Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 92

Magandang

umaga!!!
Kasanayan sa Pagkatuto Kompetensi

Naiuugnay ang mahahalagang


kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang- bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay
sa kasalukuyan.
(F8PB-Ia-c-22).
Isang makabagong
karunungang-bayan na nagbibigay
paalala sa mga mamamayan na
huwag magbigay o iabot ang papel
“paper bill” na may malalaking
halaga dahil ang mga drayber ng
PUJ ay kadalasan wala pang
panukli sa anumang pamasaheng
iniaabot sa kanya tuwing unang
pasada sa umaga.
May alam ka bang
mga karunungang-
bayan? Magbigay
ng halimbawa.
KARUNUNGANG-
BAYAN
PASALINDILA
Ano ang
karunungang-
bayan?
Karunungang- bayan
ay isang sangay ng panitikan
kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisiping
nabibilang sa bawat kultura ng
mga tao. Nakakatulong ito sa
pag-angkin ng kamalayang
tradisyunal, na nagpapatibay ng
pagpapahalagang kultural
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Salawikain
Salawikain
Isa itong nakagawian o
nakaugalian nang sabihin at
sundin bilang tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating
mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang
kabataan tungo sa
kabutihang-asal.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Halimbawa:

Pagkahaba- haba man ng


prusisyon,
Sa simbahan din ang tuloy
Halimbawa:
Kahulugan:
Sa tinagal- tagal man ng samahan ng
magkasintahan. Sa bandang huli ay
humahantong din ito sa kasalan.
Halimbawa:

Ang taong nagigipit


Sa patalim kumakapit
Halimbawa:
Kahulugan:

Ang taong nagigipit kung minsan ay


napipilitang gumawa ng mapangahas
na bagay na maaaring dahilan upang
lalo lamang siyang magipit.
Halimbawa:

Pag maliit ang kumot,


matutong mamaluktot.
Halimbawa:
Kahulugan:

Sa panahon ng kagipitan dapat


matutong mamuhay nang naaayon sa
kakayahan. Matutong magtipid at
maging payak sa pamumuhay.
Halimbawa:

Kung hindi ukol, hindi


bubukol
Halimbawa:
Kahulugan:

Ang swerte sa buhay ay huwag


asahang makakamtan
kung hindi nakalaan para sayo.
Halimbawa:

Nasa Diyos ang awa


Nasa tao ang gawa
Halimbawa:
Kahulugan:

Sabayan ng pagsisikap ang ating


mga dasal upang matamo ang
minimithing biyaya.
Halimbawa:

Lahat ng gubat ay may ahas.


Halimbawa:
Kahulugan:

Saan man sa ating lipunan ay may mga


taong traydor na gumagawa ng mga
bagay na nakalalason o nakasisira sa
samahan ng bawat isa.
Halimbawa:

May tainga ang lupa


May pakpak ang balita
Halimbawa:
Kahulugan:
Mag- ingat sa mga sinasabi dahil
maaaring marinig ng iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong
tsismosa at mahilig magkalat o gumawa
ng kuwento sa ibang tao.
Kasabihan
Kasabihan
tinatawag sa Ingles na
Mother Goose Rhymes,
karaniwang ginagamit
sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng
isang tao.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Halimbawa:

Ang batang matapat


Pinagkakatiwalaan ng lahat.
Halimbawa:

Ang kalinisan ay tanda ng


kasipagan
Halimbawa:

Titingkad ang iyomg


kagandahan kung maganda
ang iyong kalooban
Halimbawa:

Ang talagang matapang,


nag- iisip muna bago
pumasok sa laban.
Halimbawa:

Mabisa ang utos na


malumanay, kaysa utos na
pabulyaw
Halimbawa:

Putak, putak Tiririt ng ibon


Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad Hanap ay asawa.
Sawikain
Sawikain

nagtataglay ng talinghaga
sapagkat ito ay may
nakatagong kahulugan.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Halimbawa:

bulang- gugo- gastador, galante


bagong- tao- binate
kapit- tuko- di mapaghiwalay
nagtetengang- kawali- nabingi- bingihan
Halimbawa:

Ikurus sa noo- tandaan


Ginituang puso- Mabuti ang kalooban
Magsunog ng kilay- mag- aral ang mabuti
Anay ng tahanan- kabit
Alog na ang baba- matanda na
Bugtong
Bugtong

nagtataglay ng talinghaga
sapagkat ito ay may
nakatagong kahulugan.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Halimbawa:

Bungbong kung liwanag,


kung gabi ay dagat
Halimbawa:

banig
Halimbawa:

Dalawang katawan,
tagusan ang tadyang
Halimbawa:

hagdan
Halimbawa:
Puting- puti sa kalinawagan
Butomg kinatatakutan ng
karamihan
Mukha ang pinanggalingan
Halimbawa:

bungo
Halimbawa:
Tubig na nagging bato,
Bato na nagiging tubig
Halimbawa:

asin
Halimbawa:
Itinanim sa kinagabihan
Inani sa kina-umagahan
Halimbawa:

bituin
Halimbawa:
Buhay na hiniram lamang,
pinagmulan ng sangkatauhan
Halimbawa:

babae
Palaisipan
Palaisipan
nasa anyong tuluyan na
kalimitang gumigising sa
isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan
sa isang suliranin.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang
baboy na inaalagaan si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
Halimbawa:

Sagot: lima
Halimbawa:
Ano ang pagkakaiba ng kalabaw
sa langaw?
Halimbawa:

Sagot: Ang kalabaw pag


namaty ay nilalangaw, pero ang
ang langaw pag namatay hindi
kinakalabaw
Halimbawa:
Paano mo makukuha nang sabay-
sabay ang labindalawang ibong
lumilipad?
Halimbawa:

Sagot: Kunan mo ng litrato


Halimbawa:
Ano ang kabaliktaran ng siopao?
Halimbawa:

Sagot: PAPEL
Halimbawa:
May naliligo sa banyo. Paano mo
mlalaman na siya ay babae o
lalaki nang hindi lumalapit dito?
Halimbawa:

Sagot:
hintayin mo siyang lumabas
Bulong
Bulong
Mga pahayag na may
sukat at tugman a
kalimitang ginagamit na
pangkulam o pangontra sa
kulam, engkanto, at
masamang espirito.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HALIMBAWA
Halimbawa:

Huwag magagalit kaibigan,


aming pinuputol lamang
ang sa ami’y napag- utusan.
Ano- ano ang mga
itinuturing na
karunungang- bayan sa
panitikang Pilipino?
Isa- isahin ang mga ito.
Naririnig mo pa
bang ginagamit
ang mga ito sa
kasalukuyan?
Bakit mahalaga ang
mga nasabing
karunungang- bayan
sa pag- aaral ng
kulturang Pilipino?
Bilang kabataan at kasapi
ng lipunan, ano ang iyong
misyon para
mapahalagahan ang
kayamanang iniwan sa
atin ng ating mga ninuno?
Paano magagamit
ang karunungang-
bayan sa pang- araw-
araw na
pamumuhay?
Bakit kailangang pag- aralan
at pahalagahan ng mga
kabataan ang mga
karunungang- bayan tulad ng
salawikain, sawikain, at
kasabihan bilang akdang
pampanitikan sa
kasalukuyang panahon?
PANGKATANG
GAWAIN
PANGKAT SALAWIKAIN

Gumawa ng isang
Salawikain na may
kaugnayan ang
kaisipan nito sa tunay
na buhay sa
kasalukuyan
PANGKAT BUGTONG/ PALAISIPAN

Gumawa ng limang
bugtong/ palaisipan
na may kaugnayan
sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
PANGKAT BULONG

Gumawa ng tatlong
Bulong at iarte sa
harap ng klase.
PANGKAT KASABIHAN

Gumawa ng isang
Kasabihan na may
kaugnayan ang
kaisipan nito sa tunay
na buhay sa
kasalukuyan.
PANGKAT SAWIKAIN

Magtala ng limang
sawikain at iugnay ang
kaisipan nito sa tunay
na buhay sa
kasalukuyan
Rubrik sa Magmamarka
Kooperasyon- 10
Pagkamalikhain- 15
Kaugnayan sa gawaing iniatas- 10
Nilalaman- 15

Kabuuan- 50
GOOD
LUCK!!
TAKDANG
ARALIN
Takdang Aralin
Magtanong sa mga matatanda
sa inyong lugar ng mga
halimbawa ng karunungang-
bayan na alam nila.

You might also like