Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Ang

Sibilisasyon sa
Lambak ng
Indus
Ang Pagkatuklas sa mga
guho ng sibilasyon sa Lambak
ng Indus noong 1826 ay
nasundan ng mas maraming
paghuhukay na nagbigay ng
mas detalyadong
impormasyon. Unang hinukay
ang bayan ng Harappa sa tabi
ng ilog Ravi sa Punjab,
Pakistan.
Malawak ang sakop ng
sibilisasyong ito. Kasama rito
ang pakistan pati ang mga estado
sa Kanlurang India. Ayon sa
natuklasan, binubuo ito ng 1,500
komunidad na mga bayan at
lungsob. Ang ilan ay may sukat
na 20 haggang 80 ektarya.
Pinakamalaki sa mga ito ang
Mohenjo-Daro na may 250
ektarya.
Napatunayang mas matanda
ito kaysa sa unang taya. Ito ay
sibilisasyon na noon pang 700
BCE. Nakita rin na marami sa
mga bayan ang nasa tabi ng ilog
Sarawati, ang pinakasagradong
ilog ng mga Aryan. Kaya
masasabing angkop din itong
tawaging sibilisasyon Indus-
saraswati.
Ang Sibilisasyon ng Indus Valley (IVC), o
Sibilisasyon ng Harappan, ay isang sibilisasyon
ng Bronze Age (3300-1300 BCE; mature
period 2600-1900 BCE) pangunahin sa
northwestern na rehiyon ng Timog Asya, na
umaabot mula sa kung ano ngayon ang
hilagang-silangan ng Afghanistan sa Pakistan
at sa hilagang-kanluran India.
Nagsimula ang unang sibilisasyon sa gawing
Timog ng Asya sa Lambak ng Indus sa India.
Ang India ay Nahahanggahan ng Afghanistan,
China, Nepal at Bhutan sa Hilaga; Bangladesh,
Myanmar at Look ng Bengal sa Silangan; Palk
strait, Golpo ng Myanmar at Indian Ocean sa
timog; Arabian Sea at Pakistan sa kanluran.
Ang mga katangian
ng sibilisasyong ito
ay ang mga
sumusunod:
"Agrikultura
Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay
agrikultura. Malawak ang kanilang sakahan. Daan-daan
ang mga komunidad at may mahabang sistema ng mga
kanal pang-irigasyon. Trigo at barley ang tanim sa
kapatagan at millet sa mas tuyong bahagi sa Gujarat.
May palay rin na pangkalakal at mga gulay.
Sagana ang kanilang ani at kanyang suportahan ang
mga nasa lungsod na hindi nagsasaka. Gumamit din sila
ng araro at iba pang teknolohiya sa pagsasaka.
"Trigo" "Barley"

"Millet"
"Pamahalaan at
Lipunan"
Walang makitang tanda ang mga arkeologo na may mga namumuno sa
mga lungsod. Mistulang mga mangangalakal at pinunong panrelihiyon
ang makapangyayari. Wala ring natagpuang tanda o monumento na
nagbigay-pugay sa isang pinunong mandirigma. Wala ring nakitang mga
larawan ng digmaan o labanan sa mga disenyo ng mga banga, at maliliit
na selyong luwad. Wala ring larawan ng mga palasyo ng mga hari,
mandirigma, o pari.
Ang pagkakahati ng mga tao sa lipunan ay makikita sa natagpuang
dalawang uri ng mga bagay na pandekorasyon kagaya ng butones, suklay,
at ipit ng buhok. Ang ilan ay yari sa ginto, pilak, at ivory na maaaring
gamit ng mayayaman samantalang angiba ay yari sa kabibe, buto, at
tanso.
Makikita rin ang pagkakahati sa uri ng tirahan. Ang lungsod ay
"Pagplano ng Bayan,
Inhenyeriya, at
Arkitektura"
Maayos ang pagkakaplano ng mga lungsod. Ang mas mataas na bahagi
(citadel) ay yari sa putik at bato at napaliligiran ng bakod. Nasa loob nito ang
dalawang tampok na bahadi, ang imbakan ng butil (granary) at ang malaking
paliguan (Great Bath). Ang imbakan ay maaaring para sa mga butil na alay o
kaya ay sapilitang kinuha sa mga tao. Samantala, ang Great bath na malaki at
yari sa bato may bitumen ay maaaring ginagamit sa ritwal ng pagliligo.
Kagaya ng mga lungsod, ang bayan ay maayos na hinati sa mga blokeng
nakahilera mula hilaga patimog at mula kanluran pasilangan. Ang mga kalsada ay
may bakod na nagtataglay ng mga tarangkahan.
Maraming bahay ang may balon, silid na paliguan, at palikuran. May daanan
ng gamit na tubig palabas ng bawat bahay papunta sa ilalim ng kalsada na
dumadaloy sa isang poso negro sa labas ng lungsod. Ang sistemang ito ay higit
na maganda kaysa sa mga nasa Mesopotamia.
Ang mga bahay ay yari sa pinatuyong putik (mud bricks) at may dalawang
palapag o higit pa. May ilang malalaking bahay na umaabot sa pito ang silid.
"Granary" "Great Bath"

"Bahay yari mud bricks"


"Relihiyon"
Walang malalaking templo o gusaling panrelihiyon sa mga bayan at lungsod.
Marahil ay wala ring mga paring namumuno.
Sa halip ay may malaking paliguan na ginawa sa mataas na lugar sa ilang
lungsod. Mayroon ding mga hagdanan sa tabi ng ilog kung saan isinasagawa ang
paliligo at isinasagawa ang ritwal ngpaglilinis ng katawan at kaluluwa. Ang
pagpapanatili ng kalinisan ay makikita rin sa mga paliguan sa bahy at sa sistema ng
pagtatapon ng tubig. Nakikita pa rin ito ngayon sa ritwal ng paglilinis ng mga
Hindus sa Ilog Ganges.
Marami pang tala ukol sa relihiyon ang nakita sa maliliit na selyong luwas (clay
seals) at pigurin. May larawan ng mga hayop na elepante, kalabaw, tigre, at
unicorn. May mga pigurin ng Inang Diyos (Mother Goddess), na pinaniniwalaang
si Shiva at simbolo ng kakayahan magkaanak.
Bahagi ng relihiyon ang pagsamba sa mga puno. aMaraming selyo ang larawan
ng mga banal na puno kagaya ng pipal. Pinaniniwaolaang ito ay sagrado at tirahan
ng mga banal na espiritu. Ito ang uri ng puno kung saan nagmuni-muni si Buddha.
"Great Bath " "Selyong Luwad"

"Inang Diyos
(Mother Goddess) "
"Hinduismo" "Budismo"
"Sining"
Mahusay sa sining ang mga taga-Harappa. Nakagawa sila ng mga ulo ng
tao na yari sa carnelian, agate, amethyst, turquoise, at lapis lazuli; at mga
pulseras sa kabibe, faience, at luwad. Nag-ukit din sila ng ivory at
gumagawa ng mgamangkok at sandok mula sa kacice. Mayroon ding mga
kagamitang yari sa tanso at mga alahas na ginto at pilak. Marunong din
silang gumawa ng mga banga, nag-ukit ng bato, maghabi ng damit at
alpombra (carpet), gumawa ng kagamitan yari sa kahoy, at magtayo ng
magagandang bahay. Magaganda ang mga selyong luwad na ginawa nila.
Maliban sa mga gawang-kamay at selyo, nakatagpo rin ng mga itlog ng
othrich, na inukit na dibuho sa dingding at kisame ng mga kuweba, arko,
maskara, at mga laruan. Bahagi rin ng kultura nila ang pagsayaw,
eskultura, at musika.
"Ekonomiya"
Ang mga seyong luwad ay nagpakita rin ng kanilang ekonomiya.
Hanapbuhay nila ang pagsasaka at pag-aalaga ng hayop. Ang mga
disenyo ng bangka ang nagpakita na nakipagkalakalan sila sa Oman,
Bahrain, Sumer, Afghanistan, Turkmenistan, Iran, at Iba pa. Ang mga
produkto ng kalakan ay sari-saring mga gawang kamay. Sa pagdadala
ng kalakal sa ibang bayan, gumamit sila ng mga kariton na hinihila ng
baka at mga bangka.
May mga kagamitan at paraan sila sa pagtitimbang at pagsukat. Mga
batong parisukat at triyanggulo ang karaniwang gamit sa pagtimbang.
Mayroon sin silang paraan ng pagsukat ng haba, laki, at oras.
"Paraan ng Pagsulat
"
Maraming mga titik at simbolo ang kasama sa mga
selyo,pigurin,banga,at iba pa na kinapapalooban ng humigit-kumulang sa
30 titik at higit sa 40 simbolo sa taya ng mga siyentipiko,ito ay isinulat
mula kanan pakaliwa.Gayunpaman,hindi pa gaanong nabibigyang-
kahulugan ang mga ito.
Ang sibilisasyon sa Indus ay nawala sa paglipas ng panahon.Maaaring ito
ay dahil sa pagbabago ng kilma sa lugar.Lumamig ang klima noong
bandang 1800 BCE.Nagbago ang daan ng tubig ng ilog at dumako ito sa
timog-silangan kung saan naroon ang Ilog Ganges ngayon.Ang dating
produktibong mga sakahan ay natuyo at hindi na makasuporta ng
populasyon.Lumipat ng tirahan ang mga tao at nawala ang mga komunidad
sa lambak ng Saraswati.
Thank you for
listening!

You might also like