Iba Pang Kalahok Sa Paikot Na Daloy NG Ekonomiya

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Aralin 2

Mga Kalahok sa
Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
Layunin

Sa araling ito ay bibigyang-pansin ang iba’t ibang kalahok


sa paikot na daloy ng ekonomiya, na may tuon sa
sumusunod:

● mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya, at


● mga uri ng pamilihan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:

● Batay sa paikot na daloy ng ekonomiya, kailan nagiging


prodyuser ang sambahayan? Ano ang pangangailangang
tinutugunan nito?
● Paano nagkakaroon ng salaping pantustos sa mga
serbisyong pampubliko ang isang pamahalaan?
● Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamilihang pinansiyal sa paikot na daloy ng ekonomiya?
“Ano ang isang pamilihan
para sa iyo?”
Pagsusuri
Pagsusuri

● Sa iyong palagay, bakit mayroong iba’t ibang uri ng


pamilihan na napapaloob sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
● Bakit mayroong iba-ibang kalahok sa paikot na daloy
ng ekonomiya? Maaari bang iisa lamang ang kalahok
dito?
● Bilang isang mamimili, ano ang epekto ng panlabas
na sektor sa iyong pakikilahok sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
● Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang kalahok ng
paikot na daloy ng ekonomiya?
● May epekto ba ang kasalukuyang globalisasyon sa
patuloy na paglago ng kakayahan ng mga bansa na mag-
export at import ng mga produkto at serbisyo?
● Sa iyong palagay, anong uri ng pamilihan ang kadalasang
nilalahukan ng mga mamimili? Ano naman ang sa
pamahalaan?
“Hindi madaling balansehin ang
paikot na daloy ekonomiya dahil
nakokonsumo rin ang lahat ng
napoprodyus na produkto at
serbisyo.”
Pagpapahalaga

Sa iyong palagay, bakit mahalagang maging aktor


sa ekonomiya ang pambansang pamahalaan?
Ano ang mga papel na ginagampanan nito sa
paikot na daloy ng ekonomiya?
Inaasahang Pag-unawa
● Ang mga sambahayan ay nagiging prodyuser kapag ito
ay nakikisalamuha sa loob ng pamilihan ng mga salik ng
produksiyon. Sa ganitong sitwasyon, tinutugunan nito
ang mga salik ng produksiyon gaya ng lupa, lakas-
paggawa at kapital na gagamitin sa paglikha ng tapos na
produkto at mga paglilingkod.
● Nagkakaroon ang pamahalaan ng pantustos sa mga
ipinagkakaloob nitong serbisyong publiko sa
pamamagitan ng pangongolekta ng buwis mula sa kita
ng sambahayan at mga bahay-kalakal.
Inaasahang Pag-unawa

● Mahalaga ang pamilihang pinansiyal sa paikot na daloy


ng ekonomiya dahil iniiba nito ang daloy ng salapi.
Maaaring mag-impok ang mga sambahayan samantala,
ang mga bahay-kalakal naman ay maaaring magkaroon
ng pandagdag sa kanilang kapital sa pamamagitan ng
pag-utang sa mga pamilihang pinansiyal.
Paglalagom

Mula sa ideya ni Adam Smith, nabuo ang sistema


ng market economy kung saan hindi na lamang
1 mga sambahayan at bahay-kalakal sa iisang
bayan ang nag-uugnayan. Sa kasalukuyan,
mayroon nang tinatawag na global market
economy kung saan nakikipagkalakal ang mga
internasyonal na negosyo sa isa’t isa.
Paglalagom

Sa pamamagitan buwis ay nakakapagkaloob ang


pamahalaan ng mga serbisyong pampubliko
tulad ng mga ospital at eskwelahan na maaaring
2 magamit ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang
pamahalaan ay nagkakaloob din ng tulong
pinansiyal para mga nangangailangang
sambahayan at bahay-kalakal (transfer payments).
Paglalagom

Ang paghiram ng bahay-kalakal ng karagdagang


kapital sa pamilihang pinansiyal ay may
3 kabayaran. Magbabayad ito ng interes para sa
hiniram na puhunan. Bahagi ng interes na ito ay
naiiwan sa institusyong pampinansiyal bilang kita
at panibagong kapital para sa pagpapautang.
Kasunduan

Gumawa ng isang flowchart o graphic organizer na


nagpapakita ng ugnayan ng mga kalahok ng paikot na daloy
ng ekonomiya.

You might also like