Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 78

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin
4
Ang Heograpikal,
Morpolohikal,
at Ponolohikal na
Varayti ng Wika
Layunin ng Talakayan

 maipaliwanag ang heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal


na varayti ng wika;

 masabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay


nagpapakita ng varayti ng wika sa heograpiya, morpolohiya,
at ponolohiya; at

 makapagtala ng mga tiyak na halimbawa ng varayti sa


heograpiya, morpolohiya, at ponolohiya partikular sa mga
wika sa Pilipinas.
Daloy ng Talakayan
Kultura at Wika;

Ang Heograpikal na varayti ng wika;

Ang Morpolohikal na varayti ng wika;


at

Ang Ponolohikal na varayti ng wika;


Dugtungan tayo...
 Ang Oras ay..
 Hugas..
 Ibon…
 Langgam….
 Maganda….
 Mangungutang…
Layag- Diwa
Mahuhulan mo kaya ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa hanay A? hanapin sa hanay B
ang sa palagay mo ay kahulugan ng hanay A. isulat sa unahan ng bawat bilang ang titik ng iyong
sagot.
Hanay A Hanay B
______1. barikan a. nagluluto at nagtitinda ng bilo-bilo
______2. huntahan b. nagluluto at nagtitinda ng goto
______3. tuklungan c. inuman ng alak
______4. gotohan d. nagluluto at nagtitinda ng lomi
______5. magpipindot e. lugar ng inuman ng alak na may babae
______6. pagerperan f. kuwentuhan
______7. lomihan g. kapilya
Saang lalawigan siya
nanggaling? At anong wika
ang gamit niya?
Saang lalawigan siya nanggaling?
At anong wika ang gamit niya?
Saang lalawigan siya
nanggaling? At anong wika ang
gamit niya?
Saang lalawigan siya
nanggaling? At anong wika ang
gamit niya?
Kultura at Wika

Bakit sa magkakahiwalay at
magkakaibang lugar, ang iisang
bagay o konsepto ay
nagkakaroon ng magkaibang
katawagan?
Kultura at Wika
Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita
sa pagkakaroon ng varayti ng wika. Dahil ang Pilipinas
ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at
kapatagan, at napaghihiwalay ng mga pulo at
kabundukan, hindi maiwasang makalikha ng sariling
kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-
samang naninirahan sa isang partikular na pulo o lugar.
Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika
sapagkat ang kultura ay kabuhol ng wika.
ANO ANG
HEOGRAPIKAL NA
VARAYTI NG WIKA?
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Ito ay ang pagkakaiba sa mga


katawagan at kahulugan ng
salitang ginagamit sa iba’t
ibang lugar.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Halimbawa:
Ang “ibon” sa Filipino,“Langgam” naman sa
Sinugbuanong Binisaya.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika
 Kapag nasa Pampanga ka at naliligaw, at ibig
mong magtanong ng direksiyon,
“mangungutang” ka. Samantala, kung nasa
Maynila ka, kapag ibig mong “mangutang,”
nanghihiram ka ng pera.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

 Ang “maganda” sa wikang Filipino, samanatlang


“mahusay” sa Samar.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Sa Pangasinan, ang salitang “oras” ay “hugas” ang ibig


sabihin sa Filipino; samantalang may salitang “oras”
din sa Filipino na panahon naman ang tinutukoy.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Nangyayari rin na nagkakaroon ng


magkaibang kahulugan sa magkahiwalay na
lugar na may magkaibang kultura ang isang
salita.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Ang salitang salvage ay nangangahulugang


“iligtas o isalba” sa Ingles. Nang hiramin ng
Filipino ang salitang ito, kabaligtaran ang
naging kahulugan nito, dahil ang salvage ay
naging “pagpatay nang hindi nilitis.”
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Ang “baka” sa wikang Niponggo ay


nangangahulugan ng “bobo”
samantalang sa Filipino, ito ay isang
hayop.
Pagsusuri sa mga Larawan
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t
ibang katawagan para sa Pulis. Saan-saang bansa
ito ginagamit?

Indonesia
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang
katawagan para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

France
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang
katawagan para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Germany
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang katawagan
para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Poland
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang
katawagan para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Pilipinas
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang
katawagan para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Turkey
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang
katawagan para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Czech Republic
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang
katawagan para sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Pilipinas
Tingnan ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang katawagan para
sa pulis. Saan-saang bansa ito ginagamit?

Italy
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Mga iba pang halimbawa:


“Lupa” sa Tagalog-Maynila, sa
Pampanga ay “Mukha”
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Sa Tagalog-Maynila ay “Lupa” sa Ilokos ang


kahulugan naman ay “Daga”
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Ang “Lumiban” sa Maynila, sa Tagalog-


Batangas naman ay “Tumawid”
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Sa Tagalog-Maynila “Pating”, pero sa


Iloilo ay “Kalapati”
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

“Hilom” sa Tagalog-Maynila, pero sa


Cebu ay “Tahimik”.
Ang Heograpikal na Varayti ng Wika

Sa Tagalog-Maynila “Dito”, sa
Antique naman ay “Doon”
DOON DITO

there
Lusong- kaalaman
Magbigay ng limang alam mong mga salita sa
ibat ibang lalawigan, at isulat ang kahulugan nito
sa tagalog o Filipino.
Katawagan sa tagalog Katumbas na salita sa
ibang lugar
Iyo Oo (bikol)
Takdang aralin
Magsagawa ng isang interbyu sa mga
kapitbahay o kapatid at kamag anak .
Magtanong ng 10 mga salita sa ibat ibang
lalawigan at itala ang kahulugan nito sa
tagalog.
Varayti ng wika

Bukod sa mga antas ng wika, nagkakaroon din ito ng barayti dahil


na rin sa kapangyarihan ng taong lumikha ng ibat ibang bersyon
nito. Bahgi ito ng metalingguwistikong pag-aaral ng wika.
Ayon kay Constantino (2006) sa teoryang Sosyolingguwistikong
batayan ng pagiging heterogenous ng wika ang pagkakaroon ng
Varayti ang wika. Ayon kay Constantino may dalawang
dimensyon ang baryabilidad ng isang wika. Ito ay ang
dimensyong Heograpikal at dimensyong sosyal.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Dayalek. Ito ay ang mga wikang nabuo mula sa mga


pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang
sinsalita sa iba’t ibang bayang nasasakupan.
Halimbawa:
Tagalog – Maynila Tagalog- Cavite
Tagalog- Bulacan Tagalog- Quezon
Tagalog- Batangas Tagalog- Laguna
MGA HALIMBAWA NG DAYALEK

Isa Tao Bahay Aso Niyog Araw Bago

Pangasinan Sakey Too Abong Aso Niyog Agew Balo

Ilokano Maysa Tao Balay Aso Niog Aldaw Baro

Ibanag tadday Tolay Balay Kitu Niuk Aggaw Bagu

Gaddang Antet Tolay Balay Atu Ayog Aw bawu


2. Ekolek. Ito ay karaniwang nilikha at sinasalita sa
loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang
kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit
nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito.
Halimbawa:
Pappy- Ama
Mumsy- Ina
Lady gaga- Lola
Mcguyver – karpentiro
3. Etnolek. Nalikha ang wikang ito sa
mga etnolinggwistokong pangkat.

Halimbawa:
Wika ng mga Tausug
Wika ng Ivatan
Wika ng mga Ifugao
Wika ng mga Kankanai
Halimbawa

LALAWIGAN ISA TAO BAHAY ASO NIYOG ARAW BAGO

IVATAN ASA TAO VAHAY CHITO NIYOG ARAW VA-YU


4. Idyolek. Taglay ng wikang ito ang
pansariling katangian sapagkat
personal ang paggamit nito o
Indibidwal na paraan/ istilo ng
paggamit ng wika
Halimbawa:
Me ganun? Oks na Oks
Tama Wow
Ha sige
5. Pidgin. Nabuo ang wikang ito dahil sa
pangangailangan ng mga tagpagsalita at
wala itong pormal na anyo.
- ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native
language. Nagkakaroon nito kapag ang
dalawang taal na tagapagsalita ng
dalawang magkaibang wika na walang
komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Halimbawa:

Grabe talga pards, nainlababo na yata ako.


Dyusku day!! Paminta eber ang istatus symbol niya!
6. Rehistiko/ Jargon. Nabuo ang wikang ito
dahil sa ibat ibang propesyon na umiiral sa isang
lipunan.
Halimbawa:
‘Muhon’ sa isang karpentiro
‘Trancendental phenomenom’ sa isang
philosopher
7. Sosyolek. Ito ay isang uri ng
pansamantalang wika na nalikha dahil sa
sosyolisasyon na kadalasang nagbabagu-
bago ng anyo sa paglipas ng panahon.
Halimbawa:
Pagdiriwang = parti, tipar, gimmick-gimik
Mga wika ng bading= kakalurkey
Mga wika ng tambay = walwal, nomo
Morpolohikal
na varayti ng wika
Lusong-
Kaalam
1. Narinig mo na ba ang mga pahayag na “napatak na ang mga
dahon”, “nasuray na ang dyipni”, at “mapurol na ang ulo”? Sa
anong pagkakataon mo na narinig ang mga ito?
2. Ano-anong mga bagay ang alam mong pumapatak, sumusuray,
at mapurol? Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Pumapatak Sumusuray Mapurol


Hindi lamang sa lokasyon ng mga lugar at ang magkakaibang
lumlikha ng magkakaibang katawagan at kahulugan ang
nagiging dahilan ng varayti sa wika. Ang iba’t ibang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura ay
nagiging salik din sa varyti ng wika.
Basahin muli ang pahayag na na nasa ibaba.

“NAPATAK ANG MGA DAHON”

“NASURAY ANG DYIPNI”

“MAPUROL ANG ULO”


“NAPATAK ANG MGA DAHON”

Ginamit ang salitang “napatak” para sa dahon. Sa


Tagalog-Batangas at sa iba pang lalawigang Tagalog,
maaaring gamitin ang salitang napatak para tukuyin ang
mga bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa itaas)
Halimbawa:
“Tayo ay mamumulot ng mga napatak na mangga.”
“Malapit nang mamunga ang sinegwelas, kayrami nang
napatak na dahon.”
Samantalang sa Maynila, mas
ginagamit ang “napatak” para sa
tubig at luha.

Halimbawa:
Pumapatak ang kayang luha.
Pumapatak na naman ang ulan.
“NASURAY ANG DYIPNI”
Ginamit naman ang salitang “nasuray” ng Tagalog-Batangas para
sa isang sasakyan.
Samatalng sa Tagalog-Maynila hindi sa sasakyan ginagamitan ng
salitang “nasuray” kundi sa tao.
Mas ginagamit ang salitang “ gumewang” o “pagewang-gewang”
kapag sasakyan ang tinutukoy.

Batangas: “Nasuray ang dyipni kanyang minamaneho.”.


Maynila: “Gumegewang ang sasakyan ng minamaneho ng
drayber.”
Batangas : Napatak ang buko.
Maynila: Pumapatak ang ulan.
Batangas: Nasuray ang auto.
Maynila: Sumusuray ang paglakad (ng lasing na lalaki)

Sa lalawigang Tagalog gaya ng Batangas, ang pandiwa o salitang


nagpapakita ng kilos o galaw ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad
ng naiayak, naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila naman ay
nakabanghay sa gitlaping /-um-/ gaya ng umiiyak, umuulan,
kumakanta, at tumatakbo. Kaya sa Maynila, ang napatak ay
pumapatak at ang nasuray ay sumusuray.
Layag-Diwa
Gamitan ng panlapi ang mga salitang ugat sa
ibaba, at gamitin ito sa pangungusap.
1. Bigay
2. Hayag
3. Bili
4. Hintay
5. Dala
Ano ang
Morpolohikal base sa
mga ginawa at binasa
nating mga
halimbawa?
Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika.

Ito ay ang pagkakaiba-iba sa


pagbuo ng mga salita dahil sa
paglalapi.

Dahil iba-iba ang wikang


ginagamit sa iba’t ibang lugar,
nagkakaiba rin ang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga naninirahan
sa mga ito.
Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika.
Halimbawa

Tagalog-Maynila kumain
Tagalog-Batangas (iba pang lalawigang nakain
Tagalog)
Camarines Sur makakan
Legaspi City magkakan
Aklan makaon
Tausug kumaun
Bisaya mangaon
Pampanga mangan
Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika.

Bilang pangkalahatang tuntunin, masasabing


nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang salita
batay sa panlaping ginamit.
Halimbawa:

Salitang ugat : bili


Panlapi : -um-
Nabuong salita : bumili (sa Ingles, to buy)
Salitang ugat : benta
Panlapi : mag-
Nabuong salita : magbenta (sa Ingles, to sell)
May mga pagkakataon naman na kahit magkaibang
panlapi ang ginamit, hindi pa rin nagbabago ang kahulugan ng
salita.
Tingnan natin ang mga panlaping I- (unlapi) at –IN (hulapi).
Pareho lamang ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
iluto lutuin iihaw ihawin
iinit initin igisa gisahin
Tingnan natin ang halimbawang pangngusap sa ibaba:
1. Iakyat mo na sa maysakit ang kanyang hapunan.
(dalhan sa itaas ng bahayng hapunan ang maysakit.)
2. Akyatin na natin ang mayamang mangangalakal mamayang gabi.
( umakyat sa bahay ng iba nang walang pahintulot, upang gumawa ng
masama.)
Samakatuwid maging maingat tayo sa paggamit ng panlapi. Kung
minsan , hindi lamang varayti o magkaibang anyo ng salita ang sangkot
sa usapan; maaari ding maging iba ang kahulugan.
Ngayon, dahil sa marami nang gumagamit ng ng wikang Filipino na may
iba’t ibang wika, nagkakaroon ng iba’t ibang anyo ang mga salita batay sa
ginagamit.
Halimbawa:
Ang dating “makialam” (maki + alam),
ngayon ay “mangialam” (mang- + -ki + alam).
Tandaan lagi ang wastong paggamit ng pagpili ng panlapi upang wastong
maipahayag ang gusting sabihin.
Halimbawa:
Magpugay sa bandila (alisi ang sombrero- dating nakasumbrero ang tao
noon, upang magbigay- galang.) hindi pugayan ang bandila (alisan ng
dangal).
Ang Morpolohikal na Varayti ng Wika.

Kasama sa mga varayti ng isang wika ang


ispeling o baybay ng salita.
Bigkasin ang mga sumusunod na salita:

Pera (tagalog)

Pira (bisaya)
Bigkasin ang mga sumusunod na salita:

Pitaka
Petaka
Bigkasin ang mga sumusunod na salita:

kuya
koya
Bigkasin ang mga sumusunod na salita:

bola
bula
Ano ang kahulugan ng
PONOLOHIYA na
varayti ng wika?
Ang Ponolohiya na Varayti ng Wika

Ito ang
pagkakaiba-iba sa
bigkas at tunog ng
mga salita.
Sa paglikha ng kani-
kaniyang wika, hindi
maiwasang malikha rin ang
magkakaibang tunog at
bigkas sa mga salita.
Nagkakaroon ng kani-
kaniyang dialectal accent ang
bawat lugar.
Ang Ponolohiya na Varayti ng Wika

Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi ekslusibo sa


mga wika sa Pilipinas. Nangyayari rin ang mga ganitong
pagkakaiba sa bigkas at tunog sa mga wika sa daigdig.
Narito ang ilang halimbawa:
often – /o-fen/ vs. /of-ten/
organization– /or-ga-ni-za-tion/ vs. /or-ga-nay-zey-tion/
Adidas – /A-di-das/ (mabagal) vs. /Adidas/ (mabilis)
Nike – /Nayk/ vs. /Nay-ki/
 accurate – /a-kyu-reyt/ vs. /a-kyu-rit/
 away – /a-wey/ vs. /a-way/
 today – /tu-dey/ vs. /tu-day/
 aluminum –/a-lu-mi-num/vs. /a-lu-min-
nyum/
 Porsche – /Por-sha/ vs. /Porsh/
 centenial – /sen-ten-yal/ vs. /sin-tin-yal/
 millennium – /me-len-nyum/vs./mi-lin-
nyum/
Tandaan

 Sa heograpikal na varayti, nasa katawagan at


kahulugan ng salita ang pagkakaiba.
 Sa morpolohikal na varayti, ang pagkakaiba ay
nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa taglay na
kahulugan nito.
 Samantala, sa ponolohikal na varayti, nasa bigkas
at tunog ng salita ang pagkakaiba.
Salok - Dunong

Pasagutan ang
maikling pagsusulit.
Takdang Aralin:
Bumuo ng grupong may limang miyembro.
Magsagawa ng maikling saliksik sa ponolohikal
at morpolohikal na varayti ng
wika. Mas mainam kung mas maraming makalap
na mga halimbawa mula sa mga wika at dayalek
sa Pilipinas. Matapos nito, bumuo ng diyalogo na
nagpapamalas ng ibat ibang paraan ng
pagbigkas at paglalapi ng mga salita.
Humandang
iparinig ang diyalogo sa ga kaklase.

You might also like