Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Puting Kalapati

Libutin itong
Sandaigdigan
Dr. Usman Awang
 Malaysian National Laureate
 Tanyag na manunulat at makata sa
Malaysia
 Siya ay kilala rin sa pangalan sa
panulat na Tongkat Warrant, Adi
Jaya at iba pa.
 Naging kabilang sa Asas’ 50, ang
Unang Samahang Pampanitikang
Malay sa Singapore
 Namatay noong Nobyembre 29,
2001
Sa mga pangyayaring walang katiyakan,
Kung saan ang tao’y naghihinala’t
tuwina’y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin
ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap ay
kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo’y
patuloy na pumapailanlang.
Puting kalapati, libutin itong
sandaigdigan
Ang hanging panggabi’y iyong
panariwain
Ang mga bulaklak iyong
pamukadkarin.
Itong aming mga labi’y iyong
pangitiin.
Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di
nawala
Sa iyong hininga, hanging sariwa
nagmula
Itong sandaigdigan, paniwalain mo
sa kapayapaan
Habang puso’y pumipintig sa gabi
ng katahimikan.
Ngunit ikaw na palamara
Tulad ng alabok, humayo ka’t mawala
Pagkat mundo mo’t bantayog ay
gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na
kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na
mapayapa.
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang sinisimbolo ng


puting kalapati sa tula?
2. Ano raw ang pakay ng
kalapati sa paglilibot nito sa
mundo? Sa iyong palagay,
magagawa kaya niya ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Masasabi mo bang
payapa o tahimik ang
buhay ng tao sa mundo sa
kasalukuyan? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
4. Sino kaya ang
itinuturing na taksil o
palamara sa tula?
5. Sa kasalukuyan, ano-ano
ang mga pangyayari sa
mundong sumisira sa
pandaigdigang kapayapaan
na masasabi mong likha ng
kasamaan?
6. Ano-ano ba ang
puwedeng gawin ng tao
upang magkaroon ng
ganap na kapayapaan sa
mundo?
7. Bilang kabataan, paano
ka makatutulong upang
mapanatili ang
kapayapaan sa inyong
tahanan, komunidad,
bansa at mundo?

You might also like