Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Magandang umaga!

Sikolohiya ng Wikang
Filipino
ni: Virgilio Enriquez
Kahulugan
Ang Sikolohiya ng Wikang
Filipino ay ang pag-aaral ng
karanasan, kaisipan at
oryentasyong ng Pilipino, batay
sa kabuuang paggamit ng kultura
at Wikang Filipino.
Virgilio Enriquez
 a.k.a Doc E
 Ipinanganak noong Nobyembre 24, 1942 sa Bulacan
 Itinuturing na Ama ng Sikolohikang Pilipino
 Nag-aral ng post-graduate studies sa ibang bansa –
Northwestern University, Illinois
 1970 ng bumalik sa Pilipinas.
 Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
(PSSP) 1975
 Namatay noong Agosto 31, 1994 sa San Francisco
California
Ang panimulang pagsusuri ni Enriquez sa
Sikolohiyang Pilipino batay sa kultura at wika ng
mga Pilipino ang siyang nagbunsod upang
matukoy na ang Sikolohiya ay tungkol sa
1. Kamalayan – damdamin at kaalamang
nararanasan.
2. Ulirat – pakiramdam
3. Isip – kaalaman at pagkaunawa
4. Diwa – ugali, kilos o asal
5. Kaluluwa – budhi ng tao
Tatlong Anyo ng Sikolohiya
1. Sikolohoya sa Pilipinas
2. Sikolohiya ng mga Pilipino
3. Sikolohiyang Pilipino
Sikolohiya sa Pilipinas
Lahat ng mga pag-aaral, libro at sikolohiyang
makikita sa Pilipinas, banyaga man o
makaPilipino.
Halimbawa:
Ang aklat na galing sa ibang bansa ay inilagay sa
isang silid-aklatan dito sa Pilipinas ay maaaring
maging isang bahagi ng silid-aklatang iyon. May
kinalaman sa kabuuang sikolohiya (sarili at dala
ng mga banyaga)
Sikolohiya ng mga pilipino
Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga
konsepto ng sikolohiya na may kinalaman sa
mga Pilipino.
Halimbawa
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat
etniko kung saan may kanya-kanyang
kaugaliang mga kultura.
Sikolohiyang pilipino
Nilalayong anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
Sikolohiyang bunga ng Karanasan, kaisipan at
oryentasyong Pilipino (KKO)
Halimbawa:
Ang isang kulturang ipinaiiral ng isang pamilya sa
kanilang tahanan na nagbibigay ng matatag na
katunayan sa pagkakaroon ng sariling kultura.
Sa maikling salita
SIKOLOHIYA SA PILIPINAS
-bisita sa bahay
SIKOLOHIYA NG MGA PILIPINO
-tao sa bahay
SIKOLOHIYANG PILIPINO
-maybahay
Mga halimbawa na magpapakita ng
manipestasyon na mayroon ngang sariling
sikolohiya ang Wikang Filipino, na masasabing
pinoy na pinoy ang dating.
1. Berbal
 Pagiging magalang
 Pasintabi bilang pagpapaalam
 Oral na tradisyon at Panitikan
 Pagbibiro
 Pagmumura
 Kawalan ng katumbas na salin
 Yupemistikong salita
berbal
1. PAGIGING MAGALANG
 Pagpapahalaga sa kapwa lalo na sa nakatatanda
 Makikita ito sa paggamit ng PO at OPO
2. PASINTABI BILANG PAGPAPAALAM
 Pagpapalam sa pagdaan sa lugar na pag-aari ng
iba upang hindi makaperwisyo ng kapwa.
 Nagsasabi tayo ng MAKIKIRAAN PO
berbal
3. ORAL NA TRADISYON AT PANITAKAN
- Makikita ito sa:
Bugtong, Salawikain, Awit- makikita dito ang pagiging
malikhain ng mga Pilipino kung saan ang isang
bagay na nakikita niya ay nabibigyan niya ng
talinhaga o simbolismo na may layon na mangaral
sa buhay, magpasaya at manlibang.
Alamat at Epiko - Dito mababakas ang kultura ng mga
Filipino.
berbal
4. PAGBIBIRO
 Isang dahilan ng pagbibiro ay upang magsilbing coping
mechanism sa oras na mahirap ang sitwasyon o may
problema.
 Ginagamit ito upang magdamayan ang mga Pilipino.
5. PAGMUMURA
 Pagsasabi ng masasakit na salita upang ibaba ang halaga
ng isang tao.
 Dahil sa sobrang pagpapahalaga sa pamilya nagiging
masama ito o nakakapanakit.
berbal
5. KAWALAN NG KATUMBAS NA SALIN
Halimbawa ang konsepto ng Rice.
Bigas- RICE
Palay
Kanin
Bahaw
Tutong
Suman
Lugaw
berbal
6. YUPEMISTIKONG SALITA
 Upang makaiwas na makasakit ng loob.
Halimbawa:
Pumapayat- lalo ka yatang sumeseksi ngayon?
Mataba – malusog ka ngayon
 Ngunit may mga pananaw na ang yupemistiko
ay panloloko, panlilinlang, pagsisinungaling o
pag-iwas, ngunit para sa Pilipino ito ay paraan
upang maging maayos at walang gusot.
2. Di berbal

 Pagmamano
 Pagtuturo ng Direksyon
 Espasyo
 Pagtapik/akbay/yakap
 Ngiti
Di berbal

1. PAGMAMANO
 Isang kaugalian ng pagbibigay galang sa mga
nakakatanda.
2. PAGTUTURO NG DIREKSYON
- Iminumuwestra pa o kaya ay iningunguso o
itinuturo bukod sa pagsabi ng direksyon.
Di berbal
3. ESPASYO
-Dito lang yata sa Pilipinas uso ang siksikang
dyip, bus, LRT, MRT.
 Handang makisiksik ang mga Pilipino
sapagkat alam nila na ang bawat isa ay may
kani-kaniyang lakad at mahalaga na hindi
mahuli.
 Maging sa upuan sa klasrum ay lapit-lapit.
Di berbal
4. PAGTAPIK/AKBAY/YAKAP
 Ito ay isang mahalagang akto ng pakikipagkapwa.
 Sa gitna ng kalamidad, ang isang tapik at akbay sa
balikat ay sapat na upang mapanatag ang isang tao.
 Tanda ito ng pagmamalasakit, pagdamay at pagsalo
o pagsuporta sa naturang indibidwal.
Di berbal
5. NGITI
 Natural na sa mga Pinoy ang pagngiti kahit sobrang
bigat o sakit na ng ating nararamdaman.
 Ito ay likas na sa atin na nagpapalakas ng loob ng
iba upang magpatuloy sa buhay.
Ang pagiging isang Pilipino ay
hindi nakakahiya.
Wag kang matakot na ipakita ito
sa mundo.

You might also like