Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin 2
Ang Kasaysayan at
Pagkakabuo
ng Wikang Pambansa
Layunin ng Talakayan
 Nailahad ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa;

 Natalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng


pambansang wika ng Pilipinas;

 Nakabuo ng sariling opinyon tungkol sa pagpili sa Tagalog bilang


batayan ng pambansang wika ng Pilipinas; at

 Nakapagsagawa ng saliksik sa mga kasalukuyang isyung pangwika.


Daloy ng Talakayan
Kasaysayan ng pagkakabuo ng pambansang wika;
Dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng
pambansang wika ng Pilipinas; at
Iba pang kaalaman tungkol sa wika.
Dugtungan tayo….
 Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba….
1. Mas uunlad pa ang Pilipinas……….
2. Pinoy ako….
3. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin
kong…..
4. Sa aming barangay …..
Sabihin kung ano para sa iyo
ang mga salita sa kahon.

TAGALOG PILIPINO FILIPINO


Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1937)

Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas


(1959)

Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng


Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo.

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong
mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.

Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.

Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang wikang
Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Marso 24, 1934 – pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados


Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban
ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.

Pebrero 8, 1935 – pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na


niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

 Oktubre 27, 1936 – ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang


plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
 Nobyembre 13, 1936 – pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt
Blg. 184,na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.
 Enero 12, 1937 – hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian,
alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Nobyembre 7, 1937 – inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing


batayan ng pambansang wika.

Disyembre 30, 1937 – lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na


nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng
Pambansang Wika ng Pilipinas.

Abril 1, 1940 – inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos


nito ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at
ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa.
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19,1940 sa mga
Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Panahon ng Pananakop ng mga Hapon

Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong


1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang mga
nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na
batayan lamang.

Nang panahong iyon, Nipongo at Tagalog ang naging opisyal na mga


wika.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika
Nang Matapos ang Digmaan…
Hunyo 4, 1946 – ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg.
570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika.

Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang


Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang
Abril 4 taon-taon.

Setyembre 1955 – sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang


paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang
19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel
Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

1959 – inilabas ni Kalihim Jose F.


Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo
ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na
nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino.”
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika
Oktubre 24, 1967 – nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos
ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng
gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na
nakasulat sa Pilipino.

1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng


elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.

Marso 12, 1987 – sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s.


1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa
Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay
sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang
wika ng Pilipinas ay Filipino.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Dahilan sa Pagpili sa Tagalog bilang Batayan ng


Pambansang Wika ng Pilipinas Tagalog

Ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo,


at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng
nakararaming mamamayan.
Iba pang Kaalaman Tungkol sa Wika

Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay:

• ang wikang pambansa ng Pilipinas;

• dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas


at sa iba pang wika; at

• dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at


puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang:

1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at


2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Pinag ugatan ng wika
Teoryang Dingdong
ang bawat wika sa mundo ay may kaakibat o kaugnay na tunog.

Teoryang Bow-wow
nagsimulang matuto ang tao ng paggamit ng wika sa pamamagitan ng
panggagaya nito sa tunog ng kalikasan.

Teoryang Pooh-pooh
lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng pagpapalabas ng
kasidhiang damdamin tulad ng galit, galak, lungkot, takot at iba pa.
Pinag ugatan ng wika
Teoryang Yum-yum
lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng paggaya sa mga tunog
na nagmumula sa mga kilos o galaw.

Teoryang Tore-ng-Babel

Hango ang teoryang ito sa Bibliya (Genesis 11:1-9) kung saan nakasaad
na binigyan ng Diyos ang tao ng ibat ibang wika upang hindi sila magka-
unawaan.

Teorya ni Rizal
hango ang teoryang ito sa tula ni Rizal na pinamagatang “Sa aking
mga Kababata”
Kung saan sinsabi niya na ang wika ay bigay ng Lumikha sa mga tao. Sa
mga Pilipino ay Filipino, sa mga Amerikano ay Ingles, Hapon ay
Pinag ugatan ng wika
Teoryang yo-he-ho

Ito ang teoryang nabuo ni Noire, isang iskolar noong ika-9 na dantaon.
Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nilikikha ng
mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho gaya ng
pagbubuwal ng kahoy o pag-aangat ng malaking bato.

Teoryang Pamuestra

Naniniwala ang teoryang ito na ang pagsasalita ng tao ay nagmula sa


pagmuestra o pagkumpas. Ayon sa mga naniniwala rito, magkaugnay
ang pagsasalita at pagmuestra. Ang bahagi ng utak na komukontrol sa
pagagalaw at pagsasalita ay magkaugnay at magkalapit.
Pinag ugatan ng wika
Ang Eksperimento ni Psammitichus
Noong unang panahon, ang isang paraoh ng ehiptio na nagngangalang Psammitichus, ang nagsagawa
ng isang eksperimento. Nagpakuha sya ng dalawang sanggol at pinalagaan sa isang pook na walang
maririnig na usapan ng mga tao upang alamin kung anong klaseng wika ang kanilang matututunan, batay sa
bata ang salitang bekos, isang salita sa sinaunang Phrygian(isang patay na wika ng matandang Indo-
Europeo)na ang ibig sabihin ay tinapay. Nagbigay ng kongklusyon si Psammitichus na ang dfalawang bata.
Kahit walang naririnig na Phrygian ay matututo rin ng wikang Phrygian. Bukod pa rito, bagbioga din ng
kongklusyon ang paraoh na ang wikang Phrygian ay mas matanda at nauna sa wikang Ehipto.

Teoryang Tara-Boom-De-Ay
ayon sa teoryang ito ng mga unang wika ay nagmula sa bulong ng mga sinaunang tao kapag sila ay
nagsasagaw ng ritwal habang nangangaso, nagluluto, nagtatanim, nagpapaanak o iba pang gawain.
Pinag ugatan ng wika
Teoryang Sing-song
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo sa pamamagitan ng mga awitan at pagsasayaw ng mga
sinaunang tao. Habang umaawit at sumasayaw, nakakalikha ang mga sinaunang tao ng mga pattern ng
makabuluhang tunog. Unti-unti, nagawa ng tao na makabuo ng mga salitang may kahulugan.

Teoryang Ta-ta

Ayon sa teoryang ito, ang galaw ng ating katawan ay may kaakibat na wika, at, nagmula raw ang wika sa
pamamagitan ng paag-interpreta sa bawat galaw na ito ng ating katawan.
Kapangyarihan ng wika
May taglay na lakas at puwersa ang mga sinasalita nating
wika. Para itong isang malakas na ilog ng mga dumadaloy na
salita kung gagamitin ng tama ay maaaring tumimo sa
damadamin, tumarak sa isipan, makakuha ng atensyon at
makalikha ng isang panibagong puwersa na lalong
magpapalakas sa wika. At dahil sa kapangyarihang taglay
nito, sa larangan ng pakikipagtalastasan ay nagagawa nating
magtanong, magpaliwanag, magbigay ng mga paglalarawan,
magpasaya, manalangin, magpahayag ng pag-ibig at makipag
ugnayan sa napakadaling pamamaraan tulad ng isang
simpleng pagngiti sa atibg kapwa.
dahil sa taglay na kapangyarihan ng wika maaaring ang wika ay:

1. Makapagdulot ng ibang kahulugan


naksalalay ito sa napagkasunduan ng mga taong nakbilang sa ibat ibang lipunan(arbritraryo).
2. Limilikha ng saloobin.
anuman ang nararamdaman ng isang tao, maluwag nitong naipapahayag ang kanyang saloobin sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.
3. Humuhubog ng tamang pag uugali ng isang tao.
sa positibong pananaw, ang mga mabubuting pananalita ay nagbubunga ng mabuting resulta. Ang
nilalang na busugin mo ng magandang pangaral na may kaakibat na aktuwal na pagsasagawa, asahan mo’t
ito ay magiging isang mabuting mamamayan ng kanyang lipunan.
Dalawang Antas ng wika
1. PORMAL
Ito ay ang estandard na wikang ginagamit at kinikilala ng higit sa
nakararaming tao lalo na ang mga mayroong pinag-aralan.

Dalawang lebel ng Pormal


1.1 Pambansa
Ito ang pinakagamitin sa lahat sapoagkat nauunawaan ito ng buong
bansa.

Halimbawa;
Anuman ang ating lahi, anuman ang ating pinagmulan wla pa ring
magbabago sapagkat tayo ay pare-pareahong Pilipino.
1.2 PAMPANITIKAN.
Ito ang pinakamataas na lebel ng wika sapagkat mayaman sa
tayutay ang at matatalinghagang pananalita.

Halimbawa:
Tagalog : “Ang alimango kung nagigipit ay tiyak na lalaban”.
Ivatan : “Nu cayang am manuunit pa amu machipang”.

Tagalog : “walang sunog na kanin sa taong gutom”.


Aklanon : “Wa’t sunog na dukot sa tawong nasusueok”.

Tagalog : “Kapag naghihikaos ang isang tao, nginunguya kahit bato’.


Ilokano : “No agrigrigat tay tao ngalngalenna uray bato”.
2. DI-PORMAL
Ang wikang ito ay karaniwang ginagamit sa pang araw araw na
pakikipagtalastasan.
2.1. BALBAL
ito ang pinaka mababang lebel ng wika na kung saan impormal itong
nalikha at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salitang
maaaring maikli o may kahabaan. Tinatawag itong sa wikang ingles na
‘slang’.
Halimbawa
Nagchichikadi = pagala-gala
Jontis = buntis
Lobat = naubusan ng lakas
Vladiblu = banyo
Okrayin = asarin
2.2. KOLOKYAL
Hango ito sa pormal na mga salita na araw araw na ginagamit
Halimbawa:
Yun = hayun
Tamo = kita mo

2.3 LALAWIGANIN
Ito ang mga wikaing ginagamit sa iba’t ibang lalawigan.
halimbawa;:
Butanding(bicol) - sa halip na “whale Shark”
CabalénPpampango) - kababayan
Magbigay ng halimbawa ng mga antas ng
wika.

You might also like