Professional Documents
Culture Documents
El Filibusteismo Kabanata 4 Buod
El Filibusteismo Kabanata 4 Buod
El Filibusteismo Kabanata 4 Buod
Kabanata 4
Si Kabesang Tales
Talasalitaan
a. kalusugan
b. kaunlaran
c. katamlayan
d. kapaguran
2.Walang pag-aagam-agam ang mga
hurado nang papanaluhin nila ang
batang-batang organista na tumugtog ng
balse at samba.
a. pag-aalinlangan
b. kaseguruhan
c. katiyakan
d. kagana-gana
3. Nasa gipit na katayuan
Tandang Selo
sya ay ang ama ni kabesang Tales. Siya rin ang
kumalingan sa batang si Basilio sa gubat noong
tumakas ito mula sa mga guwardiya sibil sa Noli
Me Tangere
Si Kabesang Tales
namamasukan bilang kasama ng isang
kapitalistang may malawak na lupang sinasaka.
Siya ang pinakamatandang anak ni Tandang Selo.
Naghahangad sya ng karapatan sa pagmamay-ari
ng lupang sinasaka na inangkin ng mga prayle.
Masikap sa pagtatrabaho dahilan upang siya’y
mahirang bilang cabesa de baranggay.
Ang mga Prayle
ang siyang umaangkin sa lupaing
pinaghihirapan ng pamilya ni Kabesang Tale.
Juliana/Juli
bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ni
Tales, sya rin ay katipan ni Basilio.Pumasok bilang alila
ni Hermana Penchang upang mabuo ang pantubos sa
kanyang ama.
Tano
lalaking anak ni Tales na katulong nya sa pagsasaka
sa lupaing tinataniman.
Hermana Bali
ay nagpayo kay Juli na
magpaalipin nang kausapin sa
pananalapi ang amang si
Tales.
Hermana Penchang
ay isang masimbahing
manang at siya ay naging amo
ni Juli.
Tagpuan
Lupang Sakahan ni Tales
Buod
Si Tandang Selo na siyang umampon kay Basilio
noong ito ay bata pa ay matanda na. Dahil pumuti na
ang kanyang buhok, hindi na siya nangangahoy.
Ngayon ay gumagawa na lamang siya ng walis bilang
aliwan. Si Kabesang Tales, anak ni Tandang Selo ay
isa nang kabesa de barangay. Yumaman siya dahil sa
sipag at tiyaga. Siya ang nangongolekta ng buwis sa
kanilang baranagay at kung hindi makabayad ang ilan
ay kanyang inaabonohan. Inisip niyang pag-aralin na
sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na
kasintahan nito. Dahil ang bukid ay umunlad ito ay
inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales
at tinataasan buwis.
Di na nakaya ni Tales kung kaya’y lumaban siya
bitbit ang pananalig na may katarungan subalit
mailap ito sa kanya. Nang umabot na sa dalawang
daana ng buwis sa lupa ay hindi na nakuntento sa
pagbubuntung-hininga at pagkamot ng ulo si Tales.
Tumutol at nagreklamo. Sa galit dahil sa
pagbabanta ng mga prayle na nagpipilit ng
kanilang kapangyarihan sa anumang paraan dahil
sa naroroon ang iba pang magsasaka,si Kabesang
Tales ay naghimagsik. Tumanggi siyan g magbayad
ng kahit na isang pera. At matigas na nagsabing
ipagkaloob niya lamang ang kanyang lupain sa
unang lalaking didilig ng dugo nito.
Ipinapakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa.
Hindi ibinayad ng kapalit ang anak. Ito ay binungkay at
tinamnan ang lupa, namatay at nalibing ang asawa’t
anak na si Lucia sa mismong lupa . Kung kaya’y hindi
niya mabibigay ang lupa. Tinanuran ni Kabesang tales
ang kanyang bukid. Lagi siyang may dalang baril,
gulok, at palakol. Sa huli ay na huli si Kabesang Tales sa
mga kamay ng mga tulisan at ipinatubos.Isinanla ni Huli
ang kanyang mga hiyas liban sa isang agnos na bigay sa
kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panuobos.
Ipinasyang mangutang kay Hermanang Penchang at
maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng
Pasko at kinabikasan, araw ng pasko ay maglilingkod na
siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli
nang gabing iyon.
Tunggalian
Tao laban sa lipunan
Simbolismo ng mga bagay at pangyayari