Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

Tanong :

Ano ang ibig itawid na


mensahe ng
mapapanood?
https://www.youtube.com/watch?v=kZl
XWp6vFdE

(videoclip of Derek Redmond –


Olympics 2012)
“Dalawang Hakbang sa Larong
Takbuhan”
(Kuwento ng karanasan ng
manlalarong si Derek Redmond)
Lahat ay nakatingin at nag-aabang sa
ikikilos ng mga manlalaro na
nakaposisyon. Mistula silang mga uhaw na
hayop na handang sumila sa sinomang
magiging hadlang sa kanilang daan.
Malakas ang sigawan at hiyawan ng may
mahigitkumulang animnapu’t limang
libong tao sa field.
Bawat isa ay may kani-kaniyang
pangalan ng manlalaro na isinisigaw.
Kapuna-puna ang pangingibabaw ng
pangalang Derek Redmond. Maging
ang announcer ng palaro ay maririnig
ang paghanga sa di matatawarang
tagumpay na nakamit niya bilang
manlalaro. Sa mga oras na ito, nasa
kaniya ang pabor upang makamtan ang inaasahang
gintong medalya sa palaro. Narinig ng lahat ang
tunog ng baril na hudyat ng pagsisimula ng laban.
Tila mga kidlat namang nagtakbuhan ang mga
manlalaro. Lahat ay hindi paiiwan. Mapapansing
nagpakita ng kakaibang bilis si Derek. Sa saglit na
sandali ay nakaungos siya sa ilang mga manlalaro.
Kitang-kita kung paano siya naging mistulang ipu-
ipu at iwan ang ilan.
Kaunting hakbang na lamang ay maaabutan at
malalampasan na niya ang nangunguna sa laban.
Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon, biglang
napaupo si Derek at hinawakan ang kanang hita.
Mababanaag sa kaniya ang sakit na nararamdaman.
May lumapit na mga doktor upang magbigay ng
paunang lunas subalit tinanggihan niya lamang.
Bigla siyang tumayo at paika-ikang tumakbo.
Makikita ang pagnanais niyang tapusin ang laban.
Sa pagkakataong ito, bakas sa kaniyang mukha ang
mas matinding sakit na nararanasan.
Ang lahat ng tao ay nakatitig sa kaniya. Sila
ay tila nag-iisip kung paano makararating sa
finish line ang isang manlalaro na walang
pagsidlan ang sakit na nararamdaman sa mga
paang inaasahan niyang maghahatid sa
kaniya sa inaasam na tagumpay. Maya-maya
pa’y may humahangos na lalaki na lumapit
kay Derek.
Inakbayan siya. Nang makilala ni Derek ang lalaki,
parang batang bumuhos ang luha ng manlalaro.
“Hindi mo kailangang gawin ito. Matindi na ang
pinsala ng iyong hita”, bulong ng lalaki. Matapang
at buong pusong tumugon si Derek, “kailangan
kong gawin ito.” Nang marinig iyon ng ama, isang
makahulugang yakap ang ibinigay niya kay Derek
at nagwika, “P’wes, sabay natin itong gagawin.
Magkasabay tayong hahakbang patungo sa finish
line. Hindi kita iiwan.”
Nag-uumapaw ang damdamin ng lahat ng
naroroon. Nagtayuan ang mga tao at walang
pagsidlan ang damdamin sa nasaksihan. Hindi
matatawarang paghanga ang natanggap ng
mag-ama sa labang ito. Hindi man nakamit ni
Derek ang kampeonato, ang mahalaga
nakasama niya ang ama sa panahong
nanghihina siya, sapat upang matunghayan ng
maraming mga mata na siya ang tunay na
nagwagi sa laban.
Alam mo ba….

Na si Derek Redmond ay atletang kinatawan ng


bansang Great Britain na lumahok sa Barcelona
Olympics noong 1992 para sa 400meter Sprint.
Siya ay naging kampeonato sa iba’t ibang
pandaigdigang kompetisyon sa larong takbuhan.
Ang karanasan niyang ito ay nagbigay sa kaniya
ng daan upang maging inspirasyon hindi lamang
ng maraming mga atleta bagkus ng sangkatauhan.
Ang anekdota ay maikling akdang tuluyan na
nagsasalaysay ng kawili-wili, kapanapanabik at
makatawag-pansing pangyayari sa buhay ng
isang tao na kadalasaý kilala o tanyag. Tandaan
na ito ay nagsasalaysay ng mga tunay na
pangyayari at mayroon din minsang bungang-
isip lamang ng may-akda. Layunin nitong
ipabatid ang katangian ng pangunahing tauhan.
ANEKDOTA

- Isang kwento na ang dating ay


kasiya-siya o kawili-wili na naganap
sa buhay ng isang tao. Layunin ng
anekdota na magpahatid ng gintong
aral sa buhay.
Isang malikhaing akda ang
anekdota. Hindi dapat
nakababagot ang pasimulang
pahayag nito.
ANG SERMON: ISANG
ANEKDOTA
(Isinalin sa Filipino ni
Roderic P. Urgelles)
Tanong :

Ano ang mensahe ng anekdotang


maririnig? Ipaliwanag.
https://www.youtube.com/watch?v=Z
ItVVHTEBWg

“Mullah Nasreddin”
Input ng Guro

“Ang Sermon”

1.Hindi marapat ang karunungan sa hindi


humahanap nito.
2. Ang karunungan ay nagpapatuloy.
3.Ibahagi ang karunungan sa iba.
“Ang Palayok”

Minsan hiniram ni Mullah ang


palayok ng kanyang kapitbahay dahil
kakailanganin niya ito sa pagluluto.
Hindi nagdamot ang kapitbahay.
Makalipas ang
tatlong araw ibinalik ni Mullah
ang palayok na may kasama pang
maliit na palayok at nagwika
“Ang palayok mo ay nanganak”.
Ganun na lamang ang galak ng
kapitbahay.
Nang sumunod na buwan, muling
hiniram ni Mullah ang palayok at
gaya dati muli itong ipinahiram.
Subalit makalipas ang halos isang
lingo hindi naisoli ni Mullah
Ang palayok kung kaya nangahas
na ang kapitbahay ana ito ay
kunin.

Kapitbahay : “Kunin ko na ang


palayok na hiniram mo”
Mullah : “Ipagpaumanhin ang
palayok mo ay namatay”.

Kapitbahay: “Imposible,hindi
namamatay ang palayok!”
Mullah : “Ipagpaumanhin ang
palayok mo ay namatay”.

Kapitbahay: “Imposible,hindi
namamatay ang palayok!”
Mullah : “Bakit nung sinabi kong
nanganak ay naniwala ka, ngunit
ngayong namatay hindi ka
naniniwala?”…
Mensahe

- Likas sa tao na kandado ang


isipan. Ang nais lamang nilang
paniwalaan ang kanilang
pinaninindigan at hindi bukas ang
isipan sa pagtanggap.
ANG
MAY-AKDA
Si mullah ay bahagi ng relihiyong
islam na nagnanais na sumunod sa
utos ng diyos sa simple,
pananalangin at
pagmeditasyon.Sinilang siya sa hortu
village sa sivrihisar na mas
kilala siya bilang “populist
philosopher” o taong naninidigan sa
pagiging karaniwan ng tao.Bahagi at
kumakatawan siya sa isang samahan
ng mga ito.
tinatawag rin siyang “pantas”at tanyag
sa kanyang mga kakatwang anekdota at
nakatutuwang mga kwento. Halos
umabot sa libo ang kanyang mga
naisulat na naglalahad ng katalinuhan,
pang-uuyam at tumatalakay sa
kalikasang pedagohikal.
Nasir ud-din Mahmood al-Khoyi,ang
tunay niyang pangalan.batay sa
isinagawang pag-aaral sa buhay ni
mullah,siya ay ipinanganak sa lungsod
ng khoy,sa kanlurang Azerbaijan sa
lalawigan ng iran.nakapag-aral sa
“khorasan”at naging
guro si Fakhr al-Din al-Razi
.sinasalamin si mullah bilang
pamosong manunulat,tagapayo sa korte
at bilanggong pulitikal sa Iran. Ang
kanyang mga anekdota ay naglalahad
ng katatawanan at tumatalakay tungo
sa daan ng realidad.
Ilan sa mga anekdota niya ay :
1. Ang Sermon
2. Magkatulad ng lasa
3. Nakatuklas ng liwanag
4. Ang nawawalang singsing
Mga
Sangkap
o
Komponent
ng
Kasanayang Komunikatibo
1. Gramatikal

2. Diskorsal

3. Strategic
1. Gramatikal

- Ito ay tumatalakay sa kakayahan kung kailan gagamitin ang salita


upang maging epektibo ang pakikipag-usap o komunikasyon.
Mahalagang batid ng nagsasalita ang tuntunin sa gramatikal sa
pagbuo ng salita, pangungusap, pagbigkas at pagbibigay kahulugan
sa salitang ginamit.
Hal #1

“Nais kong tumakbo nang tumakbo sa paligid.”


(Batid natin pasulat man o pasalita ang gamit ng mahabang
nang at maikling ng.

Hal #2
“Hindi lahat ng puno ng kagawaran ay may puso.”
(Dahil sa paggamit ng puno at kagawaran nangangahulugan
na ito ay tumutukoy sa taong tagapanguna sa isang kagawaran
o departamento)
Hal #3

“Ooperahin mamaya sa mata ang batang matalino.”


(Mas wasto ang ooperahin kung binanggit sa pangungusap
ang alinmang bahagi ng katawan gaya ng mata, ilong, taynga.
Dahil ang mga ito ay ang titistisin o ooperahin.)

“Bukas pala ooperahan si Juan.”


Alas- 8 ng umaga pala siya ooperahan.
Sa St.Lukes pala siya ooperahan.”
(Ooperahan naman kung tao, oras o lugar ang ginamit sa
pangungusap)
2. Diskorsal

- Ito ay kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na


wika.

Dalawang bagay na dapat tandan upang malinang ang kakayahang


diskorsal.

1. Cohesion - o ang pagkakaisa


2. Coherence – o pagkakaugnay-ugnay
Upang mabatid na epektibo nga ang nagaganap na komunikasyon o diskorsal narito
ang ilang halimbawa.

Hal #1

“Klase, sa susunod na asynchronose natin hanggat maaari kumpleto kayo at dumalo


batay sa tinakdang oras” – Guro
(Ang nagsasalita ay nanghihikayat)

Hal # 2
“Tol, kumusta ka na?minsan dalaw ka naman s abahay gaya dati”. Ano ang relasyon
ng nagsasalita sa kinakausap?
(Ang nagsasalita at nag-uusap ay magkaibigan) sa madaling salita nababatid
natin kung ang nag-uusap at magtropa,magkaibigan,magkaklase o anak sa magulang.
Hal #3

“Nakagawa ka na ba ng quiz mo? O nakapagrecord ka ng mga


awtput nila?”
(Ang nag-uusap ay kapwa guro)

Matagumpay ang diskurso kung maayos ang pagkakagamit ng


salita, pinatutungkulan at pagkakaugnay nito sa bawat isa.
3. Strategic

- Ito ay tumatalakay sa kahusayan na magamit ang berbal o di-


berbal na uri ng komunikasyon. Ang berbal ay pasalita at pasulat
samantalang ang di-berbal ay hindi gumagamit ng wika.

Kasama rito ang pagkumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng


mukha upang mas maging malinaw ang paghahatid ng mensahe.
Hal #1

Pagpapakita ng pagkuyom ng kamay at panlilisk ng mata


(Galit)

Pagkindat sabay taas ng kilay. (Nagkakaunawaan sa isang bagay o


pagsang-ayon)
Strategic
(Salita o Senyas)

1. Pagpapakita ng pagkuyom ng
kamay at panlilisk ng mata (Galit)
2. Pagkindat sabay taas ng kilay.

You might also like