Ang Salmo NG Buhay

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

FILIPINO 10

Bb. Elmalyn R. Argete


ISANG SALMO NG BUHAY

Mula sa tulang “A Psalm of Life”


ni Henry W. Longfellow
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro
ISANG SALMO NG BUHAY
Huwag mo nang ulitin iyang malungkot mong
sinasambit-sambit
Na ang buhay nati’y walang kahulugan, isang panaginip;
Palibhasa’y patay, wika mo,ang isang taong naiidlip,
At anino lamang ang lahat ng ating mga namamasid.
ISANG SALMO NG BUHAY
Hindi pagsasaya at di rin pagluha ang hantungang layon
Nitong buhay natin, o pag-uukulan ng ating panahon,
Kundi ang gumawa upang bawat Bukas ay maging mayabong,
Maging mabulaklak at maging mabungang hit kaysa Ngayon.
ISANG SALMO NG BUHAY
Malawig ang sining,at ang mga araw ay limbas ang kabagay,
At ang puso natin, kung matipuno man at may iwing tapang,
Ay tumutibok nga, ngunit tibok naming malabo’t marahan,
Tulad ng malungkot na tugotg ng tambol, patungong libingan
ISANG SALMO NG BUHAY
Sa mundong laranga’t tanghalan ng madling mga tunggalian,
Sa tinatahak mo na parang ng digma’t larangan ng Buhay,
Huwag mo nang hintaying ikaw ay itulak at
ipagtabuyan,
Pumagit nang kusa’t magpakabayani sa pakikilaban.
ISANG SALMO NG BUHAY
Paganda-ganda man, huwag magtiwala sa ganyak ng Bukas!
Kahapong nanaw na’y bayaang malibing sa kaniyang lumipas!
Ang marapat gawin ay kumilos Ngayon, gumawa, tumuklas,
Loob ay tibaya’t iasa sa Diyos ang lahat at lahat.
ISANG SALMO NG BUHAY
Paganda-ganda man, huwag magtiwala sa ganyak ng Bukas!
Kahapong nanaw na’y bayaang malibing sa kaniyang lumipas!
Ang marapat gawin ay kumilos Ngayon, gumawa, tumuklas,
Loob ay tibaya’t iasa sa Diyos ang lahat at lahat.
ISANG SALMO NG BUHAY
Ang buhay ng mga darakilang tao’y nagbibigay-aral
Na maari ring mapagin dakila itong ating buhay,
At pagyaon natin, sa ating nilandas tayo’y mag-iiwan
Ng bakas na tanda, na doon, nang minsan, tayo ay nagdaan;
ISANG SALMO NG BUHAY
Mga bakas yaong marahil kapagka napansi’t namalas
Ng isang nabagbag na kapatid natin sa dagat ng palad,
Ay baka sakaling loob na nanghina’y pagsaulang-lakas,
Sila’y manumalik, magbagong-panata, at muling lumayag.
ISANG SALMO NG BUHAY
Kaya nga halina, tayo ay kumilos, tumuklas, gumawa,
Ihanda ang loob sa magiging hanggang dulot ng tadhana.
Huwag maglulubay sa pagtataguyod ng ating adhika,
Matutong maghintay, matutong magtiis, matutong magtiyaga!
Maraming
Salamat at
Paalam!

You might also like