicolas, Bulacan. Sagisag panulat niya ang
Plaridel, Piping Dilat at Dolores Manapat. Marami siyang sinulat
na mga tulang pansimbahan at sanaysay sa La Solidaridad.
• Kabilang sa mga sinulat niya ang “Dasalan at Tocsohan,” “Caiingat
Kayo” (Sagot sa sinulat ni Paring Jose Rodriguez sa tuligsa sa Noli ni
Rizal), “Ang Kadakilaan ng Diyos” at iba pa.
• Itinatag niya ang Diyaryong Tagalog (1882). Siya ang patnugot
nito. Dito nalathala ang kanyang mapusok at makabagong damdamin.
Nang magtungo siya sa Espanya, nahalinhan niya sa pagkapatnugot
ng La Solidaridad si Graciano Lopez Jaena. Ang pahayagang ito ang
ginawa nilang instrumento sa pagpapahayag ng reporma. Kabilang si
Rizal sa nakasulat sa pahayagang ito.
• Namatay si del Pilar sa Espanya na malayo sa kanyang pamilya
dahil sa papel na ginagampanan niya para sa bayan.
• 3. Dr. Jose Rizal
• Si Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ay
ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Ang kanyang unang
guro ay ang kanyang ina na si Teodora Alonzo. Nag-aral siya sa
Ateneo de Manila, nag-umpisang mag-aral ng medisina sa
University of Sto. Tomas at nagtapos sa Universidad Central de
Madrid. Nag-aral din siya sa University of Berlin, Leipzig at
Heidelberg. Bagamat inosente, hinatulan siyang mamatay sa
pamamagitan ng firing squad sa salang sedisyon at rebelyon.
Ang kanyang sagisag-panulat ay Laong-Laan at Dimasalang.

• Bagamat ang wikang ginamit niya’y wikang Kastila, sapagkat ang layunin
niya’y maunawaan ng mga nasa Espanya ang tunay na nagaganap sa
Pilipinas, mayroon din siyang mga akdang naisulat sa wikang Pilipino, ang
kanyang “Sa Aking Mga Kabata,” at ang “Liham sa Mga Babaeng Taga-
Malolos.
• Nagtiyaga rin siyang lagyan ng anotasyon ang isinulat ni Morga na
“Sucesos de las Islas Pilipinas” upang higit na mabigyan ng tunay na larawan
ng bayang Pilipinas ang babasa noon. Sinasabi ring ang kanyang nobela, Noli
Me Tangere at El Filibusterismo ang nakapukaw sa damdaming makabayan,
ng nasyonalismo.

• Sa dalawang nobela nakalarawan ang mga pangarap,
lunggati, paghihirap, pagpapakasakit, pagpupunyagi,
kaligayahan at kahirapan ng mga tao ng panahon na yon. Tunay
na larawan ng isang bayang naghihirap sa kamay ng
mananakop na Kastila, bagamat ang talagang tinutuligsa’y
hindi ang pamahalaan kundi ang mga prayle.
• Ilan pa rin sa kanyang mga sinulat ang A La Juventud
Filipina (To the Filipino Youth); Mi Ultimo Adios (My Last
Farewell);
• El Consejo de los Dioses (The Council of the Gods) at iba pa.
• 4. Graciano Lopez Jaena
• Siya ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo, isang kilalang manunulat
at mananalumpati sa Pilipinas. Itinatag niya ang La Solidaridad sa
Barcelona at naging patnugot nito. Ito ang naging boses ng
Asociacion Hispano de Filipinas (isang samahan ng mga Pilipino
at Kastila na gumagawa ng pagbabago sa kalagayan sa Pilipinas).
Napatunayan ni Jaena na ang isang mamamahayag ay maaaring
maging instrumento sa pagdadala ng pagbabago at kaunlaran sa
buhay.
• Namatay siya sa isang charity hospital sa Barcelona noong Enero
20, 1896, labing-isang buwan bago binaril ang kanyang matalik na
kaibigan na si Dr. Jose Rizal noong December 30, 1896.
5. Antonio Luna
Bagamat isang parmasyotiko si Antonio Luna, nag-ambag din
siya sa larangan ng panitikan. Wikang Kastila rin ang ginamit niya
sa pagpapahayag ng kaisipan. Kabilang ang “Por Madrid”, isang
panunuligsa sa mga Kastila na nagsabing ang Pilipinas ay lalawigan
ng Espanya ngunit hindi itinuturing na gayon kapag sinisingilan ng
selyo.
• Ilan sa kanyang mga nasulat ang “Fray Botod” na kanyang
sinulat sa Jaro, Iloilo noong 1876, apat na taon pagkatapos ng pag-
aalsa sa Cavite. Inilarawan niya si Fray Botod bilang masiba,
ambisyoso at hindi karapat-dapat na alagad ng simbahan; Sa Mga
Pilipino. . .1891. . . Ito ay isang talumpati na naglalayong mabago
ang kondisyon ng mga Pilipino upang maging malaya at maunlad;
Pag-alis sa Buwis sa Pilipinas; Institucion ng Pilipinas
( Sufferings of the
Philippines) ipinatungkol niya ito sa maling pamamahala sa
edukasyon ng Pilipinas.
• Sa “Impresiones” ay ipinahayag niya ang kanyang mga
pansin at puna sa buhay-buhay sa Espanya. May isinulat din
siyang “La Tertulia Filipina” na naglalarawan ng ilang
kaugaliang Pilipino sa isang piging na ipinapalagay niyang higit
na mabuti kaysa sa kaugaliang Kastila. Ginamit niya ang
sagisag-panulat na
• Tagailog. Pinatay siya ng mga kawal ni Emilio Aguinaldo dahil
sa kanyang nagiging kasikatan bilang isang sundalo na
nakaapekto kay Aguinaldo.
• Ang iba pang manunulat sa panahong ito sina Ma. Jose
Panganiban na sumulat ng mga sanaysay sa La Solidaridad;
Pascual Poblete na kasama ni del Pilar sa Diariong Tagalog at
nagtatag ng pahayagang El Resumen, na napatapon sa Africa
dahil sa panunuligsa sa Kastila; Fernando Canon, nagpasimula
ng kaugaliang pagkatha ng unang tula sa karangalan ni Rizal
upang maging matagumpay sa panulaan; at Mariano Ponce na
sumulat ng “Ang Pagpugot kay Longinus” na siyang
pinakatema ng bantog na moriones sa Marinduque.
• PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896 – 1900)
• Kaligirang Pangkasaysayan
• Hindi naibigay sa mga Pilipino ang hinihingi nilang
pagbabago. Ang magagandang layunin ng Pamahalaang
Espanya ay hindi isinakatuparan ng mga prayle bagkus ay
nagpatuloy sila sa pang-aapi sa mga Pilipino.
• Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina, isang
sibikong samahan na pinagbintangan na rebolusyonaryo kaya
siya ay napatapon sa Dapitan.
• Ang panitikan ng panahong ito ay pawang akusasyon sa
pamahalaan at hinikayat ang mga tao na magkaisa at maghanda
para sa Kalayaan. Ang mga kinilalang lider sa panahong ito ay ang
mga sumusunod:
• 1. Andres Bonifacio
• Si Andres Bonifacio ay kinilala bilang Ama ng
• Demokrasya sa Pilipinas at Ama ng Katipunan. Itinatag niya ang
Kataas-taasan, Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (KKK). Siya ay palabasa ng mga aklat katulad ng Noli at
Fili ni Rizal na nagpaalab sa kanyang pagiging rebolusyonaryo.
• Umanib siya sa La Liga Filipina na itinatag ni Dr. Jose Rizal
noong 1892. Mas nakilala siya bilang rebolusyonaryo kaysa
manunulat. Ang kanyang mga akda ay ang mga sumusunod:
• a) Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
• b) Katungkulang Gawin ng mga Anak ng Bayan
• c) Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
• d) Huling Paalam – pagsasalin sa Tagalog ng tula ni Rizal na
Mi Ultimo Adios
• 2. Emilio Jacinto
• Siya ang kanang-kamay ni Andres Bonifacio na kilala bilang Utak
ng Katipunan. Siya ang patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng
Katipunan. Ang kanyang mga akda ay ang Kartilya ng Katipunan;
Liwanag at Dilim; A Mi Madre (Sa Aking Ina) at A La Patria (Para
sa Aking Bayan).
• 3. Pio Valenzuela
• Sumulat din si Pio Valenzuela ng nakapukaw na panitik at
katulong siya ni Emilio Jacinto sa pamamatnugot ng Kalayaan. Isang
sanaysay na alay sa bayan ang isinulat niya na pinamagatang “
“Catwiran.”
• HIMAGSIKAN LABAN SA MGA AMERIKANO
• Natatag ang Unang Republika noong ika-12 ng Hunyo,
1898.Narinig sa unang pagkakataon ang Marcha Nacional
Filipino ni Julian Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na
ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo.
• May mga diplomatikong nagsikap upang ganap na makamit
ng Pilipinas ang Kalayaan ngunit ang Kasunduan sa Paris ang
siyang isinakatuparan ng mga Amerikano. Naganap ito noong
Disyembre, 1898.
• Hindi tumutugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat
ay mabisa pa ring sandata sa pagpapahayag ng mga niloloob ng
sambayanan at sa panahong ito, ang pangalan ni Mabini ang
natampok.
• 1. Apolinario Mabini
• Si Mabini ang “Utak ng Himagsikan.” Ang ginamit niyang
wika’y Kastila. Tinagurian din siyang “Dakilang Lumpo” sapagkat
sa kabila ng kanyang kapansanan ay kinatakutan pa ang kanyang
panulat at kailangan siyang ipatapon. Siya ay taga Talaga, Tanauan,
Batangas. Naging kanang-kamay siya ni Emilio Aguinaldo nang
itatag niya ang Republika sa Malolos.
• Ilan sa kanyang mga sinulat ang El Verdadero Decalogo (The True Decalogue
o Ten Commandments); The Rise and Fall of Philippine Republic at Sa Bayang
Pilipino.

• 2. Jose Palma
Mahalaga rin ang papel na ginampanan ni Jose Palma sa kasaysayan at sa
panitikan ng bayan. Siya ang sumulat ng Himno Nacional Filipino (Pambansang
Awit ng Pilipinas). Bagamat sa Kastila niya ito sinulat at marami ng salin ang
nagawa, hindi maitatwang siya ang naghandog sa bayan ng Pambansang Awit.
• References:
• Casanova, A. P., Rubin, H. D. & Lagrada, H. D. (2001).
Panitikang Filipino. Rex Bookstore
Kahayon, A.H. & Zulueta, C. A. (2005). Philippine Literature.
National Bookstore

You might also like