kaguluhan, ang landas walang patutunguhan. Kaibigan, ano kaya ang kahahantungan? Ngunit salamat ako’y natagpuan, binigyan niya ng kapayapaan. Tanging kay Hesus mayroong tagumpay. KORO:
Siya ang aking
patnubay. Siya ang aking gabay. Siya sa aki’y nagbigay buhay. Si Hesus ang katotohanan. Si Hesus ang daan. Siya ang tanging Panginoon magpakailanman. At ngayon sa aking buhay, sa tuwina Siya’y nagbabantay. Ang pag-ibig niya’y tunay na walang kapantay. Hinding-hindi na ako mangangamba, si Hesus laging kasama. Siya’y sa akin at ako’y sa kanya. KORO:
Siya ang aking
patnubay. Siya ang aking gabay. Siya sa aki’y nagbigay buhay. Si Hesus ang katotohanan. Si Hesus ang daan. Siya ang tanging Panginoon magpakailanman.