Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

YUNIT I

ARALIN 3

Pangangailangan at
kagustuhan
PANGANGAILANGAN
• Pangunahing
pangangailangan/basic/
primary needs
• Mga bagay na mahalaga sa
pananatili ng buhay ng tao.
Hal: Pagkain, damit bahay
• Pangunahing Bagay
(Necessities)
KAGUSTUHAN
• Maaaring tugunan o 
hindi tugunan sapagkat
hindi nakasalalay ang
buhay ng tao dito
• Wants/Secondary needs
• Panluhong bagay
(Luxuries)
Teorya ng pangangailangan ni
maslow

Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan.
Sa “Theory of Human Motivation” ni Abraham Harold Maslow
(1908-1970), ipinanukala niya ang teorya ng ‘Herarkiya ng
Pangangailangan’. Ayon sa kaniya, habang patuloy na
napupunan ng tao ang kaniyang batayang pangangailangan,
umuusbong ang mas mataas na antas ng pangangailangan
(higher needs).
*Pangangailangang pisyolohikal

Nakapaloob ditto ang pangangailangan ng tao sa
pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan.
Kapag nagkulang ang mga pangangailangan sa antas
na ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa
pagkamatay.
* Pangangailangan ng seguridad at kaligtasan

Kabilang dito ang kasiguraduhan sa hanapbuhay,
kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at
pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at seguridad sa
kalusugan. Magkakaroon ng pangangailangang ito
kapag natugunan na ang naunang pangangailangan.
*Pangangailangang panlipunan

Kabilang ditto ang pangangailangan na magkaroon ng
kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa
mga gawaing pambayan. Kailangan ng tao na makipag-
ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat
mayroon siyang pangangailangan na hindi kayang tugunan
ng mag-isa.
*Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng
ibang tao

Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng
kanyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas
na ito ay maaaring magdulot sa kanya ng mababang
moralidad at tiwala sa sarili na maaaring magmula sa
pagkapahiya, pagkaiba at pagkatalo.
*Kaganapan ng pagkatao

Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan
ng tao. Sinabi ni Maslow na ang taong nakarating sa
antas na ito ay nagbigay ng mas mataas na pagtingin
sa kasagutan sa halip na katanungan. May kababaang
loob at may respeto sa ibang tao.
Mga salik na

nakaiimpluwensya sa
pangangailangan at
kagustuhan
*edad

Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa
edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain
basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda
ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring
kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan.
*antas ng edukasyon

Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa
antas ng pinag-aralan. Ang taong may mas mataas na pinag
aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging
mas mapanuri sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan.
*katayuan sa lipunan

Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at
pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang
pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa
mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng
sasakyan sapagkat Malaki ang maitutulong nito upang lalo
siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at
Gawain.
*kita

Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sa kaniyang
pangangailangan at kagustuhan. Kapag maliit ang kita ng
tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at
pagkakaroon ng bahay. Kung mas Malaki ang kita mas
madalas na Malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa
pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing na kagustuhan.
*Kapaligiran at klima

Ang kapaligirang pisikal ay nakakaapekto sa
pangangailangan ng tao. Kung malamig ang lugar ay
maaaring maghangad ang tao ng mga produktong
makatutulong upang malabanan ang matinding lamig,tulad
ng heater. Samantala, ang electric fan, aircondition unit at iba
pang kahalintulad nito ang pangangailangan sa lugar na may
mainit na klima.

You might also like