Pagbasa at Pagsusuri Modyul 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Modyul 1

Ang Proseso ng
Pagbabasa
Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong susundin mo upang mauunawaan
ang iyong babasahin? Lagyan ng bilang ang patlang ayon sa nais na pagkakasunod-sunod.

___ Pagbuo ng hinuha


___ Pagtatalakay
___ Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar
___ Pag-uugnay ng binasa sa karanasan.
___ Pagbasa sa teksto
___ Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa
babasahin teksto.
___ Pag-uusap sa pamagat ng teksto.
 Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos,
pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at
anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan
ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan
at suriin upang maunawaan. Ang sagisag na ito
ang nagsisilbing instrumento upang mabigyang
kahulugan ang mga kaisipang gusto ipahayag.
 Ngunit tandaan nating hindi lahat ng
layunin ng manunulat sa kaniyang akdang
nilikha ay natatamo o naisasakatuparan ng
isang mambabasa.
 Ang pagbasa ay isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika na mahalaga sa pakikipagtalastasan.
Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay
mula sa ating binasa. Maaari nating libutin ang buong
daigdig sa pamamagitan lamang ng pagbabasa.
 Matatarok natin ang lalim ng kaalaman at nahahawan
ang landas ng karunungan sa iba;t ibang larangan-
sining, agham, teknolohiya, kasaysayan, pulitika,
lipunan at iba pa. Namumulat tayo sa katotohanan at
nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuha para sa
ating ibayong kapakinabangan.
Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbabasa
• Isang pisyolohikal na proseso ang pagbabasa dahil
sangkot dito ang mga mata na siyang ginagamit natin
upang makita, matukoy, makilala ang mga imahe at
simbolo. Sa tuwing tayo’y nagbabasa, ang simbolo o
imahe ay mga liwanag na tumatama sa retina ng ating
mata. Nagkakaroon ng mga pagbabagong kemikal na
dumadaloy sa ating ugat patungo sa cerebral cortex,
ang sentro ng ating utak na nagbibigay ng
interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo.
Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa
• Ayon sa organisasyong SEDL, dating kilala
bilang The Southwest Educational
Development Laboratory, na gumagawa ng
mga pananaliksik pang-edukasyon, may
dalawang pangunahing hakbang sa
kognisyon: ang pagkilala (decoding) at pag-
unawa (comprehension).
Iba’t ibang antas ng
pagkaunawa(comprehension)
1. Pag-alam sa literal na kahulugan o unang antas
ng pagkaunawa sa binasa.
2. Pagbibigay kahulugan sa nabasa.
3. Paggamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa.
4. Paghuhusga o pagtatasa sa nilalaman ng
tekstong binabasa.
Komunikatibong Aspekto
ng Pagbasa
• Ang wika ay napakahalagang kasangkapan
sa pakikipagtalastasan. Bawat wika ay may
kaniya-kaniyang estruktura at kahulugan na
kailangang alamin upang maunawaan ang
impormasyong ipinahahayag nito.
Panlipunang Aspekto ng
Pagbasa
• Isang panlipunang gawain ang pagbasa. Kahit saan
magpunta at kahit saan tumingin ay napakaraming
maaaring basahin. Sa kasalukuyan, ang
pinakamaimpluwensiyang pinagkukunan ng ideya at
kaalaman ay ang Internet. Sari-saring impormasyon ang
makukuha mula rito, halimbawa ay ang mga isyung pinag-
uusapan at binabasa ng nakararami.
Proseso ng Pagbasa
• Isang kumplikadong proseso ang pagbasa sapagkat
maraming kasanayan ang nililinang at kailangang
malinang upang maging epektibo ito. Masasabing
mahusay at mabisa ang pagbasa kung natutukoy ang
layunin ng binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at
teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa
susunod na pangyayari sa binasang akda, naiuugnay ang
dating kaalaman at karanasan upang mauunawaan ang
kahulugan ng binasang teksto.
Mga Hakbang sa Pagbabasa
1. Pagkilala
2. Pag-unawa
3. Reaksiyon
4. Pag-uugnay
A. Pagkilala sa nakalimbag na salita at
pag-unawa sa kahulugan nito
(Metacognitive na Pagbasa)
• Upang makabasa ang isang tao, kailangang
may kakayahan siyang kilalanin ang nakasulat
na salita. Kung mayroon siyang kakayahang
bigkasin ang salita, nangangahulugang
nakikilala at nauunawaan niya ang salitang
binibigkas.
• Ang pag-unawa sa mga salita ay nakapaloob
sa dalawang mahahalagang kasanayan:
1. Pagkilala sa mga salitang binabasa at
binibigyan ng kaukulang kahulugan.
2. Pag-unawa, pag-aayos, at pagbibigay-anyo
sa tekstong binasa. Tatlong elemento ang
isinasaalang-alang dito:
1. Kaalaman sa kahulugan ng salita o bokabularyo

• Isang napakahalagang salik sa pagkatutong


bumasa ang lawak ng kaalaman sa talasalitaan.
Kadalasan, kapag hindi natin maunawaan ang
kahulugan ng salita, hinahayaan na lamang
natin ito at nilalampasan. Itinutuloy pa rin natin
ang pagbabasa na nagiging dahilan upang hindi
natin maunawaan ang ating binasa.
2. Pag-unawa sa pangungusap o
kaalaman sa syntax
• Ang syntax ay isang sangay sa disiplina ng lingguistika na
sumusuri kung paanong ang mga salitang nakapaloob sa
isang pahayag ay nagkakaugnay-ugnay. Mahalagang
aspekto ng syntax ay kung paanong ang bawat bahagi ng
pananalita ay nagkakaugnay-ugnay.Tinitignan din kung
paano mapag-uugnay-ugnay ang mga salita upang
makabuo ng isang wasto at angkop na pangungusap.
Bawat wika ay may kaniya-kaniyang estruktura at
kakayahan.
• Sa wikang Filipino, ang wastong ayos ng
pangungusap ay nasa anyong panag-uri +
simuno o kaya ay simuno + panag-uri.
Samakatuwid, ang paksa sa Filipino ay
maaaring nasa unahan ng panag-uri, at
maaari ding nasa hulihan.
3. Pag-unawa sa kabuuan ng
pahayag

• Ang isang mambabasa ay may


kakayahang suriin ang sariling
paraan ng pagpoproseso ng
impormasyon.
Teorya sa Pagbabasa
• Teoryang Bottom-up o Teoryang
Ibaba-Pataas
B. Interaktibong Proseso ng Pagbasa
• Ayon kay Emerald Dechant (1991), ang pag-unawa ay
basehan ng pagbibigay ng kahulugan at ang kahulugan
ay inilalahad sa pamamagitan ng mga nakalimbag na
titik at hindi mula sa mga mismong teksto.
• Sinang-ayunan din ito ni McCornick (1998). Ayon sa
kaniya, ang pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa
teksto at hindi sa pagkuha ng kahulugan mula sa
teksto.
MARAMING
SALAMAT


You might also like