Sa ibabaw ng kubyerta Talasalitaan Kapritso – hilig
Tikin - mahabang payat na kawayan na ginagamit sa
pagpapatakbo ng sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng mga bisig
Uldog - pari, prayle
Panukala - mungkahi, balakin , alok
Kubyerta - pang-ibabaw na palabag ng bapor
Mulato - mestiso Mga Tauhan
Kapitan Heneral - gumigiya sa
bapor , may limang marinero.
Donya Victorina - pinandidirihan
ang mga Indio at yamot sa mabagal na Bapor. Simoun - mag-aalahas Ben Zayb - peryodista
Don Custodio - taga-lutas
ng mga suliraning panlipunan. Mahilig gumawa ng mga panukala/ suhestiyon Padre Salvi – ningning ng mga kaparian.Ang paring Franciscanong dating kura ng Padre Irene - ang bayan ng San kaanib ng mga Diego. kabataan sa pagtatatag ng Padre Camorra - Akademya ng Wikang Kaaway ni Ben Kastila. Zayb. Buod Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at sakay sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Sa ibaba ng kubyerta ay makikita kasama ng mga bagahe at kalakal ang nagsisiksikang mga Tsino, Indio, at mestiso. Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral. Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig.Sa kanilang usapan ay inalok ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng pato. Kinakain daw kasi ng mga pato ang mga kuhol sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang kuhol na kanilang ipapakain sa mga alagang pato.Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot. Pagsusuri Bapor Tabo – nagpapanggap na maputi , maharlika , pormal at maunlad sa likod ng pinturang puti bagaman hindi maituturng na siang bapor dahil ito ay may kakulangan
Maitim na Usok – pagkalat ng masasamang Gawain
Hugis Bilog – katumbas ng walang malinaw na plano sa pamamalakad ng
gobyero sapagkat hindi alam kung nasaan ang unahan , tagiliran at hulihan na nagpapalito kung saan patungo at saan ang pabalik
Tikin - simbolo ng mga Kastilang nagpapatakbo sa Pilipinas na
dinidiktahanang mga Pilipino
Mabagal na Takbo - mabagal na pag-unlad ng Pilipinas mula noong sinakop
ng mga Kastila
Itaas at ibaba ng Kubyerta – mayaman at mahirap
Simoun – may makapangyarihang tinig.Kakikitaan ng katauhan si Simoun
ng Kapitan Heneral sa mga salitang tila batas at mahigpit na utos. Tunggalian
Nagbabangayan ang mga tauhan kung paano mapailalim
ang ilog pasig. Ito raw ay ipatuwid ng ayos; nagbigay ang mag-aalahas, ng isang lunas: humukay ng matuwid na kanal, sarhan ang dating Ilog Pasig gamit ang lupa at mapapaikli pa ang paglalakbay, upang masulosyunan ang mga suliranin pero nakipagtalo sila ukol dito dahil wala silang salapi na maibabayad sa mga manggagawa.