Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Ang Ulat

Tungkol sa
Pagsusulit
inihanda ni: Len Hernandez
Pagsusulit
*ito ay naglalayong sukatin ang
kaalaman, kasanayan, kakayahan,
kalakasan ng katawan. ito ay maaring
pangasiwaan ng pasalita, pasulat sa
kompyuter o sa isang limitadong lugar
na nangangailangan ng pisikal na
pagganap ng mga kasanayan ng
Mga uri o
aytem ng pagsusulit
*Multiple choice o may pinag pipilian
Stem – maaaring pangungusap na hindi tapos, o
pangungusap na may patlang, o pangungusap na
nagtatanong.
Opsyon - ang mga pamimilian ng sagot.
 tamang sagot
 distractor o joker
Sa paghahanda ng mga opsyon, tiyakin ang alinman sa
kanila ay aangkop na idugtong sa stem.
Sa pagpili ng distractors, tiyaking ito ay sadyang balanse at
Pangungusap na hindi tapos

• Halimbawa:
• Sa kuwentong binasa, nanalo ang mga
tutubi sapagkat:
a) higit na malalakas sila kaysa matsing
b) malalaki ang mga pambambong dala nila
c) hindi ginamit ng mga matsing ang isip at utak
nila
d) ginamitan ang mga tutubi ng mga agimat
Pangungusap na may puwang

• Halimbawa:
• Si Prinsesa Tutubina ay mahilig_____?
a) makipag-away sa mga matsing
b) mamasyal sa labas ng palasyo
c) makipagbiruan sa mga matsing
d) magsumbong ng hindi totoo sa amang hari
Pangungusap na buo

• Halimbawa:
• Nagtataingang-kawali ka na naman.
a) Nagpapatawa
b) Nagpapaloko
c) Nagtutulungan
d) Nagbibingi-bingihan
Pangungusap na nagtatanong

• Halimbawa:
• Ano ang kahulugan ng nagtataingang-kawali?
a) Nagtutulungan
b) Nagpapatawa
c) Nagbibingi-bingihan
d) Nagpapaloko
Pagsusulit na Pagpupuno sa
Patlang o Completion Test

*Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na


pinamimili ang mag-aaral sa wastong sagot ay
ipinabibigay ang tamang sagot.
Halimbawa:
Punan ang patlang sa pagsulat ng wastong anyo
ng pandiwang nasa panaklong.
Mabilis na ___________(takbo) palabas ang
mga tao sa sinehan.
Pagsusulit na Clozed
*Sumusukat ng pangkalahatang kasanayan sa
wika, gayon din sa kaalamang linggwistika at
kaalaman sa kaugnayan ng salitang kinaltas at sa
buong teksto.
*Nilalagyan ng puwang ang bawat ikatlo, o ikaapat
na salita o bawat regular na bilang ng salita.
*Sa uring basic type ng cloze test ay maaaring fixed
ratio o deletion o dili kaya’y ang selected deletion.
Halimbawa ng clozed test (Basic)

• Ang maikling katha ay may pangunahing tauhan na


may mahalagang suliranin. Ang mahalagang
suliranin ay ___(1)___ magkaroon ng kalutasan. Sa
___(2)___ sa mahalagang suliranin, magkakaroon
___(3)___ sagabal o hadlang. Sisikapin ___(4)___
pangunahing tauhan mapagtagumpayan niya
___(5)___ mga sagabal kaya nagkakaroon
___(6)___ tunggalian. Kung walang sagabal na
hahadlang, hindi magkakaroon ng tunggalian, at
kung walang tunggalian, wala ring kuwento.
Kung ang pagsusulit cloze ay modified type sa
bawat bilang ay may mga opsyon na pagpipilian,
na isinusulat sa ilalim ng talata gaya nito:
a.) baka2. a.) pagbasa 3. a.) ng 4. a). ang
b.) dapat b.) pagkuha b.) ang b.) ng
c.) nais c.) paglutas c.) ba c.) din
d.) puwede d.) pagbuo d.) pa d.) daw
Pagsusulit na Tama o Mali

*Ito ay pangungusap na pasalaysay


napagpapasiyahan ng mag-aaral kung
ang aytem ay tama o mali.
May modified na anyo ito, iyong
ipatukoy ang bahaging mali, kung mali
nga ang pangungusap.
Error recognition Test

• Ito ang pagsusulit na ipinatutukoy


ang bahaging mali.
• Hinahati sa apat o limang bahagi ang
pangungusap at may nakasulat na
titik sa ilalim ng bawat bahagi. Ang
titik ng may maling bahagi ang
isusulat na sagot.
Halimbawa:
Ibig nilang mag-alis nang maaga upang sila ay
(a) (b) (c) (d)

makarating nang maaga.


(e) (f)
Pagsusulit –C

*isang uri ng cloze test.


Iniiwang buo ang unang pangungusap
sa teksto. Simula sa ikalawang
pangungusap, tuwing ikalawang salita
ay kinakaltas ang ilang titik. (Depende
sa haba ng salita ang bilang ng letrang
kakaltasin).
Halimbawa
Ang maikling katha ay may
pangunahing tauhan na may
mahalagang suliranin. Ang
mahala___(1) sulirani’y da____(2)
namang magka____(3) ng saga____(4) o
had___(5). Sisikapin ng pangunahing
tauhang mapagtagumpayan niya ang
mga sagabal.
Ang mga
Paghahanda ng
Pagsusulit
A.Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.
*Ano ang tungkuling nais magampanan ng bubuuing
pagsusulit?
B. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
C. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral
objectives) batay sa mga kasanayan at kakayahang
susukatin.
D. Ihanda ang talaan ng ispesipikasyon (Table of
Specifications). Makikita sa talaan ang sistematikong
paraan ng paksang sasaklawin ng pagsusulit.
E. Pagpasyahan kung anong mga uri ng pagsusulit ang
gagamitin.
Paghahanda ng Pagsusulit

*Isulat ang mga aytem.


Gamitin ang talaan ng ispesipikasyon
bilang patnubay hinggil sa kung ilang
aytem ang bubuuin para sa bawat
kasanayang susukatin
B. Suriin at ayusin ang mga aytem.
Maaaring ipasuri sa isa o dalawang
kaguro ang mga aytem. Maaaring
gamitin ang mga sumusunod na tanong
sa pagsusuri ng mga aytem.
1.Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang kakayahang
kasama sa talaan ng ispesipikasyon?
2.Akma ba sa sinusukat na kakayahan ang bawat uri ng
aytem sa pagsusulit?
3.Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat
aytem?
4.Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang
aytem?
5.May sapat na antas ng kahirapan ba ang aytem para sa
mga target users o sa kukuha ng pagsusulit?
6.Ang mga distractor o jokers ba ay sadyang mabuti ang
pagkakabalanse at hindi naglalantad ng wastong
sagot?
7. Alin ba sa mga opsyon ang angkop na idugtong sa
stem ng aytem?
8. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat
layunin o kasanayan sa talaan ng ispesipikasyon?
9. May katiyakan ba ang aytem sa hinihinging
tugon?
10. Hindi ba nagkaroon ng regular na padron ang
puwesto ng wastong tugon?
11. Naiwasan ba sa mga aytem ang pagigig masalita
o maligoy?
12. Nagkaroon ba ng iba’t ibang uri ng pagsusulit
upang maiwasan ang pagiging kabagut-bagot?
C. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.
Pagsama-samahin ang mga aytem na
magkakauri.
Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng
kahirapan. Nasa dakong unahan ng
pagsusulit ang madadaling aytem.
• D. Ihanda ang mga panuto.
Ang mga panuto ay dapat gawing simple at
maikli. Ito ay dapat magbigay ng mga
sumusunod na impormasyon:
Ang layunin ng pagsusulit
Ang panahong nakalaan sa pagsagot sa pagsusulit.
Paano ang gagawing pagsagot sa mga aytem, titik
lamang ba ng tamang sagot ang isusulat o sisipiin ba
sa sagutang papel ang sagot.
2. Kailangang magkaroon ng isang
pangkalahatang panuto at may mga
tiyak na panuto para sa bawat
partikular na uri ng pagsusulit.
Maraming
salamat sa
inyong
pakikinig 

You might also like