Paghubog NG Konsensya Batay Sa Likas Na Batas Moral

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 36

PAGHUBOG NG

KONSENSYA
BATAY SA
LIKAS NA
BATAS MORAL
Ano ang kaugnayan
ng konsensiya sa
Likas na Batas
Moral?
 Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao
ng pagpapasiya at nasusunod ang Batas-Moral sa
kaniyang buhay.
 Ang konsensiya ang pamantayang ginagamit ng tao
upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon sa Likas
na Batas Moral na siya naming batayan upang
malaman ang mabuti at masama sa natatanging
sitwasyon.
 Sinusuri ng konsensiya ang kilos kung ito ay tama o
mali
 Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng
moralidad.
Mga antas ng
paghubog ng
konsensiya
1. Ang antas na likas na pakiramdam
at reaksiyon. Nagsisimula ito sa
pagkabata. Hindi alam ng bata kung
ano ang tama o mali. Umaasa lamang
siya sa mga paalala, paggabay at
pagbabawal ng kanyang mga
magulang o ng mga mas nakatatanda.
2. Ang antas ng superego. Malaki ang
bahaging ginagampanan ng may
awtoridad sa pagpapasya at pagkilos
ng bata. Itinuturo sa bata kung ano
ang mga ipinagbabawal sa lipunan at
nagiging bahagi na ito ng kanyang
buhay nang hindi namamalayan.
3.
Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph
55-58), mahuhubog ang konsensiya ng tao
upang kumiling ito sa mabuti kung
susundin ang mga hakbang.
1. Matapat at masunuring isagawa ang
paghahanap at paggalang sa
katotohanan. Maipakikita ang
pananagutan sa kilos kung gagawin ang
mga sumusunod.
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay
na pagpapahalagang moral na sangkot sa
isang kilos.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang
matiyak na kumikilos sa mga mabuting
layunin at hindi mula sa makasariling
interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga
karanasan at hamon sa buhay.
d. Alamin at unawain ang mga talakayan
tungkol sa mga napapanahong isyung moral
at mga implikasyong panlipunan ng mga ito.
2. Naglalaan ng panahon para sa
regular na panalangin. Ang
pakikipag-ugnayan natin sa Diyos
ay nakatutulong sa pagpapanatag
ng kalooban, paglinaw ng pag-iisip
at kapayapaan ng puso.
Ano ang Batas Moral?
• Batayan ng pagkilos ng tao upang
ito ay maging tama at mabuti.
• Nagpapakita ng direksyon ng
pantaong kilos para makarating
sa tamang patutunguhan.
•Batas ng Kalikasan (Natural
law) na naihahayag sa
pamamagitan ng ating isip.
•Naisasaad nito ang pamatayan
ng mga gawang dapat at di
dapat.
Saan Nakaugat ang Batas
Moral?
Batas na Walang Hanggan
(Etyernal Law) o Batas ng Diyos.
Ito ay unibersal, angkop sa
lahat at sa lahat ng kultura.
Tatlong Uri ng Batas na
Pamantayan at Gabay
ng Kilos-tao (Human
Act)
1. Batas Eternal
• Mismong karunungan ng
Diyos na namamahala sa
lahat ng kilos at galaw ng
umiiral sa sanlibutan
2. Lex Naturalis
• Pakikibahagi ng tao, bilang
rasyonal na nilikha, sa Batas
Eternal.
“Ilaw ng likas na isip” bilang
umuunawa ng mabuti at masama.
3. Batas ng Tao
• Tumutukoy sa prinsipyo na
ibinabatay ng isip sa mga
pangunahing prinsipyo ng
Len Naturalis
Batas Eternal o Batas na Walang Hanggan
Batas Eternal o (Eternal
Batas na Walang Hanggan
Law)
(Eternal Law)

Lex Naturalis o Batas Kalikasan


(Natural Law)

Likas na Batas Moral


Batas n g Kalikasan
(Law of Nature)
Batas ng Tao
Ako’y NUMNGTI tinig na iyong
maririnig
NOHANPA ng agam-agam, isip
saan ipipilig?
Alin ang tama, bakit ito ay mali?
Ako’y dapat KONTASULNOKI
mo sa panahon ng pagpili.
WAPANAGLI sa’yo kailanman
di pinilit GANWALI na dulot ko
sa mata sana’y wag ipikit,
Sakaling piliin mong di ako
NINSIPAN,
Siguradong ikaw ay aking
SIUGINU.
Kung di ako’y KINGPAGAN ika’y
walang katahimikan,
Ang maling gawa ay magbabalik sa
isipan
Hangga’t di NGINIMA ikaw nga ang
may sala
At ang nagawang AMAMAS ay
piloting itama
Maaari mo akong ituring na
BIGKAGANI
Hindi kita aakayin sa
MAHAKAPANAK
Makinig ka lamang pag kita’y
paalalahanan
Ako ba’y kilala mo mahal na
kaibigan?
Ako’y munting tinig na iyong
maririnig
Panahon ng agam-agam, isip
saan ipipilig?
Alin ang tama, bakit ito ay mali?
Ako’y dapat kinokonsulta mo sa
panahon ng pagpili.
Paliwanag sa’yo kailanman di
pinilit
Liwanag na dulot ko sa mata
sana’y wag ipikit
Sakaling piliin mong di ako
pansinin
Siguradong ikaw ay aking uusigin
Kung di ako’y pakinggan ika’y
walang katahimikan
Ang maling gawa ay magbabalik
sa isipan
Hanggat di amining
ikaw nga ang may sala
At ang nagawang masama
ay piliting itama.
Maaari mo akong ituring na
kaibigan
Hindi kita aakayin sa
kapahamakan
Makinig ka lamang
pag kita’y paalalahanan Ako ba’y
kilala mo
mahal na kaibigan?
Konsensya
• Pinakamalapit na pamantayan ng
moralidad na gumagabay sa ating
pamumuhay tungo sa kabutihan.
• Praktikal na paghuhusga ng isipan na
nagpapasya na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama (Lipio, 2004,
ph. 2)
Konsensya
• Bahagi ng ispiritwal na
kalikasan.
• Paglalapat ng ating kaalaman
tungkol sa mabuti at masama sa
ating ginagawa o maaaring
gawin.
Konsensya
• Ito ay isang natatanging kilos
pangkaisipan, isang
paghihusga ng atinng sariling
katwiran.
– Santo Tomas de Aquino
Dalawang Uri ng Konsensya
• Tama, kapag ito’y naghuhusga
ng pasiya o kilos batay sa
tamang panuntunan at naaayon
sa Batas Moral.
• Mali, nagpasiya ng taliwas sa
mga prinsipyo ng Batas Moral.
Maling Konsensya
Angmaling konsensya ay maaaring
nagkakaiba sa sumusunod na paraan:
a)Tuliro o may duda
b)Maluwag
c)Manhid o mapagwalang bahala
d)Ipokrito
Salik sa Paghubog ng Wastong
Konsensya
a. Laman at lawak ng pagkatuto
b. Antas ng kakayahang mag-isip
c. Impluwensya ng tagahubog ng
pagkatuto.
Paraan na Makatutulong sa
Pagpapatibay Konsensya
a.Seryosong pag-aaral tungkol
sa Batas Moral.
b.Pagninilay
c. Pagkonsulta o paghingi ng
gabay mula sa nakatatanda.
e. Pag-uusig ng konsensya bago
gumawa ng pasya o aksiyon.
f. Malalim na pagkilala sa sarili.
g. Pagbabasa ng mga Banal na
Aklat
h. Pagdadasal bago ang kilos.
“Ang ating mga pagkabigo ay daan
tungo sa ating pag-unlad. Tinatawag
tayo upang maging ganap sa salita at
sa gawa. Kung ano tayo at kung ano
ang magiging tayo ay nakasalalay sa
ating mga moral na gawain. Ang mga
gawaing ito ay humuhubog sa ating
pagkatao, pag-uugali at buong
buhay.”

You might also like