Tradisyon at Kaugalian ng Kabisayaan Mga Layunin: • Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad batay sa usapan. • Natutukoy ang iba’t ibang antas ng wika at ang mga halimbawa nito. GRAMATIKA AT WIKA: ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD WIKA Filipino ang ating Wikang Pambansa subalit kung magiging mapanuri at makikinig nang mabuti sa mga taong nagsasalita nito, mapapansing hindi iisa ang uri ng Filipinong umiiral sapagkat lumilitaw ang barayti o antas ng wika dala na rin ng pagkakaiba ng kapaligiran, panahon, lugar at kakayahan ng taong nagsasalita. KAHULUGAN NG WIKA Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ito ay ginagamit natin sa pang-araw- araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa. KAHULUGAN NG WIKA Ayon kay Tumangan (1986), “ang wika ay mahalagang bahagi ng lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipagtalastasan.” ANTAS NG WIKA Narito ang iba’t ibang antas ng wika 1. Pormal A. Pambansa B. Pampanitikan 2. Di-Pormal A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal PORMAL NA ANTAS Mga salitang istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang dalubwika ang nagpapasiya kung ang isang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito’y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkaligirang intelektuwal. PORMAL NA ANTAS A. Pambansa – salitag ginagamit sa mga aklat at babasahing umiikot sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito na rin ang wikang ginagamit na panturo sa loob ng paaralan. Hal: Ama, Ina, Aklat, Binata, Dalaga, Lamesa, Upuan PORMAL NA ANTAS B. Pampanitikan –mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay, at sadyang matataas ang uri. Ito ang mga salitang gnagamit ng mga manunulat at dalubwika. Hal: ● Balat sibuyas (maramdamin) ● Ilaw ng tahanan (nanay) ● Haligi ng tahanan (tatay) DI- PORMAL NA ANTAS O tinatawag na “impormal na antas” , ito’y mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang- araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. DI- PORMAL NA ANTAS A. Lalawiganin – mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng kinamulatang lalawigan, liban kung sila- sila’y nagkita-kita sa labas at dahil nakagisnan, natural na siyang nasasabi kaagad, DI- PORMAL NA ANTAS A. Lalawiganin – kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita bukod sa iba ang bigkas ay may kakaiba pang tono. Hal. “Ambot” mula sa salitang Bisaya na ibigsabihin ay “ewan” “Kaon” mula sa salitang Bisaya na ang ibigsabihin ay “kain”. DI- PORMAL NA ANTAS B. Kolokyal – ito’y mga pang-araw-araw na salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong malinis at maayos ayon sa kung sino ang nagsasalita. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita. DI- PORMAL NA ANTAS B. Kolokyal Hal. ● Meron (mayroon) ● Kelan (kalian) ● Sa’kin (sa akin) ● Pa’no (paano) DI- PORMAL NA ANTAS C. Balbal – ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na “slang” . Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng ga nakatatanda at mga may piang-aralan dahil masagwa raw pakinggan. DI- PORMAL NA ANTAS C. Balbal – Sa mga grupo-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang nag-imbento, sa gayon, para nga namang code, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-uusapan. DI- PORMAL NA ANTAS C. Balbal Hal. ● Bagets – kabataan ● Char/charing – biro lamang ● Ermat – nanay ● Erpat – tatay ● Lespu – pulis ● Nenok – nakaw IBA PANG HALIMBAWA: KAPATID Pampanitikan: Kapusod Pambansa: Kapatid Balbal: Utol Kolokyal: ‘Tol Lalawiganin: Tugang (Bicol) SUBUKAN NATIN! Tukuyin kung ito’y Pambansa, Pampanitikan, Kolokyal, Balbal o Lalawiganin. 1. arep 2. gwapa 3. pa’no 4. kuya SUBUKAN NATIN! 5. olats 6. taingang-kawali 7. Hindi makabasag pinggan 8. sa’n 9. makanos 10. magayon SUBUKAN NATIN! 11. utol 12. makapal ang bulsa 13. aklat 14. ambot 15. meron