Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Welcome to Filipino 1 Class!

Mrs. Normelita D. Daquio


Guro
Pag-iisa-isa sa mga Pista at Pagdiriwang sa
Bansa; Pagtukoy sa mga Buwan sa Isang Taon

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga pista at pagdiriwang sa bansa
2. Natutukoy ang mga buwan sa isang taon
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Naranasan mo na bang makisaya sa isang kapistahan?
Pagtatalakay
 Kabilang ang mga Pilipino sa masasayahing lahi sa buong
mundo. Ang mga pista at pagdiriwang ay bahagi na ng
buhay ng mga Pilipino. Sama-sama at masayang idinaraos sa
iba't ibang panig ng bansa ang mga pista at pagdiriwang sa
itinakdang buwan ng taon.
 Ang ilan sa mga ito ay:
Enero
 Bagong Taon - ang unang araw
ng taon. Masaya itong ipinag-
diriwang sa buong bansa.
Pagtatalakay
 Ati-atihan - ginaganap sa Kalibo, Aklan kung saan ang mga
lumalahok ay nagpipinta ng itim sa buong katawan at
nagbibihis ng makukulay na kasuotan. Sabay-sabay na
nagsasayaw habang isinisigaw ang "Hala bira".
Pagtatalakay
Pebrero
 Panagbenga - idinaraos sa Baguio City. Ipinaparada ang mga
karosang may dekorasyong sari-saring bulaklak na ani sa
lungsod. Dinarayo ang pagdiriwang na ito hindi lamang ng
mga Pilipino kundi maging ng mga banyaga.
Pagtatalakay
Marso
 Eid-El-Fitr - isang pagdiriwang ng mga Muslim bilang tanda
ng pagtatapos ng isang buwang pag- aayuno sa panahon ng
Ramadan.
Pagtatalakay
Mayo
 Pahiyas - idinaraos sa Lucban, Quezon kung saan ang
makukulay na kuping at mga aning gaya ng saging, buko, mais
at iba pa ay ginagawang dekorasyon sa labas ng bahay bilang
pasasalamat sa masaganang ani.
Pagtatalakay
Disyembre
 Pasko - ang pagdiriwang na nagpapatunay sa pagiging
masayahin ng mga Pilipino. Nakikita sa paligid at maging sa
loob at labas ng mga tahanan ang magagandang dekorasyon.
Masasarap na pagkain ang inihahanda at bukas ang tahanan ng
mga ninang at ninong para sa mga inaanak. Higit sa lahat, sa-
ma-samang sumasamba ang
pamilya bilang pasasalamat sa
pagsilang ni Jesus.
Pagtatalakay
 May alam ka bang iba pang pista at pagdiriwang sa bansa?
Anong pista o pagdiriwang ang ginaganap sa iyong lungsod o
bayan?
Pagtatalakay
Pagtukoy sa mga
Buwan sa Isang Taon
 Pag-aralan
Pagtatalakay
 Sagutin Mo
1. Ano ang ibinalita ni Gino sa rosas?
2. Kailan siya masigasig na pumapasok?
3. Kailan walang pasok sa paaralan?
4. Ano ang tawag sa mga sagot sa tanong 2 at 3?
5. Bukod sa mga binanggit sa itaas, ano-ano pa ang mga buwan sa
isang taon?
Pagtatalakay
 May labindalawang (12) buwan sa isang
taon. Sinisimulan sa malaking titik ang
pangalan ng mga buwan.
 Ang labindalawang buwan sa isang taon at ang tamang
pagkakasunod ng mga ito ay:
Enero Pebrero Marso
Abril Mayo Hunyo
Hulyo Agosto Setyembre
Oktubre Nobyembre Disyembre
Pagtatalakay
 Sagutin ang mga tanong tungkol sa mga
buwan sa isang taon sa tulong ng iyong guro.

1. Ano ang unang buwan ng taon?


2. Anong buwan ang kasunod ng Abril?
3. Anong buwan ang nauuna sa Agosto?
4. Anong buwan ang nasa gitna ng Agosto at Oktubre?
5. Ano ang huling buwan ng taon?
Paglalapat
Isulat ang titik ng tamang sagot.
____ 1. Ang unang araw ng taon. Masaya
itong ipinag diriwang sa buong bansa.
____ 2. Sama-samang sumasamba ang pamilya bilang
pasasalamat sa pagsilang ni Jesus.
____ 3. Idinaraos sa Lucban, Quezon kung saan ang
makukulay na kuping at mga aning gaya ng saging, buko, mais at
iba pa ay ginagawang dekorasyon.
____ 4. Ginaganap sa Kalibo, Aklan kung saan ang mga
lumalahok ay nagpipinta ng itim sa buong…
Paglalapat
…katawan.
____ 5. Isang pagdiriwang ng mga Muslim
bilang tanda ng pagtatapos ng isang
buwang pag-aayuno sa panahon ng Ramadan.

a. Pasko b. Eid-El-Fitr

c. Ati-atihan d. Bagong Taon

e. Pahiyas
Paglalahat
 Ang mga pista at pagdiriwang ay bahagi na ng buhay ng
mga Pilipino.
 Ang ilan sa mga ito ay:
a. Bagong Taon b. Ati-atihan
c. Panagbenga d. Eid-El-Fitr
e. Pahiyas f. Pasko
 Ang labindalawang buwan sa isang taon at ang tamang
pagkakasunod ng mga ito ay:
Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo
Hulyo Agosto Setyembre Oktubre
Nobyembre Disyembre
Pagtataya
Lagyan ng bilang 1-12 ang mga patlang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga buwan.
____ Agosto ____ Enero ____ Mayo

____ Oktubre ____ Nobyembre ____ Marso

____ Pebrero ____ Disyembre ____ Hulyo

____ Hunyo ____ Abril

____ Setyembre
Takdang-Aralin
Palitan ng malaking titik ang simulang titik ng
mga buwan sa isang taon. Isulat na muli.
Takdang-Aralin

You might also like