Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

AP

Q1
BUOD AT REPLEKSYON NG
BAWAT ARALIN SA UNANG
MARKAHAN SA ARALING
PANLIPUNAN
Nicolai Angelo C. Marquez 9-1 Mrs.Aliswag
NILALAMAN NG PRESENTASYON:
BUOD AT BUOD AT BUOD AT
REPLEKSYO REPLEKSYO REPLEKSYO
N:
Aralin 1: Kahulugan at Pag-
N:
Aralin 3: Alokasyon at
N:
Aralin 5: Mga Salik na
aaral ng Ekonomiks Sistemang Pang-ekonomiya Nakakaapekto sa
Pagkonsumo
BUOD AT BUOD AT BUOD AT
REPLEKSYO REPLEKSYO REPLEKSYO
N:
Aralin 2: Pamamahala sa
N:
Aralin 4: Mga Salik ng
N:
Aralin 6: Mga Karapatan at
Pangangailangan Produksyon at ang Implikasyon Tungkulin bilang Isang Mamimili
nito sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay ng Tao
Q1 W1
M1
Aralin 1:Kahulugan at
Pag-aaral ng
Ekonomiks
Pahina:3

BUOD (gRAPHIC ORGANIZER) :

Ekonomiks-Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Oikos ay nangangahulugang bahay o Nomos ay nangangahulugang


tahanan. pamamahala.

Bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral ang ekonomiks. Mayroon lamang mga kaisipan ang ekonomiks
na ginagamit sa pag-aaral ng batas at pamahalaan. Ang mga kaisipan sa ekonomiks ay unang sumikat sa sinaunang Greece.
Samantalang ang interest sa pag-aaral ng ekonomiks ay mula pa sa panahon nina Aristotle at Thomas Aquinas. Ang mga
Physiocrat ang itinuturing noon na mga ekonomista. Sa pag-usbong ng ekonomiks may nabuong dalawang dibisyon.

Makroekonomiks-pag-aaral tungkol sa ekonomiya ng


Maykroekonomiks-sumasarili sa pamilihan at sa galaw bansa at kung gaano ito pamamahalaan ng
ng presyo ng mga produkto. pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t ibang polisiya at
patakaran.

DEMAND SUPPLY PATAKARANG PATAKARANG


PISIKAL PANANALAPI
BUOD (GRAPHIC
ORGANIZER) :
Sosyolohiya-pag-aaral ng Antropolohiya-pag-aaral
kilos at gawi ng mga tao sa ng mga tao sa iba't ibang Kasaysayan-pag-aaral ng
lipunan, ang mga panahon ng pag-iral upang nakaraan o pinagdaanang
pinagmulan, pag-unlad, at maunawaan ang pag-iral ng isang grupo,
pagkabuo ng mga samahan kompleksidad ng mga komunidad, lipunan, at mga
at instutusyong panlipunan. kultura. pangyayari.

Agham Pampulitika-ay
MGA DISIPLINA NA KABILANG SA WALONG (8) tungkol sa pag-aaral ng mga
DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN: konsepto at prinsipyo tungkol
Sikolohiya-pag-aaral ng
sa pamamahala ng isang
kilos, pag-iisip, at gawi ng Agham Pampulitika, Antropolohiya, Ekonomiks, lipunan na may tiyak na
tao. Heograpiya, Kasaysayan, Pilosopiya, Sikolohiya at teritoryo. Sa Agham
Sosyolohiya Pampulitika rin natin inaalam
ang mga elemento ng Estado,

Ekonomiks-ang agham na
Heograpiya-ay isang
pinag-aaralan ang pag-
larangan ng agham na Piilosopiya- ay ang
uugali ng tao bilang isang
pinag-aaralan ang mga mapagkilatis na pag-aaral
ugnayan sa pagitan ng
lupain, katangian, sa mga pinakamalalim na
mahirap gawin ay
naninirahan, at hindi katanungan na maaaring
nangangahulugang
karaniwang bagay sa itanong ng sangkatauhan.
pagkakaroon ng
Daigdig.
alternatibong paggamit
BUOD
(BULLET) :
•Target ng paglago ng ekonomiya sa 2021, ibinaba sa 4-5%

•Ekonomiks-isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.
Oikos-bahay o tahanan.
Nomos-pamamahala.

•Bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral ang ekonomiks. Mayroon lamang mga kaisipan ang ekonomiks na ginagamit sa pag-aaral ng batas at pamahalaan.
Ang mga kaisipan sa ekonomiks ay unang sumikat sa sinaunang Greece. Samantalang ang interest sa pag-aaral ng ekonomiks ay mula pa sa panahon nina Aristotle at Thomas
Aquinas. Ang mga Physiocrat ang itinuturing noon na mga ekonomista.

Maykroekonomiks-sumasarili sa pamilihan at sa galawa ng presyo ng mga produkto. (Demand at Supply)


Makroekonomiks-pag-aaral tungkol sa ekonomiya ng bansa at kung gaano ito pamamahalaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t ibang polisiya at patakaran. (Patakarang
Pisikal at Patakarang Pananalapi)

•MGA DISIPLINA NA KABILANG SA WALONG (8) DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN:


1.Agham Pampulitika-ay tungkol sa pag-aaral ng mga konsepto at prinsipyo tungkol sa pamamahala ng isang lipunan na may tiyak na teritoryo. Sa Agham Pampulitika rin natin
inaalam ang mga elemento ng Estado.
2.Antropolohiya-pag-aaral ng mga tao sa iba't ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura.
3.Ekonomiks-reyna ng agham panlipunan.
4.Heograpiya-isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.
5.Kasaysayan-pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo, komunidad, lipunan, at mga pangyayari.
6.Piilosopiya-mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan.
7.Sikolohiya-pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao.
8.Sosyolohiya-pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag-unlad, at pagkabuo ng mga samahan at instutusyong panlipunan.

•Isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa kapaligiran.
repleksyon (essay):
Sa pagbuo ko ng presentasyon sa loob ng isang araw, at pananaliksik sa iba’t ibang diksyunaryo at aklat ay marami akong detalye’t
kaalamang natutuhan. Kaya sa parteng ito ng aking repleksyon ay iyong malalaman ang mga impormasyong aking natutuhan tungkol
sa usaping ekonomiks. Una, ang natutuhan ko ay ang isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman na mas kilala sa katawagang
ekonomiks, kasama na rin sa unang bilang na ito ang pinagmulan ng salitang ekonomiks na nagmula sa salitang Griyego na oikonomia
na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos na nangangahulugang bahay o tahanan at nomos na ang ibig sabihin ay pamamahala.
Kasama na rin dito ang kasaysayan nito na bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral ang ekonomiks. Mayroon
lamang mga kaisipan ang ekonomiks na ginagamit sa pag-aaral ng batas at pamahalaan. Ang mga kaisipan sa ekonomiks ay unang
sumikat sa sinaunang Greece. Samantalang ang interest sa pag-aaral ng ekonomiks ay mula pa sa panahon nina Aristotle at Thomas
Aquinas. Ang mga Physiocrat ang itinuturing noon na mga ekonomista.

Ikalawa ang dalawang dibisyonng ekonomiks at walong disiplina ng Agham Panlipunan, ito ay may dalawang dibisyon ang
maykroekonomiks at makroekonomiks, ang maykroekonomiks ay sumasarili sa pamilihan at sa galaw ng presyo ng mga produkto
(Demand at Supply). Samantalang ang makroekonomik naman ay ang pag-aaral tungkol sa ekonomiya ng bansa at kung gaano ito
pamamahalaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t ibang polisiya at patakaran (Patakarang Pisikal at Patakarang Pananalapi).
Samantalang ang walong (8) disiplina ng agham panlipunan ay: Agham Pampulitika, Antropolohiya, Ekonomiks, Heograpiya,
Kasaysayan, Pilosopiya, Sikolohiya at Sosyolohiya at ang mga kani-kanilang kahulugan. At para naman sa huli ang natutuhan ko ay
ang dahilan kung bakit tinawag na reyna ng Agham Panlipunan ang Ekonomiks kumpara sa 8 na disiplina nito. Ang agham panlipunan
ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa
at sa kapaligiran. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Hinubog ang ekonomiks ng mga kaisipan at pamamaraan ng iba't-ibang sangay ng kaalaman tulad ng agham, batas, matematika, at
pilosopiya.
REPLEKSYON (PICTURE
COLLAGE):

Ang ekonomiya ang tutugon sa walang sawang katapusang


pangangailangan at kagustuhan ng lahat. Ito ay nakakaapekto sa
paggalaw at pagbabago ng kalagayan ng daigdig, kaisipan,
pananaw at desisyon ng bawat indibidwal sa kani-kanilang
pananaw sa buhay.
Q1 W2
M2
TASK #1: Makapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan.

A. Pag- aralan ang sumusunod:


1. 5 R's of Sustainability:
2. Tungkuling Panlipunan

B. Bilang kabataan, Ipaliwanag ang mga hakbang upang gawin sa tahanan o pamayanan ang :
1. Ilapat sa sariling tahanan ang gawi na 5 R's of Sustainability
2. Isabuhay ang simple at masayang pamumuhay
BUOD (gRAPHIC ORGANIZER):
Tungkulin natin sa lipunan o komunidad na ating kinabibilangan. Una, tungkulin natin na maging
Sa mundo natin na may kasabihan na kapag may tiyaga may isang huwarang mamamayan ng ating komunidad. Ikalawa, tungkulin natin na sumunod sa mga
nilaga at kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming ipinapatupad na batas ng ating lugar o ng ating bansa upang ang ating buhay ay maging isang
matagumpay. Ikatlo, tungkulin natin na mapanatili ang kaayusan at kalinisan lalo na ng ating
dahilan sa bawat problemang ating kinakaharap tulad na lamang sa kapaligiran, huwag natin itong hayaang maging bundok o lugar ng kalat. Ikaapat, tungkulin natin na
usaping kakapusan. Maraming pamamaraan ang puwedeng panatilihin ang kapayapaan at katahimikan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang lipunan o
komunidad na walang labanan o awayan na nagaganap o magaganap. Ikalima, tungkulin natin na
maisagawa natin bilang isang indibidwal upang malabanan ang magbayad ng tamang halaga ng buwis na nakatalaga at huwag pagnakawan o nakawin ito. Ikaanim,
kakapusan. Pero may apat na pangunahing pamamaraan na tungkulin din natin na sundin ang utos ng mga taong matataas sa atin sa pamamagitan ng paggawa
nangunguna kumpara sa iba, Ito ay ang pagpapalago ng ekonomiya ng mga gawaing kanilang inatasan sa atin na siyang makakabuti rin para sa atin. Ikapito, tungkulin
natin na mahalin at alagaan ang ating kapwa sa pamamagitan ng pagtrato rito bilang isang taong
at tamang alokasyon ng pinagkukunang-yaman, ang pagpataw ng kagaya natin na may hanagarin sa buhay na maging payapa at tahimik. Ikawalo, tungkulin natin na
buwis ng pamahalaan, paglinang sa kakayahan at ang pagbabawas gamitin nang wasto ang mga pasilidad at pampublikong kagamitan na hindi natin pag mamay-ari. At
pangsiyam o panghuli ay tungkulin natin na mag aral nang mabuti upang makatulong tayo sa bansa
ng pangangailangan. pagdating ng takdang panahon o future sa wikang Ingles.

Ang bawat tao sa mundong ating ginagalawan ay may


Ang Refuse, Reuse, Recycle, Reduce at iisang pagkakataon lamang upang mabuhay sa mundong
Repurpose o mas kilala sa maikling katawagan ito na tinatawag nating Earth sa wikang Ingles, kaya’t
na 5 r's ay nakakatulong sa ating kapaligiran o hangga’t maaari ay nararapat na piliin ng bawat isa na
kalikasan upang ito’y mapa-ayos, mapa-buti at maging payapa ang kani-kanilang buhay. Kaya ako’y
mapa-ganda nang husto, paliwanag ng bawat isa nagbigay ng 23 plus ang bonus/idinagdag ko pang isa
paraan o hakbang upang sa gayo’n ang ating o iyong
at pagbibigay ng sariling halimbawa.
pamumuhay ay maging simple’’t masaya.
repleksyon (essay):
Para sa task bilang isa (1) maraming mga impormasyon o detalye ang pumasok sa aking isipan
gayo’n din sa aking puso, na aking mapapaunlad pa hindi lang ngayon kundi pati na rin sa susunod
na pahina ng aking buhay, kaya’t sa parteng ito na mas kilala sa katawagan na repleksyon ako’y
magbabahagi sa iyo ng aking mga natutuhan na kaalaman na maaari ring tumatak sa iyong puso’t
isipan. Una ay napakaraming pamamaraan na puwedeng maisagawa natin bilang isang indibidwal
upang malabanan ang kakapusan. Pero may apat na pangunahing pamamaraan na nangunguna
kumpara sa iba, Ito ay ang pagpapalago ng ekonomiya at tamang alokasyon ng pinagkukunang-
yaman, ang pagpataw ng buwis ng pamahalaan, paglinang sa kakayahan at ang pagbabawas ng
pangangailangan. Ikalawa ay ang Refuse, Reuse, Recycle, Reduce at Repurpose o mas kilala sa
maikling katawagan na 5 r's ay nakakatulong sa ating kapaligiran o kalikasan upang ito’y mapa-
ayos, mapa-buti at mapa-ganda nang husto na akin din binigyan ng sariling paliwanag at halimbawa.
Ikalawa ang tungkuling panlipunan. Ikatlo, ang ating mga tungkulin sa ating lipunan na kilala sa
katawagang tungkuling panlipunan. At ang panghuli ay ang paraan kung paano maging simple at
masaya ang ating pamumuhay bilang isang nilalang na likha ng Diyos.
REPLEKSYON/PICTURE COLLAGE:

Napakaraming pamamaraan ang puwedeng maisagawa natin bilang isang indibidwal upang malabanan ang kakapusan. Pero may apat na
pangunahing pamamaraan na nangunguna kumpara sa iba, Ito ay ang pagpapalago ng ekonomiya at tamang alokasyon ng pinagkukunang-
yaman, ang pagpataw ng buwis ng pamahalaan, paglinang sa kakayahan at ang pagbabawas ng pangangailangan. Bilang isang parte ng lipunan
maaari rin tayong magtulungan sa pagpapalinis ng ating kapaligiran sapagkat lahat tayo ay may tungkulin dito na dapat nating gampanan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng Refuse, Reuse, Recycle, Reduce at Repurpose o mas kilala sa maikling katawagan na 5 r's, kapag ating itong
ginawa lahat tiyak na ang buhay mo o buhay ng lahat ay magiging maayos at masaya.
Q1 W2
M2
Aralin 2: Pamamahala
sa Pangangailangan
Habang patuloy na natutugunan ng 1. Physiological needs (pisyolohikal) – ang
Teorya ng Pangangailangan- mga tao ang kanilang batayang pinakamababang bahagi ng piramide 4. Esteem needs
Ayon kay Abraham Harold pangangailangan (basic needs), sila ( pangangailangang mabigyan ng
Maslow, ang pangangailangan ay naghahangad ng mas mataas na 2. Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa
pangangailangan (higher needs) nauukol sa mga pangangailangan para sa pagkakamit ng respeto sa sarili at
ng tao ay mailalagay sa isang ayon sa pagkakasunod-sunod ng kaligtasan at katiyakan sa buhay respeto ng ibang tao.
hirarkiya. Kailangan munang herarkiya. Ang paghangad ng mas
matugunan ng tao ang mga mataas na antas ay tinatawag na
pangunahing pangangailangan growth force samantalang ang 3. Love/Belonging needs 5. Actualization
(Pangangilangang makisalamuha, (pangangailangang maipatupad
bago umusbong ang panibagong paghangad ng mas mababang antas
makisapi at magmahal) – ito ay nauukol sa
pangangailangan. ay tinatawag na regressive force.
pangangailangang panlipunan
ang kaganapang pagkato) – ang
pinakamataas na antas sa
hirarkiya.

Kagustuhan – ang paghahangad Pangangailangan – ay mga bagay


ng mga bagay na higit pa sa na lubhang mahalaga upang ang

BUOD
batayang pangangailangan (basic tao ay mabuhay kabilang dito
needs). Ito ang mga bagay na ang mga basic needs – damit,
maaaring wala ang isang tao pagkain, at tirahan. Kapag
subalit sa kabila nito ay maaari ipinagkait ang mga bagay na
pa rin siyang mabuhay. nakatutugon sa mga
Hinahangad ito ng tao sapagkat pangangailangan ng tao,
ito ay magbibigay kaginhawaan, magdudulot ito ng sakit o
kasiyahan, kaunlaran, at kamatayan.
karangalan.

SALIK NA SALIK NA
SALIK NA
SALIK NA
NAKAKAIMPLUWENSIYA: NAKAKAIMPLUWENSIYA: NAKAKAIMPLUWENSIYA: NAKAKAIMPLUWENSIYA:

1.Edad- Ang 2.Antas ng Edukasyon-\ Ang 3.Katayuan sa Lipunan-Ang 4. Panlasa-istilo ng


pangangailangan at taong may mataas na pinag- katayuan ng tao sa kaniyang paggamit at gupit ng
aralan ay karaniwang mas malaki pamayanan at buhok ng mga kabataan ay
kagustuhan ay ang posibilidad na maging mas pinagtatrabahuhan ay
ibang-iba sa istilo ng mga
nagbabago ayon sa edad mapanuri sa kanyang nakakaapekto rin sa kaniyang
pangangailangan at kagustuhan. pangangailangan at kagustuhan. nakatatanda.
ng tao.
repleksyon (essay):
Sa Yunit 1: Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks Aralin 2: Pamamahala sa pangangailangan ay napakaraming kaalaman ang tumatak sa aking
puso’t isipin na tiyak na aking magagamit sa mahabang panahon o sa aking pang habang buhay na buhay rito sa mundo. Sa bahaging ito na tinatawag
na repleksyon ay akin ibahahagi sa iyo kung ano nga ba ang mga impormasyong aking nalaman.

Ang mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait
ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan, ito ay kilala sa katawagang pangangailangan.
Samantalang ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang
tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at
karangalan, ito ay tinatawag nating kagustuhan.

Ang pangalang Abraham Harold Maslow ay may malaking naiambag sa ating lahat sapagkat siya lang naman ang may kinalaman sa TEORYA NG
PANGANGAILANGAN na naglalaman ng Physiological needs (pisyolohikal), Safety needs (pangkaligtasan), Love/Belonging needs
(Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmahal), Esteem needs ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba) at Actualization
(pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato). Kasama na rin dito ang paghangad ng mas mataas na antas na tinatawag na growth force
samantalang ang paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag na regressive force. Kaya’t sa pag-usbong ng mga ito ay tuluyan na ring lumitaw ang
mga salik na nakakaimpluwensiya sa ating pangangailangan at kagustuhan at ito ay ang Edad, Antas ng Edukasyon, Katayuan sa Lipunan at Panlasa.
REPLEKSYON
(PICTURE COLLAGE):

Ang pangangailangan at kagustuhan ay malaki ang pinagkaiba, ang pangangailangan kasi ay ang bagay na lubhang mahalaga
sa atin bilang isang may buhay dito sa mundo, samantalang ang kagustuhan naman ay ang paghahangad ng mga bagay na mas
higit pa sa pangangailangan. Nang maisilang ang isang nilalang na si Abraham Maslow ay umusbong na rin ang teoryang ating
ginagamit simula noon hanggang ngayon, at ang teoryang ito ay ang "Maslow's Hierarchy of Needs" na nahahati sa 5 kategorya
mula sa mababa hanggang sa mataas, ito ay ang: physiological needs, safety needs, love and belonging, esteem at ang pinaka
mataas at pinaka importante ay ang self-actualization. Kasabay rin nito ang apat na kilalang mga salik na nakaka
impluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan nating mga tao, ang edad, antas ng edukasyon, katayuan sa lipunan, at
panlasa.
Q1 W3
M3
Aralin 3: Alokasyon at
Sistemang Pang-ekonomiya
Tamang Pamamahala sa

BUOD
Paggamit ng Pinagkukunang
Uri ng Sistemang
Yaman: Alokasyon Pang-ekonomiya

Dahil limitado ang pinagkukunang- Ang mahusay na alokasyon


yaman Dapat pa ring tiyakin ang lubos ay Kailangang tumugon ang TRADITIONAL ECONOMY-
na paggamit nito. Ang lahat ng nakabatay sa tradisyon,
pangangailangan at kagustuhan ng bawat lipunan sa tatlong
tao ay dapat na timbangin bilang katanungan pang- kultura at paniniwala ng
pinakamakabuluhan. ekonomiya. lipunan.

Pagtatakda ng dami ng
pinagkukunang yaman Anu-anong mga kalakal at MARKET ECONOMY- ito’y
(halaga) para matugunan serbisyo ang dapat likhain at nagaganap sa malayang
ang mga pangangailangan gaano karami ito? pamilihan.
at kagustuhan ng tao.

Ito ang pamamaraan ng


COMMAND ECONOMY-
pagtugon ng tao ukol sa Paano lilikhain ang mga kontrolado at regulasyon ng
suliranin ng kakapusan ng kalakal at serbiyong ito? pamahalaan.
mga pinagkukunang yaman.

MIXED ECONOMY-
Budget- halagang inilalaan upang Para kanino ang mga
pinaghalong sistema ng
tugunan ang isang lilikhaing kalakal at
pangangailangan o kagustuhan. Market at Command
serbisyo?
economy.
repleksyon (essay):

Napakaraming kaalaman at impormasyon ang pumasok sa aking puso’t isipan na magagamit ko sa pang matagalang panahon ko dito sa daigdig, at ang mga kaalaman na ito ay akin natutuhan sa
pamamagitan ng pag-aaral ko sa ikatlong aralin ngayon sa Yunit 1: Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks na tinatawag na Aralin 3: Alokasyon at Sistemang Pang-ekonomiya. Kaya’t sa parteng ito na
tinatawag na repleksyon ay aking ibabahagi sa iyo o sa inyo ang mga detalyeng aking alam sa ngayon.

Ang mekanismo ng mga pinakukunan ng yaman, produkto at sebisyon ay tinatawag na Alokasyon, ito rin ay isang pamamaraan o paraan upang mas maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang yaman ng isang bansa, paraan din ito ng lipunan upang makaagapay sa suliraning maidudulot ng kakapusan. Pagtatakda ng dami ng pinagkukunang yaman (halaga) para matugunan ang
mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa suliranin ng kakapusan ng mga pinagkukunang yaman. Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman dapat na
tiyakin ang lubos na paggamit nito. Ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng tao ay dapat na timbangin bilang pinakamakabuluhan kaya’t ganoon nalang kahalaga ang alokasyon sa usaping pang-
ekonomiya. Pumapasok ang sng halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o kagustuhan na talaan din ng pagkabahagi ng gastusin ng pangangailangan na mas kilala sa maikling
katawagan na budget.

Dagdag pa sa impormasyon aking maibabahagi ay kailangang tumugon ang bawat lipunan sa tatlong katanungan pang-ekonomiya upang ang alokasyon ay isang maging ganap na mahusay. At ang mga
katanungang ito ay una, “Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami ito?” ikalawa, “Paano lilikhain ang mga kalakal at serbiyong ito?” at pangatlo ay ang katanungang “Para
kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo?”

Pasok din sa aking utak ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan na may layunin na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng
mga kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito at ito ang tinatawag na sistemang pang-ekonomiya. Ito ay nahahati sa tatlong kilalang kategorya, ang Tradisyunal Economy, Market
Economy, Command Economy at ang panghuli ay ang Mixed Economy. Ang sistemang pang-ekonomiya ng isang lipunan kasi ang magiging batayan ng kayamanan at kakayahan para sustentuhan ang
kanyang nasasakupan. Hindi lang iyan, kundi napabubuti rin nito ang relasyon at ugnayan kapwa ng mga negosyante at kanilang mga kliente, at maging ang ugnayan nito sa iba pang karatig na bansa.
Ang bansang mayroong sistemang pang-ekonomiya ay nakabubuo rin ng mga plano, mga contingency plan, o mga alternatibong mga pamamaraan pa nga sakaling mayroong mga hindi inaasahang
pangyayari na dumating sa bansa tulad ng mga malalakas na kalamidad, mga digmaan at iba pa.

Nagiging organisado at sistematiko rin ang mga plano pati na ang takbo ng pamamalakad sa pananalapi ng lipunan kung mayroon itong sistemang pang-ekonomiya. Naiiwasan ang pagkakabaon sa
utang, mga pandaraya, at pang-aabuso sa kaban ng yaman. Kung mayroong sistemang pang-ekonomiya, maligaya ng lahat, at mapupunta sa tama ang pera ng bayan.
REPLEKSYON (PICTURE COLLAGE):

Napakahalaga ng papel ng salitang alokasyon sa ating


buhay lalo na sa ikakaunlad ng ating ekonomiya na
mahalaga hindi lamang sa isang tao kundi pati na rin sa
buong bansang nasasakupan nito. Dahil limitado lamang
ang pinagkukunang-yaman ng bawat bansa sa mundo ay
nararapat na tiyakin ang lubos na paggamit nito, kaya’t
ganoon na lamang kung ba’t nararapat na timbangin ang
lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng tao bilang
pinakamakabuluhan. Nararapat din na ang mahusay na
alokasyon ay tumugon sa tatlong katanungan pang-
ekonomiya upang ito’y ganap na maging tama’t maayos.
Mahalaga rin ang uri ng sistemang pang-ekonomiya
sapagkat ito’y magiging batayan ng kayamanan at
kakayahan nito para sustentuhan ang kanyang
nasasakupan. Hindi lang yan, kundi napabubuti rin nito
ang relasyon at ugnayan kapwa ng mga negosyante at
kanilang mga kliente, at maging ang ugnayan nito sa iba
pang karatig na bansa.
Q1 W4
M4
Aralin 4: Mga Salik ng Produksyon
at ang Implikasyon nito sa Pang-
araw-araw na Pamumuhay ng Tao
Aralin 4: Produksyon

Paglikha ng kalakal o serbisyo na Mga Antas ng


tumutugon sa mga Produksyon -Ang
pangangailangan at kagustuhan Lupa (aka Likas Yaman)- Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao
produksyon ng kahit na
ng tao. Proseso kung saan
pinagsasama ang mga salik ng
na mula sa kalikasan. Pinakagamit sa lahat ng uri ng anong kalakal ay
produksyon (input) upang mabuo pinagkukunang-yaman. dumadaan sa sa iba’t
ang isang produkto (output). ibang antas:

Manggagawa (Labor)- Tumutukoy sa mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa paglikha ng mga kalakal o
paglilingkod. Sila ang gumagamit at nagpapaunlad ng pinagkukunang yaman upang magkaroon ng kapakinabangan. Primary stage –
Mga Uri ng Lakas-Paggawa Propesyunal – mga nakapagtapos ng kolehiyo at Manggagawa
INPUT Skilled – may mataas na antas ng kaalaman, kasanayan at karanasan Semi-skilled – ang kasanayan, kaalaman at
pagkalap ng mga hilaw
na
karanasan ay higit na mababa kaysa sanay na manggagawa (skilled workers) Unskilled – mga taong walang kaalaman, sangkap (raw materials)
kasanayan at karanasan

Kapital- Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga kalakal at


paglilingkod. Uri ng Kapital ayon sa Pagpapalit Anyo Secondary Stage –
pagproproseso ng hilaw
PROCESS
Circulating Capital – kapital na mabilis magpalit-anyo at mabilis maubos (hal. langis,
kuryente, asukal). na sangkap (refining
Fixed Capital – kapital na hindi mabilis magpalit ng anyo at matagal ang gamit (hal. gusali, process)
makinarya, sasakyan).

Final Stage – pagsasa-


Entreprenyur- Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang salik ayos ng mga tapos na

OUTPUT
produkto (packaging,
ng produksyon (lupa,paggawa at kapital) upang makalikha ng labeling and distribution)
kalakal o serbisyo. Tinatawag din sila bilang mga negosyante. para mapakinabangan
ng tao.
Aralin 4: Produksyon

PRODUCTION POSSIBILY
FRONTIER

Uri ng Halaga ng Produksyon


1. Nangangahulugan na
nagsasakripisyo ng iba ang Marginal Cost
paggawa ng higit sa isang
produkto.
Ito ay tumutukoy sa
2. Kapag nasa linya ng kurba karagdagang gastos-
ang produksyon, lubos na
nagagamit ang limitadong
pamproduksyon sa
sangkap ng produksyon. Fixed Cost (FC) – mga gastusin na hindi nagbabago kahit paglikha ng dagdag na
yunit ng produkto o
3. Kapag nasa loob ng kurba
ang produksyon, hindi
mataas o walang produksyon (hal. fire insurance, interest serbisyo.
lubusang ginagamit ang mga
sangkap ng produksyon.
ng utang, upa sa gusali).

Gastos o Halaga Variable Cost (VC) – mga gastusin na nagbabago habang


ng produksyon tumataas ang produksyon (hal. kuryente, office supplies,
Tumutukoy sa halagang pasahod sa mga manggagawa). Gastusin sa
ginagastos upang Produksyon ng
makalikha ng kalakal. Tinapay

Ang halaga ng
produksyon ang Total Cost (TC) – kabuuang gastusin ng produksyon. Ito Mga Gastusin sa
Produksyon
nagiging batayan sa ang nagiging batayan ng presyo ng kalakal
pagtatakda ng presyo ng
isang kalakal.
repleksyon (essay):

Sa bawat bagong aralin ay tiyak na may bagong kaalaman tayong matututuhan, tulad na lamang sa aralin ngayon na ating tinatawag sa
pamagat nito bilang Aralin 4: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw- araw na Pamumuhay ng Tao. Sa araling ito hindi
lamang tungkol sa ekonomiya ang papasok sa iyo o ating puso’t isipin sapagkat pati rin ang Matematika ay papasok na rin sa pinto ng ating kaalaman,
kaya’t halika samahan mo akong halughugin ang aking natutuhan dito sa tinatawag na lugar ng kaalamang natutuhan na mas kilala sa katawagan bilang
replesyon tungkol sa aralin ngayong Linggo.

Hindi maikakaila na ang lahat dito sa mundo, tao man o hayop ay may pangangailangan hindi lamang sa kanilang isang segundong
buhay kundi pati na rin sa kanilang pang habang buhay, katulad na lamang sa ating mga tao kailangan natin ng tutugon sa ating
pangangailangan at kagustuhan na ating tinatawag sa sikat na katawagang ‘produksyon’. Ang produksyon ay pumapatungkol sa paglikha
ng kalakal o serbisyo na siya namang tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan nating mga tao. Ito rin ay matatawag na proseso
kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon o input kung tawagin upang mabuo ang isang produkto na siya namang tinatawag
sa katawagan na output.

May apat (4) na mahahalagang salik ng produksyon na siyang tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal. Tiyak na hindi
mabubuo ang isang kalakal kung mawala kahit ang isa sa mga ito. Ang mga salik na ito ay ang Lupa (aka Likas Yaman), Manggagawa
(Labor), Kapital at ang Entreprenyur na siyang mas kilala sa maikling katawagan na LMKE. Ang produksyon ay maraming pangangailangan,
tulad na lamang ng antas kaya’t ang produksyon ay mayroon nito. Ngunit ano at ilan nga ba ang antas na mayroon ang produksyon? Batay
sa kaalamang pumasok sa aking isipan habang aking inaaral ang aralin na ito ang produksyon ay nahahati hindi lamang sa dalawa kundi ito
ay tatlo, at ang tatlong antas ng produksyon ay ang primary, secondary at ang final stage, ang salik at antas ay parehong mahalaga sa ating
buhay lalo na sa ating ekonomiya dahil kung wala ang isa ay tiyak na hindi na ito magtatagumpay sapagkat hindi nito kakayanin ang mag
isa lamang. At karagdagan pa rito, mahalaga rin dito ang matematika, dahil sa tulong ng matematika malalaman ang lahat na siyang
pumapatungkol sa pag cocompute ng mga halaga o numero.
REPLEKSYON (PICTURE COLLAGE):
Ang produksyon ay pumapatungkol sa
paglikha ng kalakal o serbisyo na siya
namang tumutugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan nating
mga tao.
Ito rin ay matatawag na proseso kung saan
pinagsasama ang mga salik ng produksyon o input
kung tawagin upang mabuo ang isang produkto na
siya namang tinatawag sa katawagan na output. May
apat (4) na mahahalagang salik ng produksyon
(LMKE) na siyang tumutukoy sa mga sangkap sa
paggawa ng isang kalakal. Tiyak na hindi mabubuo
ang isang kalakal kung mawala kahit ang isa sa mga
ito. Ang mga salik na ito ay ang Lupa (aka Likas
Yaman), Manggagawa (Labor), Kapital at ang
Entreprenyur. Nahahati sa tatlong antas ang
produksyon, ang primary, secondary at ang
final stage.
At karagdagan pa rito, mahalaga rin
dito ang matematika, dahil sa tulong
ng matematika malalaman ang lahat
na siyang pumapatungkol sa pag
cocompute ng mga halaga o numero.
Q1 W5
M5
Aralin 5: Mga Salik na
Nakakaapekto sa Pagkonsumo
Aralin 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

Ang matalinong pagkonsumo ay ang Pagbabago ng Presyo- mas mataas


paggamit ng mga produkto at serbisyo ang pagkonsumo kung mababa ang
na nagdudulot ng kaunting pinsala sa presyo samantalang mababa ang
kapaligiran kaugnay ng iba pang mga
alternatibo.
Batas ng Pagkakaiba (Law of Variety) pagkonsumo kapag mataas ang
presyo
•Nagpapaliwanag kung bakit ang bawat mamimili ay iba-iba ang
binibili at ginagamit na uri o klase ng produkto.
TUWIRANG PAGKONSUMO
Kita- habang lumalaki ang kita ng tao
• Tuwirang pagtugon sa
ay lumalaki rin ang kaniyang
pangangailangan ang tuwirang pag
kakayahan na kumonsumo
konsumo
Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony)
•May mga pagkakataon na ang tao ay nais na bumili ng mga bagay
na nababagay sa isa’t isa.
PRODUKTIBONG PAGKONSUMO
• Tinatawag na produktibong Mga Inaasahan- mga inaasahang
pagkonsumo ang paggamit ng mga mangyayari sa hinaharap ay
paraan upang magamit ang mga nakaaapekto sa pagkonsumo sa
bagay-bagay sa ibang kasalukuyan
kapakipakinabang na bagay Batas ng Imitasyon (Law of Imitation)
•Ang tao ay mahilig manggaya at ito ang dahilan kung bakit
MAAKSAYANG PAGKONSUMO
nagbabago ang ating pagkonsumo sa mga produkto at serbisyo.
Pagkakautang- kapag maraming
• Ito ang paggamit na tumutugon sa
utang na dapat bayaran, maaaring
pangangailangan at sa halip
maglaan ng bahagi ng salapi
tumutugon lamang sa hilig o
kagustuhan ng tao. Law of Economic Order pambayad dito

•Ang pagpapasya na bigyan ng prayoridad ang mas mahalagang bagay o


pangangailangan kaysa sa mga luho.
•Nakakamit ng tao ang kasiyahan kapag nakagawa ng mga pagpapasya na
MAPANGANIB NA PAGKONSUMO Demonstration Effect- impluwensiya
• Ito ang paggamit ng produktong may magbigay pansin sa mga bagay na pangunahing pangangailangan ng tao ng mga anunsiyo sa radyo,
masamang epekto sa kalusugan o sa telebisyon, pahayagan, internet at iba
kapakanan ng tao. pang social media
Aralin 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo

Pagbabago sa
panlasa at
Law of Diminishing Marginal Utility
It states that all else equal, as consumption increases, the marginal utility derived from each additional
pinipili
unit declines. Marginal utility is the incremental increase in utility that results from the consumption of
one additional unit. The utility is an economic term used to represent satisfaction or happiness.
Bitin o Di ganap na
natamo ang
kalubusan ng
utilidad

Emotional/
Fancy buying

Consumption at
Different Time
Periods
Ang pagtimbang sa mga pagpipilian at kahandaan sa kakahinatnan ng pagpapasya
ay tinatawag na KRITIKAL NA PAG- IISIP o mapanuring pagpapasya.
Stock with
Other Persons
repleksyon (essay):

Sa bawat bagong aralin ay tiyak na may bagong kaalaman tayong matututuhan, tulad na lamang sa aralin ngayon na ating tinatawag sa pamagat nito bilang Aralin 5: Mga Salik na
Nakakaapekto sa Pagkonsumo. Sa pagpasok sa Google Meet at pakikinig nang maigi sa guro tiyak na maraming kaalaman at impormasyon ang papasok sa pintuan ng iyong isip tulad
na lamang sa nangyari sa akin na maraming detalye ang aking nalaman at nagamit. Kaya’t halika, samahan mo akong halughugin ang aking natutuhan dito sa tinatawag na lugar ng
kaalamang natutuhan na mas kilala sa katawagan bilang replesyon tungkol sa aralin ngayong Linggo.

Hindi maikakaila na ang lahat dito sa mundo, tao man o hayop ay may pangangailangan hindi lamang sa kanilang isang segundong buhay kundi pati na rin sa kanilang pang habang
buhay, kahit tayo’y bumibili lamang ng isang pirasong kendi ay pumapasok na rito ang pagkonsumo at kung ano nga ba ang uri ng pagkonsumo na mayroon ka sa mga ginagawa mo
tulad ng pagbili ng isang kendi. Nahahati sa lima ang pagkonsumo, ang matalino, tuwiran, produktibo, maaksaya at mapanganib na pagkonsumo. Ang matalinong pagkonsumo ay ang
paggamit ng mga produkto at serbisyo na nagdudulot ng kaunting pinsala sa kapaligiran kaugnay ng iba pang mga alternatibo. Tuwirang pagtugon sa pangangailangan ang tuwirang
pag konsumo. Tinatawag na produktibong pagkonsumo ang paggamit ng mga paraan upang magamit ang mga bagay-bagay sa ibang kapakipakinabang na bagay. Ito ang paggamit na
tumutugon sa pangangailangan at sa halip tumutugon lamang sa hilig o kagustuhan ng tao. Ito ang paggamit ng produktong may masamang epekto sa kalusugan o sa kapakanan ng
tao.

Sumunod dito ang ilang mga batas tungkol sa usaping konsumo o pagkonsumo, Batas ng Pagkakaiba (Law of Variety) ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang bawat mamimili ay
iba-iba ang binibili at ginagamit na uri o klase ng produkto. Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony), may mga pagkakataon na ang tao ay nais na bumili ng mga bagay na
nababagay sa isa’t isa. Batas ng Imitasyon (Law of Imitation), ang tao ay mahilig manggaya at ito ang dahilan kung bakit nagbabago ang ating pagkonsumo sa mga produkto at
serbisyo. Law of Economic Order, ang pagpapasya na bigyan ng prayoridad ang mas mahalagang bagay o pangangailangan kaysa sa mga luho. Dagdag pa rito, nakakamit ng tao ang
kasiyahan kapag nakagawa ng mga pagpapasya na magbigay pansin sa mga bagay na pangunahing pangangailangan ng tao.

At panghuli ay ang mga salik sa pagkonsumo, Pagbabago ng Presyo- mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas
ang presyo. Kita- habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo. Mga Inaasahan- mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto
sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Pagkakautang- kapag maraming utang na dapat bayaran, maaaring maglaan ng bahagi ng salapi pambayad dito. Demonstration Effect- impluwensiya
ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, internet at iba pang social media
repleksyon (Picture collage) :
Hindi maikakaila na ang lahat dito sa mundo, tao man o
hayop ay may pangangailangan hindi lamang sa
kanilang isang segundong buhay kundi pati na rin sa
kanilang pang habang buhay, kahit tayo’y bumibili
lamang ng isang pirasong kendi ay pumapasok na rito
ang pagkonsumo at kung ano nga ba ang uri ng
pagkonsumo na mayroon ka sa mga ginagawa mo tulad
ng pagbili ng isang kendi. Nahahati sa lima ang
pagkonsumo, ang matalino, tuwiran, produktibo,
maaksaya at mapanganib na pagkonsumo. Sumunod
dito ang ilang mga batas tungkol sa usaping konsumo o
pagkonsumo, Batas ng Pagkakaiba (Law of Variety),
Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony), Batas ng
Imitasyon (Law of Imitation), at Law of Economic
Order. At panghuli ay ang mga salik sa pagkonsumo,
Pagbabago ng Presyo, Kita, Mga Inaasahan,
Pagkakautang at Demonstration Effect.
Q1 W6
M6
Aralin 6: Mga Karapatan at
Tungkulin bilang Isang
Mamimili
Aralin 6: Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili

Kaligtasan at proteksiyon
ng mamimili laban sa
panganib sa kalusugan
BATAS NA NANGANGALAGA SA at
KAPAKANAN NG MAMIMILI kaligtasan.

Proteksiyon laban sa
Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer mapanlinlang at hindi
makatarungang gawaing
Act of the Philippines) ang mga kalipunan ng may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo
mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at industriya.
at nangangalaga sa interes ng mamimili.
Isinusulong din ng batas na ito ang
kagalingang dapat makamit ng lahat ng
mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang
mga pamantayang dapat sundin sa
Pagkakataong madinig
pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo ang reklamo at hinaing
at industriya. ng mamimili.

Representasyon ng kinatawan
ng mga samahan at mamimili
sa pagbalangkas at pagbuo
ng mga patakarang
pangkabuhayan at
panlipunan.
Aralin 6: Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili

Walong Karapatan Ng Mamimili- Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department


of Trade and Industry o DTI) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang
maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan.

Karapatan sa mga
Karapatan sa Karapatan sa
pangunahing Karapatang Pumili
Kaligtasan Patalastasan
pangangailangan

Karapatan sa
Karapatang Bayaran
Pagtuturo Tungkol sa Karapatan sa Isang
Karapatang Dinggin at Tumbasan sa Ano
Pagiging Matalinong Malinis na Kapaligiran
mang Kapinsalaan
Mamimili
Aralin 6: Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili
Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong

Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa
hinaluan/ pinagbabawal / maling etiketa ng gamot, hinaluan / pinagbabawal / maling etiketa ng
pagkain, pabango, at make- up. pamatay-insekto at pamatay-salot
upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili:

hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act


Securities & Exchange Commission (SEC) -
City/Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) -
Consumer Protection Agencies

timbang at sukat, madayang (tampered) nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa

tulad ng pyramiding na gawain.


timbangan at mapanlinlang na pagsukat pati na rin ang mga subdivision.

Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil


sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya- Insurance Commission - hinggil sa hindi
maling etiketa ng mga produkto, madaya at pagbabayad ng kabayaran ng seguro.
mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.

Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo Philippine Overseas Employment Administration


laban sa pagbebenta ng diwastong sukat o (POEA) - reklamo laban sa illegal recruitment
timbang ng mga gasolinahan at mg activities.
mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas”

Professional Regulatory Commission (PRC) -


Environmental Management Bureau (DENR-
hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng
EMB)- namamahala sa pangangalaga sa
propesyon kabilang na ang mga accountant,
kapaligiran
doctor, engineer, atbp.
repleksyon (essay):
Sa bawat bagong aralin ay tiyak na may bagong kaalaman tayong matututuhan, tulad na lamang sa aralin ngayon na ating tinatawag sa pamagat nito
bilang Aralin 6: Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili. Sa pamamagitan ng aking sarili akin sinaliksik habang ako’y walang pasok ang aralin na
ito at ako ay nakahanap na tiyak na modyul na makakatulong sa akin tungkol sa aralin na ito, at ito ay ang
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/11/ArP9_Q1_W8.pdf. Sa pamamagitan ng pag-aaral ko nang mag-isa maraming kaalaman at
impormasyon ang pumasok sa aking isipan. Kaya’t halika, samahan mo akong halughugin ang aking natutuhan dito sa tinatawag na lugar ng kaalamang
natutuhan tungkol sa nagdaang aralin na mas kilala sa katawagan bilang replesyon tungkol sa aralin ngayong Linggo.

Sa nakaraang mga aralin natin ay mas nagbigay tayo ng pokus sa mga produkto tulad na lamang sa Aralin 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo. Kaya sa aralin na ito naman ay mas binigyan pansin ang gumagawa ng pagkonsumo na tinatawag nating mga mamimili o konsyumer. Sa ating
mga konsyumer may mga katangian, kapakanan, karapatan, tungkulin at pananagutan ding nakalaan sa atin. Sa katangian ay nararapat ito’y iyong taglay
upang mas lalong masabi sa iyong sarili na isa kang matalinong mamimili o konsyumer. Sa ating mga mamimili may batas na nakalaan sa atin upang tayo’y
bigyan ng proteksiyon at ito ang Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines). Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines)
ang mga kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang
dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at
industriya.

Sumunod ay ang Walong Karapatan Ng Mamimili. Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Depatment of Trade and Industry o DTI) ay naglabas ng
walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan. Una, karapatan sa mga pangunahing pangangailangan.
Ikalawa, karapatan sa kaligtasan. Ikatlo, karapatan sa patalastasan. Ikaapat, karapatang pumili. Ikalima, karapatang dinggin. Ikaanim, karapatang bayaran at
tumbasan sa ano mang kapinsalaan.Ikapito, karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili. At panghulim karapatan sa isang malinis na
kapaligiran. Dagdag na impormasyon ang limang pananagutan ng isang mamimili. Una, mapanuring kamalayan. Ikalawa, pagkilos. Ikatlo, pagmamalasakit
ng lipunan. Ikaapat, kamalayan sa kapaligiran. At panghuli, pagkakaisa. At panghuli ang ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong
ang kapakanan ng mga mamimili na tinatawag bilang Consumer Protection Agencies.

Nananabik na ako sa susunod na aralin sa ikalawang kwarter sa Araling Panlipunan, ngunit bago iyan akin babaunin ang mga magaganda’t
mahahalagang impormasyon o kaalaman na pumasok sa aking isipan nang sa gayo’n akin itong magamit hindi lamang ngayon, bukas kundi habang buhay.
REPLEKSYON (PICTURE COLLAGE) :

Hindi natin maisasagawa ang


pagkonsumo kung wala tayong
mga mamimili o mga konsyumer.
Sa ating mga konsyumer may mga
katangian, kapakanan, karapatan,
tungkulin at pananagutan ding
nakalaan sa atin. Sa katangian ay
nararapat ito’y iyong taglay upang
mas lalong masabi sa iyong sarili
na isa kang matalinong mamimili o
konsyumer. At karagdagan pa
diyan may mga batas din tayong
dapat sundin, batas na para sa
atin lalo na sa ating kaligtasan at
mga ahensiyang pumapaloob sa
usaping ito.
MARAMING
SALAMAT
NICOLAI ANGELO C.
MARQUEZ 9-1

You might also like