Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

TUWAAN

Epiko ng mga Bagobo

G
Ang “Bagobo” ay nagmula sa salitang “bago”(new) at
“obo”(growth). Ito ay isang tribo na kung saan ang
pinagmulan ay nag-ugat sa mga taong nagdala ng Hin-
duismo sa Mindanao. Sila ay makikita sa bulubunduking re-
hiyon sa pagitan ng itaas na mga ilog ng Pulangi at Davao,
bundok, kapatagan at mayroon ding malapit sa baybaying-
dagat at iba pang bahagi ng Mindanao. Na ang pangu-
nahing pinagkukunan ng kabuhayan ay ang
pagsasaka, pangingisda at pangangaso.
Naniniwala sila sa mga makapangyarihang
nilalang na nakatira sa kalangitan, at mga
Diyos at Diyosa o mga Diwata na may
kapangyarihang magbigay ng mga
kaparusahan at kamatayan sa mga taong
nagkasala. Kilala rin sila sa kanilang mga
epikong tula na tinatawag na Tuwaang.
Tuwaang ay isang epeko na ginagawang libangan tuwing may
okasyon gaya ng libing, kasal at ritwal ng pasasalamat.
Ang epiko ng Tuwaang ay nagsasalaysay ng mga
pakikipagsapalaran ng bayaning Ang epiko ay nagbibigay ng
Bagobo sa kanilang mitolohiya pati na rin ang mga idealidad ng
pag-uugali, tulad ng mga katangian ng tamang pinuno. At ‘itoy
nakikita ngmga hula sa hinaharap halimbawa ng Ang mga eroplano
ay pinaniniwalaang na-pre-prequigure sa sinalimba boat na nag-
dadala kay Tuwaang at ng kanyang mga tagasunod sa langit.
Naniniwala na mayroong isang nilalang sa mga bundok na nagn-
gangalang busao / buso na kumakain ng kanilang mga anak.
MGA TAUHAN
o Tuwaang– mala diyos na bayani ng mga Bagobo
o Ang Dalaga ng Buhong na Langit- ang dalagang tumakas sa kanyang baya
dahil sa isang higante
o Bai – kapatid ni tuwaang sa Kuaman
o Batooy- tumulong sa digmaan nina tuwaang at ng binate ng Pangumanon
o Binata ng Pangumanon- ang isang higanteng binata na mayroong pag-ibig sa
dalaga ng taga langit
o Binata ng Pangavukad- kaibigan ni Tuwaang na kanyang kaagapay sa pagla-
ban.
Simulang Pangyayari
Isang araw tumanggap si Tuwaang na siyang pinuno ng
Kuaman ng balita na may isang dilag na nagmula sa
kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy
upang humingi ng tulong. Nagpaalam si Tuwaang sa
kapatid niyang babae na si Bai. Ayaw pumayag ni Bai
sapagkat ang gagawaing ni Tuwaang ay lubhang mapan-
ganib at hindi rin ito mapigilan sa gagawing pagsaklolo.
Sumukay si Tuwaang ng Kidlat na ang karaniwang sasakyan
niya ay ang Hangin. Ngunit sa pagkakataong ito’y humingi
siya ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting
sasakyan sapagkat siya’y nagmamadali.
Mahahalagang Pangyayari
Dumaan si Tuwaang sa lupain ng
binata ng Pangavukad upang humingi ng
agapay at pumunta silang dalawa sa lupain
ni Batooy. Mula pa ng dumating sa lupain
ng Batooy ang dalagang may lambog ng
kadiliman, ni isa ay wala siya nais kausap-
inHinintay niya si Tuwaang upang dito
sabihin ang kanyang malaking suliranin.
Problema
Humingi ng tulong ang dilag na nagmula sa
kalangitan ng Buhong, ito ang ang sanhi ng pagpunta
ni Tuwaang sa kaharian ni Batooy. Nagkagusto ang
binata ng Pangamanon, isang higante na maypalamuti
sa ulo na abot ang mga ulap,  sa dalaga subalit malaki
ang pag ayaw ng dalaga at gusto nitong daanin ang
dalaga sa dahas. At sinundan niya ang dalaga saan
man siya mapadpad upang magtago, at sinunog niya
ang mga bayan ng pinagtataguan ng dalaga, kaya
naghanap siya ng pagtataguan sa mundong ito.
Solusyon
Matapos sabihin ng dalaga ang lahat kan tuwaang, dumating
bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy atpinagpap-
atay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy. Naglaban si
Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ng kanilang mga
sandata.
Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni
Tuwaang ang puluhan nito, gayun din ang nayari sa binata ng
Panumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata
niyang palihuma at sabay na nagtapon ng baling puluhan ang
dalawa at ito’y nagging punong maunlapay. Nang magkaubusan
na sila ng mga armas, sinungaban ng binata ng Panumanon si
Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti, at hindi nasaktan si
Tuwaang.
Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng
Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking
bato. Nang sasayad na ang katawan sa bato ay nang-
ing alabok. Tinawagan ng binata ng pangumanon
ang kanyang patung. Ito’y isang dangkal na bakal
na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bu-
muga ng apoy, inunat ni Tuwaang ang kanyang ka-
may at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni
Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang Higante
at namatay.
Ngumanga si Tuwaang at ibunuga ang tabug ng
nganga sa mga tauhan ni batooy at sila’y nabuhay
Wakas
Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman.
Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap.
Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban,
minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Kautusan
manirahang lahat.
Inilulan ni Tuwaang sa salimba, isang ginintuang
sasakyang lumilipad ang lahat kaniyang tauhan.
Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang
Dalaga ng Buhong at ang kanyang kapatid na si Bai at
pumunta sa Kautusan, ang lupaing walang kamatayan.
Mga Batas Panlipunan

- Pinapahalagahan ang pagtulong sa kapwa


- Pinapahalagahan ang pagkakabuklod- buk-
lod ng mga kamag anak.
- Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay
may kaakibat na responsibilidad.
Abarico, Sheila Ivy B.
Bagona, Lito M.
Celestino, Maria Theresa T.

You might also like