Siño, Li Brent A. Photo Collage NG Mga Napapanahong Isyung Lokal

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Photo Collage ng mga Napapanahong

Isyung Lokal

Siño, Li Brent A.
BSA 11M2
Pagrerecruit ng CPP ng Alleged “Vote Buying” ni Pagsulpot ng Ang Tax Evasion Case ni Former
mga Kabataan Senator Manny Pacquiao Omicron Variant Senator Bongbong Marcos
Pagrerecruit ng CPP ng mga Kabataan

Sa aking unang taon ng kolehiyo sa Lyceum of Alabang, Kaming mga


estudyante ay dumalo sa isang webinar upang kausapin at bigyang impormasyon
ng mga opisyal ng gobyerno tungkol sa CPP. Naging parte din ng aming
webinar ang isang ina kung saan ang kanyang anak ay na-recruit ng CPP. Sa
pagpupulong na ito, nalaman namin kung ano ang CPP, ang kanilang motibo at
kung paano sila nakapwesto sa ating bansa. Parte din ng CPP ang NPA na
nabanggit na sa iba't ibang channel dahil sa kanilang mga agresibong aksyon.
Matagal na na isyu ang CPP sa ating bansa at kailangan ng gobyerno na
ipaalam ito sa mga kabataan dahil isa sa mga plano ng CPP ang pagrerecruit ng
kabataan para ipagpatuloy ang kanilang misyon. May isa ding tagapagsalita na
dating miyembro ng CPP at nagbalik loob sa gobyerno. Binigyan niya kami ng
karagdagan impormasyon kung paano nag ooperate ang CPP at kung bakit
kabataan ang kanilang nirerecruit. Makalipas ng ilang paksa na pinag-usapan,
ikinuwento ng isang ina ang karanasan ng kanyang anak at kung paano ito
narecruit ng CPP. Itong webinar ay isinagawa upang magkaroon kami ng
kamalayan sa mga nangyayari sa aming paligid at mag-ingat kami sa mga
ganitong pangyayari.
Alleged “Vote Buying” ni Senator Manny Pacquiao

Si Senator Manny Pacquiao ay tumatakbong presidente ngayon Eleksyon 2022.


Siya ay naakusahang nag-vovote buying dahil sa pamamahagi ng cash aid o pera
sa publiko sa kanyang pagbibisita ng mga probinsya. Ito ay kanyang itinanggi at
pinaliwanag niya na ito ay tulong lamang at hindi ito maituturing na vote buying
hanggat di pa nagsisimula ang campaign period. Ang campaign period ay
magsisimula sa 8 ng Pebrero 2022. Maraming opinyon ang nagsasabi na ito ay
mali pero ayon sa Commission on Elections, hindi ito election offense.
Pagsulpot ng Omicron Variant
Ang Omicron Variant ay isang variant ng COVID-19 na nadiskubre noong
Nobyembre 2022. Ang COVID-19 ay isang virus na natagpuan at nagsimula sa Wuhan,
China at dahil ito ay isang bagong virus at malubhang nakakahawa, ito ay kumalat sa
buong mundo at nagsimula ng isang pandemya. Simula noon, marami ng variant ng
COVID-19 ang nadiskubre dahil sa pagmumutate nito. Isa na dito ang Omicron Variant.
Ang dahilan kung bakit ito naging isyu ay bumabalik na normal ang mundo dahil sa
mga vaccine at kapag ang bagong variant nito ay nadiskubre na mas malubha at mas
nakakahawa kaysa sa mga nakaraang variant, maaring magkaroon na naman ng
malawakang lockdown. Sa ngayon ay wala pang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas
pero pinaghahandaan parin ito ng bansa lalo na ngayon pasko at bumababa ang mga
kaso dahil sa vaccination drives ng gobyerno.
Ang Tax Evasion Case ni Former Senator Bongbong Marcos

Si Former Senator Bongbong Marcos ay tumatakbong presidente ngayon


Eleksyon 2022 pero may mga indibidwal na tutol dito. Isa dito ay ang
background ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang ama. Ang kanyang
ama ay ang dating Presidente na si Ferdinand Marcos na nagdeclare ng Martial
Law sa buong Pilipinas noong 70s at nagpahirap ng maraming Pilipino. Ngunit
sa panahon ngayon, hindi sapat na dahilan o ebidensya ang pagiging anak ng
isang diktador upang pigilan ang pagtakbo bilang isang presidente. Dahil dito,
naungkat ang dating kaso ni Presidential Candidate Bongbong Marcos sa hindi
pagbayad ng buwis o tax evasion. Hanggang sa ngayon, may mga petition
paring nahahain laban kay BBM kahit nakapagpiyansa na ito.
Salamat sa Pagbasa!

You might also like