Professional Documents
Culture Documents
Bullying Powerpoint
Bullying Powerpoint
PAMBUBULLY
Karaniwan nating nakikita ngayon na laman
ng mga balita ang mga pambubulas
(bullying) ng mga bata sa kapwa mag-aaral
sa iba’t-ibang paaralan pampubliko man
o pribado na nagiging dahilan pa minsan
ng pagkakasangkot ng mga magulang.
Biktima ng pang-aapi o pambubulas
kadalasan ang mga maliliit, mahihina
at mga may kapansanan na walang
kakayahang lumaban at ipangtanggol
ang sarili mula sa mas malalaking
kaklase na kadalasan din mapang-api
dahil sa pag-aakalang takot sa kanila
ang mga kamag-aral.
Ano ang bullying?
Ang bullying ay ang paulit-ulit
na pangungutya, pananakit
nang pisikal o pagbibitiw ng
masasakit o mapanirang
salita sa isang indibidwal.
May batas na ba para sa Bullying?
Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na
kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill
2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero
2012 naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa
mababang kapulungan ang House Bill No. 5496, o Anti-
Bullying Act of 2012.
Layon ng batas na maging pangangailangan sa
lahat ng elementarya at hayskul sa buong bansa na
pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan at
magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng
pambu-bully sa kaniya-kaniyang institusyon.
Sino ang karaniwang binu-bully
§ Mga mapag-isa. May mga kabataan na nahihirapang makipag-
ugnayan sa iba, kaya ibinubukod nila ang kanilang sarili at madaling
nagiging target ng mga bully.