Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Malasiqui Agno Valley College

Malasiqui, Pangasinan

Group 2
PAKSA: “MACBETH”
 William Shakespeare
Ano ang Dula ?
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang
dula sa pamamagitan ng panonood.
 William Shakespeare (1564-1616)

Ang "Makata ng Makata." Naging tanyag na


manunulat sa Ginintuang Panahon ng Inglatera sa
pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga
sinulat niya ay ang mga walang kamatayang dula
gaya ng; "Julius Caesar" "Romeo at Juliet"
"Hamlet" "Anthony at Cleopatra" at "Scarlet".
LAYUNIN:

Ang mga mag-aaral ay maasahang:

a.) maiugnay ang dulang Macbeth sa kasalukuyan;

b.) maipaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito

c.) mabigyang halaga ang kahalagahan ng Dula sa ating pang-araw araw na


buhay sa pamamagitan ng pagsusulat ng maikling Iskrip.
Mga Tauhan sa Kwento :
• Macbeth - naging hari ng Scotland at pumatay kay haring Duncan
• Banquo - isang heneral at kaibigan ni Macbeth
• Manghuhula - may nakakatakot na itsurang tilang mga bruha
• Haring Duncan - kasalukuyang hari ng Scotland at tunay na mabait sa kanyang
nasasakupan
• Lady Macbeth - asawa ni Macbeth
• Macduff - isang kabalyerong pinagkakatiwalaan ng hari na nakadiskubrw ng bangkay
at nag suspetsa sa naganap na pag patay
• Malcolm - anak ni haring duncan at tagapagmana ng kaharian
Si Macbeth at ang kaiban niyang si Banquo, kapwa mga heneral ng
kaharian ng Scotland na pinamumunuan ni Hairng Duncan, ay papauwi na
mula sa matagumpay nilang pakikidigma sa dalawang hukbong
magkahiwalay na sumalakay sa kanilang kaharian. Nakasalubong ng
magkaibigan ang tatlong manghuhulang may nakakatakot na itsurang tila
mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng mga tao. Binati nila si Macbeth
bilang Thane ng Glamis (na siya niyang tunay na titulo) at Thane ng
Cawdor (na kanyang pinagtakhan dahil hindi naman siya Thane ng
Cawdor). Sinabi rin nilang magiging hari siya balang araw. Kay Banquo
naman ay sinabi ng mga manghuhula na magmumula sa kanyang lahi ang
magiging tagapagmana ng korona.
Nang tanungin ni Maebth si Banquo kung umaasa ba siyang sa lahi niya magmumula ang magiging
tagapagmana, ipinagkibit-balikat lang niya ito at sinabing ang demonyo minsan ay nagsasaad ng
kalahating katotohanan upang maakit ang taong gumawa ng makasasama sa sarili. Nang magkita sina
Haring Duncan at ang dalawang heneral ay nagpapasalamat nang labis ang hari sa kanilang kabayanihan
at saka inihayag na ang gusto niyang maging tagapagmana ng trono ay ang kaniyang anak na si Malcolm.
Sumulat si Macbeth sa asawang si Lady Macbeth upang ipaalam ang planong pagdalaw ng hari gayundin
ang mga sinabi sa kanya ng tatlong manghuhula. Nang Mabasa ni Lady Macbeth ang liham ng asawa
tungkol sa inihayag ng tatlong manghuhula ay labis niyang inasam na mapunta ang trono sa kanyang
asawa at ang naiisip lang niyang paraan ay ang pagpatay ni Macbeth ang kagustuhan ng asawa subalit
hindi niya maatim na gawin ito dahil napakabuti ng hari at wala siyang dahilan para patayin ito maliban sa
kanyang ambisyon subalit ikinagalit ito ng labit ni Lady Mcabeth. Pinagsabihan siyang duwag at
kinuwstiyon ang kanyang pagkalalaki Pagkatapos ay sasaksakin ni Macbeth ang natutulog na hari at ang
dugo’y ipapahid sa dalawang guwardiya upang sila ang magbintangan. Nakumbinsi si Macbeth at
kinagabiha’y isinagawa nga nila ang planong pagpatay sa hari. Kinabukasan, natuklasan ni Macduff, isa
pang maginoong pinagkakatiwalaan ng hari ang kanyang bangkay. Ang krimen ay ibinintang ng mag
asawang Macbeth.
Ang hindi alam ni Macbeth ay tumakas na pala si Macduff upang pumanig kay Malcolm.
Sinubok muna ni Malcolm ang katapangan ni Macduff bago niya ito tinanggap. Nang
malaman ni Macbeth ang ginawang pagpanig ni Macduff kay Malcolm Ay agad niyang ipinag-
utos na kubkubi ang kastilyo nito at ipapatay ang asawang si Lady Macduff at ang kanilang
mga anak. Galit na galit at labis na nagdadalamhati si Macduff nang makarating sa kanya ang
ginawa ni Macbeth sa kanyang pamilya at sumumpang ipaghihiganti ang nangyari sa kanila.
Bumalik sila ni Malcolm sa Scotland kasama ang sampung libong sundalong ipinahiram ni
Haring Edward para labanan ang hukbo ni Macbeth. Sa kabilang dako, si Lady Macbeth au
unti-unti nang inuusig ang kanyang konsensiya. Siya’y naglalakad sa kanyang pagtulog at
ipinagpilitang may dugo ang kanyang mga kamay na hindi kayang hugasan ng tubig. Bago
dumating ang kalaban ni Macbeth ay nakarating sa kanya ang balitang nagpakamatay ang
kanyang asawa. Ikinabagabag niya ang balitang ito subalit lalo pa niyang pinalakas ang
puwersa sa Dunsinane at inisip na dahil sa sinabi ng mga manghuhula ay hinidi siya matatalo.
Gayumpama’y labis siyang natakot nang malamang ang hukbo ninan
Malcolm at Macduff ay paparating na at may dalang pinutolna mga sanga
mula sa kagubatan ng Birnam Wood upang maikubli ang tunay nilang bilang.
Nangyari na ang isa sa mga hula. Nakipaglaban nang buong giting si
Macbeth subalit malakas ang hukbo mula sa englang. Unti-unting natalo ang
kanyang hukbo at nang magkaharap sila ni Macduff ay sinabi nitong hindi
siya iniluwal ng kanyang ina kunti mula sa sinapupunan ng kanyang ina,
siya’y tinanggal upang mailabas (ito ang kilala natin ngayong CS o
panganganak sa pamamagitan ng Cesarean Section). Kahit alam na niyang
matatalo siya ay ipinagpatuloy pa rin ni Macbeth ang pakikipaglaban
hanggang sa mapatay siya ni Macduff. Si Malcolm, anak ni Haring Duncan
ang itinanghal na hari ng Scotland.
MARAMING
SALAMAT

You might also like