Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

Magandang Araw!


Introduksyon sa
Pananaliksik
Pagtuklas ng sagot sa
mga tanong

Pag-iimbestiga PANANALIKSIK Kaalaman

Proseso/Paraan
KATUTURAN
PANANALIKSIK
Isang sistematikong paghahanap sa
mahahalagang impormasyon hinggil sa
tiyak na paksa o suliranin.
 Good – ang pananaliksik ay “isang maingat,
mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa
kalakasan at kalagayan ng suliranin na itinutuon
para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.”
 Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong
pag-aaral o pagsisiyasat tungkol sa isang bagay
sa layuning sagutin ang ilang katanungan ng
pananaliksik.
Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong
kahulugan at isang sistematikong paghahanap
at pagsusuri sa mga importanteng
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa
o suliranin.
Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang
proseso ng pangangalap ng impormasyon o
datos para masolusyonan ang isang
karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito
ay isang pagsubok para makakuha ng
mga sagot ng mga walang katiyakan.
Ito rin ay isang pag-iipon ng
impormasyon o datos sa isang
kontroladong kalagayan para
mahulaan at makapaliwanag.
Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa
kanya, ito ay isang sistematiko,
kontrolado, panigurado sa
obserbasyon, at panunuri ng mga
panukalang hypotetikal ukol sa
inaakalang relasyon sa mga natural na
pangyayari.
 Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanila,
ito naman ay isang sistematiko at siyentipikong
pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri,
paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at
pagbigyang kahulugan nga isang datos o
impormasyon na nangangailangan ng solusyon
sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga
limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad
 Nagpapayaman ng kaisipan
Kahalagahan:
 Nadaragdagan ang

kaalaman

 Nalilinang ang tiwala sa


KATANGIAN
NG
PANANALIKSI
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

SISTEMATIKO
May sinusunod na proseso o
magkakasunud-sunod na mga
hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin, o
ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

MAPANURI
Ang mga nakalap na datos ay
kailangang suriin nang kritikal
upang hindi magkamali ang
mananaliksik sa paglalapat ng
interpretasyon sa mga datos na
kanyang nakalap.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

MAINGAT
Sa paghihimay-himay ng
mga datos kailangang
maging maingat at
kailangang tiyakin na may
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

PINAGSISIKAPAN

Pinaglalaanan ng panahon,
talino at sipag upang
maging matagumpay.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

MAYAMAN SA MGA
GINAGAMIT NA DATOS
Hindi kailangang makuntento
sa isa o dalawang sanggunian.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

DOKUMENTADO
Ang patotoo at ang validiti ng
sulating pananaliksik na
nakasalalay sa mga ihaharap
na materyales.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

ORIHINAL NA AKDA
Maliban sa mga historical na
pananaliksik, ang mga datos na
nakalap ng mananaliksik ay sarili
niyang tuklas at hindi mula sa
panulat, tuklas o lathala ng ibang
mananaliksik.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

MATIYAGA AT HINDI
MINAMADALI
Ang pananaliksik na minadali at
walang pag-iingat ay kadalasang
humahantong sa mga hindi
matitibay na kongklusyon at
paglalahat.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

NANGANGAILANGAN NG
TAPANG
May mga pagkakataong maaari siyang
dumanas ng di-pagsang-ayon ng publiko
at lipunan. Maaari ring magkaroon ng
di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
kasamang mananaliksik.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

MAINGAT NA PAGTATALA
AT PAG-UULAT
Ang maliit na pagkakamali
ay maaaring makaapekto sa
mga tuklas ng pananaliksik.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

OBHETIBO
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

RESPONSABLE
Mga katangiang dapat taglayin ng isang
mananaliksik:
1.Masipag
2.Matiyaga
3.Maingat
4.Sistematiko
5.Kritikal o Mapanuri
RESPONSIBILIDA
D NG MGA
MANANALIKSIK
 Kilalanin mo ang ginagamit mong
ideya
 Huwag kang kumuha ng datos kung
hindi ka pinayagan o walang permiso
 Iwasan mong gumawa ng mga
personal na obserbasyon, lalo na kung
negatibo ang mga ito o makasisirang-
puri sa taong ininterbyu.
Huwag kang mag-
shortcut
Huwag kang madaya.
Isang krimen ang
pandaraya sa
PLAGIARISM
Teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles
kaugnay ng pangongopya ng gawa ng iba nang
walang pagkilala
URI NG PLAGIARISM
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba
2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at
hindi kinilala ang awtor
3. Pag-angkin at panggagaya sa pamagat ng iba
MGA URI
NG
PANANALIKSI
 EKSPERIMENTAL
Ito ay paraan ng pananaliksik na
ginagamitan ng laboratory upang
tuklasin ang kadalisayan at
katotohanang bunga ng mga datos na
nakalap para sa isang mahalagang
problema at paksa.
 PALARAWAN (Descriptive)
Pinag-aaralan dito ang
kasalukuyang ginagawa at mga isyu
na importante sa tao. Ang mga
mananaliksik sa uring ito ng
pananaliksik ay nagsasagawa ng mga
sarbey na nagpapaliwanag sa naging
 PANGKASAYSAYAN (Historical)
Nauukol ito sa pag-aaral sa mga
bagay o isyu ng nakaraan. Kung may
pagdududa sa isang pangyayari sa
nakaraan, maaaring pag-aralan ang
mga pangyayari sa likod nito at sa
mga pangyayari na bumabalot dito.
 PAG-AARAL SA ISANG KASO
(Case Study)
Nagagamit ang paraang ito ng
pananaliksik sa isang usaping
panghukuman na naging lubhang
kontrobersyal, inaalam dito ang mga
dahilan kung bakit naganap ang mga
pangyayari.
 EMPIRIKAL O MALA-
SIYENTIPIKO
Nangangailangan ng malalim
na pagsusuri ng mga
ebidensiya at aktuwal na mga
datos.
 APPLIED RESEARCH
Gumagamit ng sopistikasyon,
sapagkat ito’y kongklusyon at
estadistika. Karaniwang ito’y
bunga ng madaling pagsasagawa
ayon sa hinihinging panahon.
 PURE RESEARCH
Ginagawa ito sa sariling
kasiyahan ng isang tao upang
maunawaan ang isang bagay
na gumugulo sa kanyang
isipan.
 NABABATAY SA PAMANTAYANG
PANANALIKSIK
Ang resulta ng pag-aaral na
ito ay ihahambing sa isang
umiiral na pamantayan.
 PANG-AKADEMYA
Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa
ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-
aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng
mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante
upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa
pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang
ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala
sila sa kanilang mga talaan.
 PANG-AGHAM
Tinatawag din itong Isang
pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik
ang makaagham na metodo. Ginagamit
ang pananaliksik upang mapainam ang
mga pagkaunawa sa mga larangan ng
biyolohiya, at iba pa.
 PAMPAMILIHAN
Isa itong sangay sa larangan ng
sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at
sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado
o pangmarket ang kung ano ang mga
bagay na binibili ng mga tao at kung
paano sila naglilibang pagkatapos ng
kanilang mga trabaho.
 PANG-EDUKASYON
May kaugnayan sa pagsusuri
kung paano natututo ang mga tao
sa ganitong uri ng pananaliksik,
partikular na sa mga paaralan.
 PANGKASAYSAYAN
Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga
dokumentong katulad ng mga personal na
talaan, mga liham, mga batas, mga resibo,
mga sertipiko ng pagpapatibay, mga
pahayagan, mga magasin, mga aklat, at
mga kasangkapang tulad ng mga alahas,
mga aparato, at mga kagamitang
 PANGWIKA
Tinatawag din itong pananaliksik na
lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang
kung paano ginagamit ng mga tao ang
sinasalitang wika, ang mga tunog sa
wikang sinusuri, at maging ang pag-
iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga
mamamayang nasa isang pook.
Pagsagot sa Katanungan
 
Isang batas ang isinusulong sa kamara na may
kinalaman sa pagbabawal sa mga kaguruan na
magbigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral,
ano ang mga posibleng maging suliraning
inyong kakaharapin sa paggawa ng
pananaliksik dulot ng batas na ito?
EBALWASYON SA SARILI
Pagtataya ng sarili kung nagtataglay ng mga katangiang dapat
taglayin ng isang mahusay na mananaliksik.
MGA KATANGIAN TINATAGLAY KO HINDI KO DAPAT KONG GAWIN
TINATAGLAY UPANG AKING
TAGLAYIN

1.

2.
PAGSASANAY
PAGTATAYA 1
(20 AYTEMS)
Maraming Salamat!

You might also like