Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KOMPOSISYON-ang itinuturing na

pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging


karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari
sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood
na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng
pagsulat ng komposisyon.
Sa pagsulat ng komposisyon mahalagang magkaroon
ng sapat na kabatiran sa paksang iyong susulatin. Dapat
ding isaalang – alang ang iyong interes sa paksa. Gaano
man kahusay ang paksa kung ito ay hindi mo hilig,
malayo mong mabibigyan ito ng sapat na buhay at
ningning.
URI NG KOMPOSISYON
1.
Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.
Hal. mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o


pagpapaliwanagan.
Hal. mga editoryal

3. Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.


Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng


nagsasalayasay
Hal. mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar, pangyayari


atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
Mahalaga sa pagsulat ang pagkakaroon ng ideya kung sino
at kung anong uri ng tao ang kanyang magiging
mambabasa.
Mga mapagkukunan ng paksa:
1. Sariling karanasan
2. Narinig o napakinggan sa iba
3. Nabasa o napanood
4. Likhang – isip
5. Panaginip/ pangarap
PAMAGAT NG KOMPOSISYON – ang unang tumatawag ng
pansin sa mga mambabasa. Ang mabisang pamagat ay kawili-wili, maikli,
madaling tandaan at hindi palasak
• IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUO NG PAMAGAT
1. Pangngalan ng tauhan,katawagan sa isang tao o grupo ng mga tao
Hal. Tata Selo, Mga Mandaragat, Ang Panday
2. Pangngalan ng lugar o katawagan sa isang lugar
Hal. Banawe, Sa Pusod ng Dagat
3. Mahalagang Pangyayari o Kaisipan
Hal. Ang Di Ko Malilimutang Karanasan, Ang Una Kong Pag - ibig
SIMULA NG KOMPOSISYON- nakasalalay sa simula ang
ikatatagumpay ng isang komposisyon. Ito ang panawag pansin, kung baga
sa pagkain ay apetayser lamang
ILANG MUNGKAHI KUNG PAANO SISIMULAN ANG ISANG KOMPOSISYON
• Paggamit ng sipi
• Paggamit ng tanong
• Paggamit ng makatawag pansing pangungusap
• Pambungad na salaysay
• Isang pangyayari sa likod ng paksa
• Tahsasang ilahad ang suliraning papaksain
• Gumamit ng salitaan
• Paggamit ng salawikain o sawikain
KATAWAN NG KOMPOSISYON
• Sa katawan ng komposisyon ay nakasulat ang mga detalye tungkol sa
mga paksang nais talakayin. Ito ay dapat ilahad ng malinaw at maayos.
Isinasaalang – alang dito ang kaisahan,kalinawan, kaiklian at
kawastuan ng mga kaisipan.
• Mainam na batayan ang sariling karanasan sapagkat magagawang
buhay na buhay at makatotohanan ang pagsusulat. Iwasan lamang na
lagging banggitin ang sarili.
• Makikita sa katawan ng komposisyon ang mga bunga ng pagsasaliksik.
Dito natitipon ang lahat ng kaisipanng nais ilahad ng sumulat.
WAKAS NG KOMPOSISYON-matagumpay ang wakas kung
napagalaw ang guniguni ng mambabasa. Kung patuloy na nag-iisip
ang mambabasa kahit tapos na ang komposisyon. Dapat itong mag-
iwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa
ILANG PARAAN NG PAGWAWAKAS NG KOMPOSISYON
1. Ibigay ang buod ng paksa
Hal. Alam kong mahaba pa ang ating lalakbayin bago tayo
makaagapay sa literature ng ibang bansa. Huwag tayong susuko
at patuloy na paunlarin ang literaturang Filipino
2. Mag – iwan ng tanong
Hal. Sino ba ang inaasahan nating magmamahal sa ating sariling
wika? Hindi ba tayo lamang ang maaaring magamahal dito?
3. Mag – iwan ng Hamon
Hal. Lalaban ba tayo sa hamon ng pandemya?

4. Gumawa ng isang Panghuhula


Hal. Alam kong darating at darating din ang panahong matatapos ang
pandemyang nararanasan ng buong mundo.

5. Magwakas sa angkop na Sipi


Hal. Totoo ang sinabi ni Rizal , Kayong kabataan ang hahango sa nakaligwak
na kahihiyan ng ating lahi.

6. Maaaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula


Hal. Kailangang makita natin ang katotohanan. Ito ang magpapalaya sa
bansa.

You might also like