YUNIT I - Aralin 7 Organisasyon NG Negosyo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga organisasyon ng
negosyo
Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang
gawaing pang-ekonomiya  na may layuning
kumita o tumubo. May apat na pangkalahatang
uri ng organisasyon ng negosyo. Ang mga ito
ay ang (1) sole proprietorship, (2) partnership,
(3) corporation, (4) cooperative
Sole proprietorship

Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-aari
at pinamamahalaan ng isang tao. Ang
nagmamay-ari ay tinatawag na sole proprietor
o sole trader. Siya ang may kabuuang
kapangyarihan at responsibilidad sa negosyo.
partnership

Ang partnership ay isang organisasyong binubuo ng
dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at
sumasang-ayong pag-hatian ang mga kita at
pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo. Ang mga
kasapi ng isang partnership na partners. Ang mga
kasapi ng ganitong uri ng samahan ay maaaring
tawaging general partners o limited partners.
corporation

Corporation o korporasyon ang pinakamasalimuot na
organisasyon ng negosyo. Kadalasan, ito ang may
pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. Ito
rin ay may legal na katauhan na hiwalay sa katauhan
ng mga taong nagmamay-ari, kumokontrol at
nagpapatakbo ng korporasyon.
cooperative

Mayroon pang ibang uri ng samahan ng negosyante. Ito ang
kooperatiba na binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay
hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at
tubo. Sa isang kooperatiba, kabahagi ang mga kasapi sa
pagtatatag at pamamalakad ng samahan kaya interesado
silang magtulong-tulong sa ikatatagumpay ng kanilang
samahan.

You might also like