Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Filipino 5 – Ikalimang Baitang Ikatlong Markahan

Week 4 Paggawa ng Timeline/ Pagsasalaysay ng napakinggang teksto/


Opinyon o Katotohanan
Pangalan:________________________________

Baitang/ Pangkat:_________________________
Ang timeline ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng pagkasunud-sunod ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng linya. Tumatalakay ito sa salitang oras o panahon. Sa madaling
kahulugan, ito ay talahanayan ng mga importanteng kaganapan sa mga nakaraang taon. Maari
din namang listahan ng mga partikular na kaganapan na lumipas na. Maari din itong isang plano
na nagpapakita kung gaano katagal aabutin ang isang bagay o kailan mangyayari ang mga bagay.
Maaaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa o pangyayari na may maikling paglalarawan o
detalye tungkol dito. Makakatulong sa higit na pang-unawa ng mga mag-aaral kung lalagyan ng
larawan kaugnay ng paksa ang timeline.
Pag-aralan ang halimbawa ng timeline sa ibaba.

Sa pagkakataon ito, pag-aralan mo naman ang pagsasalaysay base sa tekstong napakinggan.


Ang teksto ay babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o impormasyon
at sa mga napapanahong isyu sa ating paligid.
Ang pagsasalaysay ay nagpapahayag na may layuning mag kuwento ng mga pangyayari. Ito ay
may dalawang uri: ang pasalita o pasulat na paraan ng pagsasalaysay.
Ang kakayahang makapagsalaysay muli ay isang patunay na may nakuhang bagong kaalaman
ang isang indibidwal mula sa kaniyang pakikinig. Ang kakayahan ding ito ay makatutulong upang
maihatid ang naiisip o nadarama sa napakinggang teksto.
Mahalagang maunawaan ang pinakikinggan nang sa gayon ay matutunan mo ang nilalaman ng
teksto.
Mas palalimin mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa opinyon o
katotohanan base sa isang pahayag. Ano ba ang pagkakaiba ng opinyo sa katotohanan? Anu ano
ang mga palatandaan o pahiwatig para malaman na ang isang pahayag ay opinyon?
Opinyon ay isang pahayag na nagsasabi kung ano ang iniisip o nadarama ng isang tao tungkol sa
bagay o isyu.
Masasabi natin na ang isang pahayag ay opinyon o kuru-kuro ay isang saloobin, palagay o
paniniwala ng isang tao. Ito ay maaaring walang sapat na batayan.
Ang isang opinyon ay madali ring matutukoy sapagkat karaniwang ginagamitan ito ng mga
pahiwatig tulad ng:
● Sa aking palagay
Halimbawa: Sa aking palagay matatagalan pa bago mawala ng lubusan ang COVID-19
.
● Naniniwala ako na
Halimbawa: Naniniwala ako na may siyam na buhay ang pusa.
● Marahil
Halimbawa: Kahit ginagawa ng mga guro ang lahat ng paraan marahil hindi pa rin ito sapag para
mapatuto ang mga bata ngayon may pandemya.
Katotohanan ang isang pahayag kung nagsasabi o nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring
naganap.
Masasabing katotohanan kung may sapat na batayan o patunay. Ito ay mga pangyayaring tunay
na naganap o nangyari.
Halimbawa:
1. Sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020.
2. Halos boung mundo ang naapektuhan ng COVID-19.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang kasaysayan. Gumawa ng timeline gamit ang mga datos. Isulat
ito sa loob ng kahon.
Edukasyon sa Panahon ng Espanyol
Ang unibersidad ang pinakamataas na edukasyon ay itinaguyod ng mga Heswita at Dominikano.
Magkahiwalay ang mga paaralan para sa mga lalaki at sa mga babae.
Ang kauna-unahang kolehiyong panlalaki na itinayo ng mga Heswita ay ang mga sumusunod:
Colegio de San Ignacio (Maynila) noong 1589; Colegio de San Ildefonso ( Cebu) noong 1595;
Colegio de San Jose noong 1601; Escuela Pia noong 1817 (di nagtagal tinawag itong Ateneo de
Municipal at ngayon ay kilala bilang Ateneo de Manila.
Itinatag naman ng mga Dominikano noong 1611 ang Unibersidad ng Santo Tomas ang
pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.
Sumunod namang itinayo noong 1630 ang Colegio de San Juan de Letran.
Pagsasanay 2:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik S kung Sang-ayon ka sa isinasaad ng
pangungusap at DS kung hindi ka sang-ayon.
_____ 1. Ipagmalaki sa lahat ang lahing iyong pinagmulan.
_____ 2. Pagtawanan ang mga mga kaklaseng kulot na kulot ang buhok at pandak.
_____ 3. Maging palakaibigan anumang pangkat-etniko ang iyong kinabibilangan.
_____ 4. Tulungan ang kapwa kahit na hindi mo sila kauri o kalahi.
_____ 5. Hayaang lumipas ang panahon na hindi mo nalalaman ang kasaysayan ng
iyong bansa.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Siya si Manuel L. Quezon and tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.Itinayo ni Quezon noong
Enero 1937 ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang
pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino., Inirekomenda ng Surian noong
Nobyembre 1937na gawing pambansang wika ang Tagalog. Idineklara ni Quezon na Tagalog
ang magiging pambansang wika ng Pilipinas noong ika-30 ng Disyembre 1939.Iniutos niyang
ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan noong Hunyo 1940.
1. Sino ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa?_________
2. Ano ang itinayo ni Quezon noong Enero, 1937? _____________
3. Ano ang inirekomenda ng Surian noong Nobyembre, 1937?_______
4. Kailan naideklara ni Pres. Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika?
__________________
5. Ano ang iniutos ni Quezon sa mga paaralan?__________

Isalaysay muli ang napakinggan teksto gamit ang timeline.

You might also like