Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Action Plan ng aking Pamilya

Kapag may lindol


Bago ang Lindol
Aming aalamin kung ang kinaroroonan ng mga gusali at iba
pang mahahalagang imprastraktura ay matitibay, aming
pagtitibayin kung ito ay kinakailangan.
Ang mga kagamitan o mga kasangkapan ay aming itatali sa
dingding upang maiwasan ang pagkahulog ng mga ito.
Ang mga mabibigat na kagamitan ay aming ilalagay sa ilalim
na bahagi ng mga istante.
Aming sisiguraduhin na ang mga tangke ng gas ay nakasara
pagkatapos itong gamitin.
Aming titiyakin na ang mga nakabitin na mga bagay gaya ng
chandelier na maaaring bumagsak ay matibay ang pagkatali.
Habang may Lindol
Kung kami ay nasa loob ng isang matibay na gusali, kami ay
mananatili sa loob.
Kung kami ay nasa labas, pupunta kami sa isang ligtas at bukas
na lugar.
Kung kami ay nagmamaneho, aming itatabi at ihihinto ang
sasakyan.
Kung kami ay nasa gilid ng bundok o dalisdis, lalayo kami sa
mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagguho ng lupa.
Kung kami ay nasa dagat at nagkakaroon ng malakas na
paglindol dahilan upang mahirapang makatayo, aming iisipin
at ipalagay na magkakaroon ng tsunami. Kami ay mabilisang
tatakbo patungo sa lugar na malayo sa tabing dagat.
Pagkatapos ng Lindol
Kung kami ay naabutan ng lindol sa isang lumang gusali,
maglalakad kami ng mabilisan at aming hahanapin ang
pinaka-ligtas na daan papalabas.
Kung mayroon mang mga taong napinsala, aming tutulungan
ang mga ito.
Aming lilinisin ang mga natapong nakakalason at madaling
magliyab na mga kemikal upang maiwasan ang pagkakaroon
ng mga di kanais-nais na pangyayari.
Aming siyasiyasatin ang linya ng tubig at kuryente.
Kung kinakailangan naming lumisan sa aming tahanan, mag-
iiwan kami ng mensahe kung saang lugar ang aming
patutunguhan.
Ang Action Plan ng aking Pamilya

Kapag may sumabog na bulkan


Bago ang Pasabog
Kami ay agad-agad mag e-evacuate kung kami ay nakatira
malapit sa bulkan.
Mananatili kaming nakasubaybay sa balita at mga lokal na
channel ng aming pamayanan upang maging alerto sa mga
sitwasyon na posibleng mangyari at upang manatiling may
kaalaman sa mga lokal na plano sa kaligtasan at mga lugar ng
paglikas.
Aming sisiguraduhin na ang aming mga gadgets, power banks,
flashlights, at iba pang mga gamit ay fully charged.
Aming aalamin ang mga disaster hotlines at emergency hotlines.
Kami ay maghahanda ng go-bag para sa madaliang pag
evacuate.
Habang may Pagsabok
Kami ay gagamit ng N95 mask upang maprotektahan namin ang
aming mga sarili sa pulmo-respiratory injuries and diseases.
Kung wala naman kaming mga N95 mask, kami ay gagamit ng
lumang damit.
Aming proprotektahan ang aming balat at mata ng wastong damit
at salamin.
Sisiguraduhin namin na ang mga alaga naming hayop gaya ng aso
ay nasa loob ng aming bahay upang sila ay hindi mapahamak.
Kung kami ay nasa labas ay mabilisan kaming maghahanap ng
isang lugar na ligtas sakaling may bumagsak na mga bato o abo.
Aming tatakpan ang mga lalagyan ng pagkain at tubig upang
maiwasan ang kontiminasyon ng abo.
Pagkatapos ng Pagsabog
Kami ay hindi lalabas ng bahay hangat’t walang anunsyo ang
lokal na gobyerno na pwede nang lumabas ng bahay.
Aming babantayan ang mga bata o mga mahal namin sa buhay na
maaaring lumabas upang tingnan ang mga nangyayari sa labas ng
bahay.
Kami ay magsusuot ng mask, salamin, long sleeves, pantalon, at
sapatos kung kami ay maglilinis ng abo sa labas upang
maprotektahan ang aming lungs, balat, at mata.
Aming lilinisin ang kanal at bubong ng tubig matapos maalis ang
abo upang maiwasan ang kaagnasan.
Kami ay maghihintay ng karagdagang mga anunsyo mula sa
LGUs o pambansang balita na nauugnay sa pagsabog ng bulkan.
Stay Safe! :)

You might also like