Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

HANDA KA NA BA?

Kalma, madali lang ang tanong. Kayang-kaya


mong sagutin! 
MEKANIKS:
• Mayroong 20 katanungan ang nakahanda, pipili ka lamang ng isang bilang at
bawat bilang ay may kaakibat na tanong.
• Ang mga tanong ay patungkol sa mga paksa simula unang lingo hanggang sa
linggong ito.
• Kapag tama ang sagot, 50 puntos. Kapag mali ay walang puntos.
• Bawat batch ay apat na tao lamang ang ia-accept ko sa google meet habang ang
iba ay nasa waiting room.
• Kapag ikaw ay nakasagot na ay awtomatiko kong tatanggalin sa google meet
room para maipasok naman ang iba pang mag-aaral.
• Bawat isa ay may sampung segundo lamang para sumagot.
01 02 03 04 05
06 07 08 09 10
11 12 13 14 15
16 17 18 19 20
TANONG BLG. 1

Karaniwang tinatalakay sa akdang


pampanitikan na ito ay ang mga diyos
at nagbibigay ng mga paliwanag
hinggil sa mga likas na kaganapan.
Ano ito?
TANONG BLG. 2

“Ang ganda ng sapatos mo!” ano ang


kayarian ng salitang may salungguhit?
TANONG BLG. 3

Araw-araw kami ay naglalakad para


pumasok sa paaralan. Ano ang
kayarian ng salitang may salungguhit?
TANONG BLG. 4

Mayroon kaming kapitbahay na


matulungin. Ano ang kayarian ng
salitang may salungguhit?
TANONG BLG. 5

Ginamit ni Anna ang sandok sa


pagluto ng ulam. Anong uri ng pokus
ng pandiwa ang makikita sa
pangungusap?
TANONG BLG. 6

Ipinagluto ni Nena ng masarap na


pagkain ang kanyang mga anak.
Anong uri ng pokus ng pandiwa ang
makikita sa pangungusap?
TANONG BLG. 7

Tinatawag din na talinghaga, isa itong


akdang pampanitikan na umaakay sa
tao sa matuwid na landas ng buhay na
kalimitang hango sa Bibliya.
TANONG BLG. 8

Bakit tinawag na hangal ang limang


dalaga sa Parabula ng Sampung
Dalaga?
TANONG BLG. 9

Punan ng wastong pang-ugnay ang


pangungusap.

Tumuloy pa rin siya sa kanyang lakad


________ umuulan.
TANONG BLG. 10

Ito ay komposisyong prosa na may


iisang diwa at pananaw. Ito rin ay
sistematikong paraan ng
pagpapaliwanag ng isang bagay o
pangyayari. Ano ito?
TANONG BLG. 11

Bahagi ng sanaysay kung saan


tinatalakay ang mahahalagang punto o
ideya tungkol sa tema at nilalaman.
TANONG BLG. 12

Bahagi ng sanaysay na kinakailangang


pumukaw ng atensyon ng mambabasa.
TANONG BLG. 13

Akdang pampanitikan na tumatalakay


sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan.
TANONG BLG. 14

Ang mga pangunahing tauhan dito ay


nagattaglay ng mga katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao at
kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga
Diyos at Diyosa.
TANONG BLG. 15

Bahagi ng pananalita na inihahalili sa


pangngalan.
TANONG BLG. 16

Sino-sino ang kasama sa fieldtrip? Ano


ang panghalip na ginamit sa
pangungusap?
TANONG BLG. 17

Ito ay isang kathambuhay na nasa


anyong prosa na kadalasang halos
pang-aklat ang haba at ang banghay
ay inilalahad sa pamamagitan ng mga
tauhan at diyalogo. Ano ang akdang
pampanitikan na ito?
TANONG BLG. 18

Ito ay isang pagtitipon o kompirensya


kaugnay ng isang paksa kung saan
maraming tagapagsalita ang
magbabahagi o maglalahad para sa
mga imbitadong tagapakinig o
kalahok.
TANONG BLG. 19

Ang pagbuo nito ay ang paghihimay


ng iba’t ibang elemento at bahagi ng
isang akda para sa lubos na
pagkaunawa ng mambabasa. Ano ito?
TANONG BLG. 20

Ito ay isang uri ng panitikan na ang


pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan.

You might also like