Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ISLOGAN

Ang Sigaw ng mga


Piling Salita
Layunin
 matukoy kung ano ang kahulugan, gayundin ang iba’t
ibang gamit ng islogan;
 matukoy ang ilang piling islogang nagkaroon ng
malaking papel sa buhay ng bansa at ng lipunang
Pilipino; at
 makasulat ng sariling mga islogan bilang hiwalay na
islogan o bilang bahagi ng ibang proyekto tulad ng
poster, t-shirt design, plakard, at iba pa.
Ano Nga Ba Ang Islogan?

slo’gan n. Scottish Highland war-


cry; party cry, watchword, motto;
short catchy phrase used in
advertising.

Ayon sa The Concise Oxford Dictionary 1976


Ano Nga Ba Ang Islogan?

slogan: n. 1. sawikain.
salawikain. 2. salita o
pangungusap na pang-akit sa
pagpopropaganda ng mga
produkto.

Ayon naman sa New Vicassan’s English-Pilipino Dictionary


(Santos at Santos; c1995):
Ano Nga Ba Ang Islogan?
 Mula sa pagiging sigaw na pandigma noong
matandang panahon sa Scotland, batay na rin sa
nasabing dalawang diksiyonaryo, sa kasalukuyan ay
maituturing itong sigaw ng isang partido o maging ng
nagbebenta ng produkto sa pamamagitan ng
adbertaysing.

 Ito ay sawikain, salawikain, at kasabihan sa anyong


salita, parirala, o pangungusap.
Gamit ng Islogan
Sa kasalukuyan, masasabing popular ang gamit ng
islogan:

 sa politika (para bigyang tatak


ang mga partidong politikal bukod pa sa
pangalan ng mga ito),

 sa adbertaysing (produkto at serbisyo;


kompanya at opisina),

 sa kilusan at adbokasiya.
Islogan at Tagline
 Tunay na nakalilito ang mga terminong islogan at tagline
kung pagbabatayan ang gamit nito sa adbertaysing at
marketing.
 Makikita ang kalituhan sa pagkakaiba ng dalawa kung
susuriin ang mga listahan para sa best slogans at best
taglines dahil may mga tagline at islogan na kabilang sa
parehong listahan.
Halimbawa:
Ang mga islogang Melts in your mouth, not in
your hands (M&M) at Just Do It (Nike) ay
nakabilang din sa 50 Best Advertising Taglines
Ever (Sugett 2014).
Islogan at Tagline
 Upang higit na mapalinaw kung ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng islogan at tagline, makikita sa ibaba ang
dalawang halimbawa ng adbertisment ng debit card ng Banco
de Oro na nakapaskil sa magkasunod na pahina ng isang
pahayagan.
Adbertisment sa Adbertisment sa
pahina E1 ng pahayagan: pahina E5 ng pahayagan:

Debit Cards Debit Cards

Shopping? Gassing up?


No need to bring cash. No need to bring cash.
Just Debit with BDO. Just Debit with BDO.

We find ways* We find ways*


Islogan at Tagline
 Masasabing islogan ang “We find ways” dahil ito ang
tatak na gustong iparating ng bangko sa kanilang mga
customer—paninindigan nito na hahanap at hahanap
ito ng paraan para matugunan ang mga
pangangangailangan ng mga customer nito.

 Masasabi namang tagline ang “Just debit with BDO”


dahil tinutukoy nito ang partikular na gamit
(pagbabayad kaugnay ng shopping at
pagpapagasolina).
Islogan at Tagline
 Batay sa mga nasabing halimbawa, maaaring sabihing
ang tagline, sa karaniwan, ay bahagi lamang ng isang
maikling komposisyon na karaniwang nasa dulo ng
adbertisment.

 Tinutumbok nito kung ano talaga ang serbisyo,


handog, alay, o alok nito para sa target customer.

 Maaari rin ngang ang islogan at tagline ay pareho’t


iisa.
Paano Sumulat ng Islogan?

Ayon kay Abrugar 2011,

 Ang islogan ay dapat na maikli, direkta, at malalim.

 Kadalasan, ang islogan ay nakatatawang salita na


ang kahulugan ay kumikiliti at nagtatagal sa isipan
ng mambabasa.
Paano Sumulat ng Islogan?

Halimbawa ng “maikli, direkta, at malalim” na islogan:

“Kung hindi ngayon,


kailan pa?”
“Iskolar ng Bayan”
Paano Sumulat ng Islogan?
Halimbawa ng “nakatatawa, kumikiliti, at nagtatagal sa
isipan” na islogan:
“Hindi lang
“Kailangan pa “Wala pa pampamilya,
bang ring tatalo pang-isports pa!
i-memorize sa
‘yan? Bisyo na Alaska”
‘to!”

“Hari ng padala”
“Pambansang
Litsong Manok”

You might also like