Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Aralin 12.

3
Pang-abay na Pamanahon,
Panlunan at Iba Pang Uri ng Pang-
abay.
I.Layunin:
Natutukoy ang mga Pang-abay at
mga uri nito (PP8WG-Ib-4)
Nagagamit nang wasto ang mga
kaalaman sa pang-abay (F8PN-Id-
f-21)
Ang pang-abay ay mga salitang
nagbibigay-turing sa isang
pandiwa, pang-uri, at kapuwa
pang-bay.
 
1.Pamanahon- Nagsasaad ng panahon
kung kalian ginawa ang kilos ng pandiwa.
Sumasagot sa tanong sa kalian.
Halimbawa:
 Naglakbay sina Juan sa mundok kahapon.
 Ang ating paaralan ay ipintayo noong pang
ikasampung siglo
2.Panlunan- Nagsasaad ng pook at lugar
na pinangyarihan ng kilos. Sumasagot
sa tanong na saan.
Halimbawa:
 Sa buong mundo lumaganap ang
Covid-19 Pandemic.
 Ang Odizee School of Achievers, Inc. ay
matatagpuan sa Alicia, Isabela.
3. Pamaraan- Nagsasaad kung paano
ginaganap ang kilos na sumasagot sa
tanong na paano.
Halimbawa:
 Masayang isinagawa ang taunang
Intramurals sa Odizee School of Achievers
 Tumakbo ng mabilis si Ben dahil sa
hinabol siya ng aso
4.Pang-agam- Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o
kawalang katiyakan/nagbabadya ng kawalan ng
katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit
ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari,
parang, atb.
Halimbawa :
 Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa
desisyon ng Sandiganbayan.
 Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa
Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
5. Ingklitik- Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos sa unang
salit sa pangungusap. May 16 na kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ang
sumusunod
  man kasi sana nang
 
  kaya yata tuloy lamang/lang
  din/rin ba pa muna
 
  pala na naman daw/raw
Halimbawa:
 Nailigtas daw ang mga minerong nabarahan sa minahan.
 Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.
 Kumain muna sila bago umalis.
 Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
6.Benapaktibo- Ang tawag sa pang-abay na
nagsasaad ng benipisyo para sa isang tao. Ito
ay karaniwang binubuo ng parilalang
pinapangunahan ng para sa.
Halimbawa:
Ang mga donasyon ay gagamitin para sa
ikagaganda ng ating paaralan.
Mag-aral ka ng mabuti para sa iyong
kinabukasan.
7.Kawsatibo- Ito naman ang tawag sa pang-abay na
nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng
pandiwa. Ito’y makikilala sa parilala o sugnay na
pinapangunahan ng dahil sa.
Halimbawa:
Dahil sa Pnademic Covid-19, nagging online class
ang pag-aaral sa buong bansa.
Hindi nakapasok sa paaralan si Anna, dahil wala
siyang baon.
8.Kondisyonal- Pang-abay na nagsasaad ng
kondisyonal para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay may mga sugnay o parilalang
pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at paga.
Halimbawa:
Magiging maunlad ang isang bayan kung susuport
ang bawat mamamayan.
Mabilis na mawawala ang Covid-19 kapag
sumunod ang mga taong bayansa mga
protocol.
9.Pang-ayon- Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng
pagsang-ayon. Ang mga halimbawa nito ay oo,
tunay, talaga, totoo, sadya, at iba pa.
Halimbawa:
Tunay na Malaki ang kontribusyon ng mga Doctor
pagpuksa sa Covid-19.
Malaki na ang pinag bago ng kaniyang buhay, totoo
ngang kapag may tiyaga mararating mo lahat ng
iyong pangarap.
10.Pananggi- Ito naman ang mga pang-
abay na nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng
hindi/di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi naman tatagal ng ganito an gating
Quarantine kung marunong lang tayong
sumunod sa mga payo ng pamahalaan.
Pagtataya
Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Tukuyin ang pang-abay na
ginamit sa bawat bilang.
1. Sa India nagsimula ang larong chess.
2. Naimbento ito noong bago pa mag-ikaanim na siglo.
3. Masayang nilaro ng mga tao ang larong ito.
4. Hindi ako marunong maglaro nito kaya manonood nalang ako.
5. Madali raw matutuhan ang laro.
6. Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
7. Tumagal nang dalawang oras ang pagtuturo niya sa akin.
8. Totoong maganda ang larong ito.
9. Marahil matatalo mo na ako ngayon.
10. Ang gumagaling sa larong ito ay ‘yong mga masigasig matuto.
 
Pangwakas na Gawain.
Panuto: Gumawa ng tig dalawang halimbawa ng pang-abay na tinalakay

You might also like