Mga Pananaw Sa Proseso NG Pagbasa (Autosaved)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Mga Pananaw sa

Proseso ng Pagbasa
1. Teoryang Top-Down
 Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip
ng mambabasa (top) patungo sa teksto (down).
 Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng
sikolohiyang Gestalt na nagsabing ang
pagbabasa ay isang prosesong holistiko (holistic
process).
 Tinatawag din itong Inside-out o conceptually
driven
2. Teoryang Bottom-up
 Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat
na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.
 Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-
yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, sa parirala, sa
pangungusap, at sa buong teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan dito.
 Tinatawag ito ni Smith(1983) na Outside-in o data driven
sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi
nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.
3. Teoryang Iskema
 Ang dati nang kaalaman ang siyang saligang lalaman
at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ang
iskema.
 Ito ay nagbibigay lamang ng direksiyong sa
nakikinig o nagbabasa kung paanong gagamitin at
magbibigyan ng pagpapakahulugan mula sa kanilang
dating kaalaman.
 Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang
taglay sa sarili.
4. Teoryang Inter-aktiv
 Sinusuri ang naging proseso sa kasagutan
ng mag-aaral.
 Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan ng
metakognisyon na nahihinggil sa
kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalam
at sa angking kasanayan ng mambabasa.
Katangian ng Proseso
ng Masining na Pagbasa
1. Isang komplikadong proseso (complex
process) and pagbasa/pagbabasa. Tunay na
ang abilidad at kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa ay apektado ng mga
bagay na may kaugnayan sa kabuoan ng
kanyang sarili kaya di kataka-takang may
ibang mahina at di-kalugod-lugod ang
pagbasa.
2. May dalawang klaseng
proseso(two-way process) sa
pagbasa. Ito ay komunikasyon ng
mambabasa at ng may-akda. Ito rin
ang saligan ng tinatawag na reader-
response theory sa pagbasa.
3. Napapaloob sa malawak na paglalarawan
( visual process) ang pagbasa. Nangangahulagang
ang malinaw na paningin ay malinaw na
pagbabasa.

4. Isang Masiglang proseso (Active process) ang


pagbabasa. Ito ay isang prosesong pangkaisipang
kumikilos ayon sa siglang ibinibigay ng katawan,
emosyon, at kakayahan na kailangan sa masiglang
pagbabasa.
5. Gumagamit ang pagbasa ng sistemang
panlingguwistiko ( linguistic system) na
nakatutulong upang maging magaan at
mabisa sa paggamit ng nakalimbag na
kaisipan ng may-akda.
6. Nakasalalay ang mabisang pagbasa sa mga
nakaraang kaalaman( prior knowledge ).
Gayundin, nakasandig din ang kakayahan,
kahusayan, at kasanayan sa epekto ng
sumusunod na mga salik: pampisikal,
pangkaisipan, pangkapaligiran , panlipunan,
at kaalamang pangwika.
Karaniwang
Suliranin sa Pagbasa
1. Malabong paningin
2. Kakulangan sa Kaalamang Panglingguwistiko
3. Kakulangan sa kaalaman sa pagsusuri at pag-
unawa sa bagong salita o malalim na salita na
ginamit sa loob ng parirala, sugnay, pangungusap,
talata, kuwento at sanaysay.
4. Kakulangan sa kaalaman, impormasyon at
karanasang may kaugnayan sa impluwensiyang
pampisikal, pangkapaligiran, panlipunan at
kaalamang pangwika
Gabay o Dimensyon sa
Masining na Pagbasa
 Ang gabay o patnubay na ito ay malaking
tulong sa pag-unawa sa tekstong babasahin
tulad ng maikling talata, tula, sanaysay ,
maikling kuwento, nobela, dula at
talumpati.
Unang Dimesiyon: Pag-unawang Literal
 Pagbubuod o paglalagom
 Pagkuha ng pangunahing diwa o
kaisapan
 Paghahanap ng kasagutan sa tiyak na
katanungan
 Pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa
sariling pagkaunawa
Ikalawang Dimensyon: Pagpapakahulugan o
Interpretasyon
 Pagbasa sa pagitan ng mga salita at
pangungusap
 Pagbibigay ng sariling kuro-kuro o opinion
 Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
 Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan
 Paghihinuha at pagsasama-sama upang
makabuo ng panibagong pananaw
Ikatlong Dimensiyon: Mapanuring Pagbasa
 Pagbibigay ng halaga sa katumpakan ng
pagbabasa
 Pagpapalawak ng sariling kaisipan kaugnay ng
binasa
 Paghahambing at pagbibigay ng pagkakaiba ng
mga kaisipan
 Pagdama sa pananaw at kaisipan ng may-akda
 Pagpapasiya sa pagpapahalagang moral na
nakapaloob sa akdang binabasa.
Ikaapat na Dimensiyon: Aplikasiyon o
paglalapat
 Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga
karanasan
 Pagbibigay ng sariling pananaw
 Pag-uugnay ng nabasa sa sariling karanasan o
sa totoong buhay
 Paglalahad ng katotohanan upang dagdagan
ang kaisipan at kaalaman sa bagong pananaw
at pag-unawa
Ikalimang Dimensiyon: Pagpapahalaga
 Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga
kasanayan at interest sa binasa
 Pagdama sa nilalaman ng akdang binasa
 Pagbabago ng tunggalian at katangian ng tauhan
 Pagpapahayag ng damdamin ayon sa
pamamaraan ng may-akda
 Paglikha o Pagsulat ng sariling kuwento
1. Alin sa mga binanggit na pananaw ang higit
ninyong pinaniniwalaan?
2. Bakit sinasabing napakahalaga ng aklat sa
buhay ng isang tao?
3. Anong kabutihan ang nagagawa nito sa
pagkatao ng isang indibidwal? Magbigay ng mga
halimbawa.
4. Ano-anong mga pamantayan sa pagbabasa ang
iyong sinusunod? Bakit?
Takdang Araling: long bond
font size 11, Arial Narrow
Humanap ng sipi ng Maikling Kuwentong
“Sandaang Damit” ni Fanny Garcia.

7;30-8:00am friday

You might also like