5 Sining NG Pagtatanghal Sa Teatro Improbisasyon Cosplay at Monologo Sa Karanasang Pilipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Sining ng Pagtatanghal sa Teatro:

Improbisasyon, Cosplay, at Monologo


sa Karanasang Pilipino
Layunin
 makapagsagawa ng panimulang pananaliksik ukol sa
kahulugan, kalikasan, at katangian ng improbisasyon,
cosplay, at monologo sa Pilipinas;
 maitanghal ang nabuong monologo bilang output sa
larangan ng sining pangteatro;
 makapagsuri sa disenyong cosplay ng mga Pilipinong
cosplayer; at
 mapahalagahan ang teatro bilang larangan ng
pagtatanghal sa Pilipinong identidad.
Teatro sa Pilipinas
 Sa simula, pinaniniwalaan na ang mga teatro sa
Pilipinas ay itinayo lamang ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng ilang piraso ng kahoy at mga dahon
ng saging na nagsisilbing kisame.
 Itinatanghal sa ganitong katutubong tanghalan ang
mga dulang Tagalog at adaptasyon ng mga komedya
at moro-moro na isinusulat batay sa lokal na
karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop.
Teatro sa Pilipinas
Unang Estruktura Ipinapalagay na itinayo ang mga unang
estruktura ng teatro sa bansa nang
mga taong 1820s o 1830s.

Teatro de Tondo Ito ay sumulpot noon pang bago mag-


1829 habang may ilang pag-aaral na
nagsasabing 1841 lamang naitayo ang
nasabing tanghalan kasabay ng
Primitivo Teatro de Arroceros na
nagsilbing mga permanenteng tahanan
para sa mga dulang Tagalog.

Teatro de Binondo Ito ang unang pormal na teatrong


Espanyol sa kapuluan na naitayo noon
lamang 1846 sa pamamagitan nina Don
Jose Bosch at Don Manuel Ponce.
Teatro sa Pilipinas
Ilan sa mga naging popular na teatro sa kasaysayan ay ang:

(1) Teatro de Quiapo (1852-1860) na nagpalabas ng mga


komedyang Tagalog at dulang Espanyol;

(2) Teatro del Principe Alfonso (1861-1878) na naging kilala sa


pagtatanghal ng mga Italyanong opera at lugar para sa pagtitipon ng
mga hari, seremonya, at kumperensiya;

(3) Teatro de Variedades (1878-1882) na nagtampok ng mga


programang musikal at akrobatiko;

(4) Teatro Circo de Zorrilla (1893-1933) nagtampok ng mga


konsiyerto at sari-saring palabas.
Ebolusyon ng Improbisasyon
 Ang improbisasyon ay isang anyo ng dula, teknik sa
pagtatanghal, at masining na gawaing pang-entablado
na isinasagawa nang biglaan o impromptu.

 Mahalagang prinsipyo sa pagtatanghal ng


improbisasyon ang interaktibong pakikipag-ugnayan sa
mga manonood at ang pakikisangkot nito upang
pagtibayin ang kawalan ng iskrip sa pagtatanghal.

 Nakasalalay ang matagumpay na improbisasyon sa


bawat diyalogo at kilos sa isang eksena na nagbibigay-
kahulugan sa realidad na itinatanghal nito.
Ebolusyon ng Improbisasyon
 Sa kontekstong Pilipino, may pre-historikong
pamamaraan ng improbisasyon ang ating mga ninuno
na taglay ng mga pantomimikong sayaw na malayang
naglalarawan sa pag-ibig, digmaan, at pamumuhay sa
pamamagitan ng panggagaya sa mga bagay mula sa
kalikasan at pagsasagawa ng iba’t ibang rituwal na
dumadaloy batay sa pandama.
 Naging tampok naman ang improbisasyon sa anyo ng
mga dulang panlansangan na nagtatanghal ng mga
isyung panlipunan at umiiral na kalagayan sa ilalim ng
batas militar na may matinding krisis pampolitika at
panlipunan sa bansa.
Ebolusyon ng Improbisasyon

 Sa kontemporanyong panahon at pamamayani ng


kulturang popular, ang pagsasaentablado ng mga
improbisasyon ay matutunghayan sa telebisyon, gaya
ng mga comedy sitcom na may tendensiyang maging
malaya sa palitan ng diyalogo ang mga tauhan at kung
minsan ay isinasangkot ang manonood sa nililikhang
eksena sa pagtatanghal.
Monologo: Pagsasabuhay ng Karakter
 Ang monologo sa konteksto ng panitikan at drama ay
hindi nalalayo ng pagpapakahulugan sa may
kahabaang pananalita ng isang tao para isabuhay ang
isang karakter o tauhan.

 Bukod dito, napakahalagang elemento sa monologo


ang karakterisasyon bilang susi sa mabisang
pagninilay at pagsasabuhay sa itinatanghal na tauhan
o karakter.
Monologo: Pagsasabuhay ng Karakter
May ilang tipo ng monologo:
 dramatikong monologo – tumutukoy sa anumang
pananalitang may sapat na haba para ipahayag at
isabuhay ang karakter sa ikalawang panauhan.
 soliloquy – ay naglalarawan ng karakter na tuwirang
itinatanghal sa manonood o nagpapahayag ng
kaniyang mga kaisipan nang mag-isa habang tahimik
lamang ang iba pang aktor sa tanghalan.
 internal na monologo – nagpapamalas naman ng
kaisipan, damdamin, at mga ugnayang nabubuo sa
isipan ng karakter.
Monologo: Pagsasabuhay ng Karakter
Iba’t ibang karakter na maaaring paghanguan ng
isasabuhay na monologo:

1. Realistikong karakter (realistic character) – hinuhubog


mula sa mga karaniwang tao sa paligid at malapit sa
aktor/aktres na magsasagawa ng monologo.

2. Eksotiko o pantastikong karakter (exotic or fantastic


character) – humahalaw naman sa kakaibang nilalang gaya
ng mga alien, kaluluwa, multo, at iba pang elemental.
Monologo: Pagsasabuhay ng Karakter
Iba’t ibang karakter na maaaring paghanguan ng
isasabuhay na monologo:
3. Historikal na karakter (historical character) –
gumagamit ng mga pananalita, talaarawan o iba pang
uri ng sulatin at dokumento na isinulat ng isang
prominenteng tao ng kasaysayan at may kakayahang
magamit upang mailarawan ang isang mahalagang
pangyayaring pangkasaysayan.

4. Hindi taong karakter (non-human character) – gaya


ng hayop, halaman, at panggagaya sa isang bagay upang
maging paksa ng monologo.
CosPinoy: Cosplay sa Kontekstong
Pilipino
 Unang ginamit ang tawag na cosplay ng mga
Hapon bilang paghalaw sa kanluraning gawain na
“Masquerade,” isang porma ng kultural na
pagtitipon ng mga mamamayan sa pagtataguyod
ng pagkakaisa at pagpapahayag ng sarili.

 Halos sa huling bahagi na lamang ng taong 2000


naging penomenal ang cosplay sa Pilipinas.
CosPinoy: Cosplay sa Kontekstong
Pilipino
 Sa kasalukuyan, may ilang kilusan ng mga Pinoy
cosplayer ang nagtangkang umigpaw sa tradisyong
ito upang isulong ang adbokasiya ng pagpapakilala
sa mga pambansang icon sa komiks, pelikula, at
telebisyong Pilipino.

 Gayundin, may ilang pagkakataon na maging sa


bansang pinanggalingan ng larangang ito ay
ginamit ang cosplay bilang anyo ng sining-protesta
para sa pagtatanghal ng mga isyung panlipunan.
CosPinoy: Cosplay sa Kontekstong
Pilipino
Mga ilang paalala na maaaring isagawa upang
maging epektibong cosplayer:
1. Pagpasyahan ang karakter o tauhang kokopyahin na
magbibigay ng lakas ng loob at tiwala sa sarili sa
pagtatanghal nito.

2. Pagpasyahan kung paano isasagawa ang kasuotan


batay sa konsiderasyon ng badyet, konsepto, at panahong
gugugulin.

3. Gumawa ng listahan at plano kung paano isasagawa ang


kasuotan at ang pagsasabuhay sa karakter na napiling
gayahin.
CosPinoy: Cosplay sa Kontekstong
Pilipino
Mga ilang paalala na maaaring isagawa upang
maging epektibong cosplayer:
4. Kailangang tiyakin ang pagiging matibay at malikhain ng
kasuotan at mga detalyeng ikakabit sa katawan gaya ng mga
aksesorya at props na makatutulong sa mabisang
karakterisasyon.

5. Subuking iguhit ang iyong karakter sa iba’t ibang anggulo


upang matiyak na mailalapat ang mahahalagang detalye sa
kasuotan nito.

6. Magsanay sa paggamit ng make-up, paglalagay ng pilikmata,


gagamiting peluka, at iba pang palamuti sa katawan na
posibleng mahulog at matanggal.
CosPinoy: Cosplay sa Kontekstong
Pilipino
Mga ilang paalala na maaaring isagawa upang
maging epektibong cosplayer:
7. Huwag kalimutang tingnan ang kabuuang anyo sa
salamin matapos isuot ang kasuotan at bigyan ng
pangkalahatang pagtataya ang lahat ng detalye mula ulo
hanggang paa.

8. Magkaroon ng tiwala sa sarili habang nasa paligid at


sa mismong tanghalan.

9. Sulitin ang bagong karanasan at maging masaya sa


pagkakataong ito.

You might also like