Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAGBASA

PAGBASA
• isang psycholinguistic guessing game, kung
saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng
isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong
binasa(Goodman,1967).
• Pagkilala at pagkuha ng ideya at kaisipan ng mga
simbolong nakalimbag upang mabigkas ng
pasalita ang mga ito. Pag-uunawa ito sa wika ng
awtor ng mga nakasulat na simbolo (Sermolan,
et al., 1973).
Proseso / hakbang
• Persepsyon – pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at
pagbigkas nang wasto.
• Komprehensyon – pagpoproseso ng mga impormasyon
o kaisipang inihahayag ng simbulong nakalimbag na
binasa. Ang prosesong ito ay nagaganap sa isipan. Ang pag-
unawa sa tekstong binasa ay nagaganap sa hakbang na ito.
• Reaksyon – sa hakbang na ito hinahatulan o
pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga sa tekstong binasa.
• Asimilasyon – isinasama at iniuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dati nang kaalaman/ karanasan.
Teknik sa Pagbasa
1. Iskaning – mabilis, na ang pokus ng mambabasa ay
makuha lamang ang mga ispesipikong impormasyon.
Nagaganap ito tuwing may hinahanap tayong kahulugan sa
diksyunaryo, pangalan sa direktori,pagtingin ng mga
pangalan sa dyaryo.
▫ Palaktaw- laktaw na paraan ng pagbasa.
2. Iskiming – mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit
pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap.
• Halimbawa: pananaliksik kaugnay sa pre-marital sex,
anumang impormasyon na may kaugnayan dito ay iyong
kukuhanin saka na sasalain ang pinakamakabuluhan.
3. Kaswal – ang teknik na ito ay tinatayang pang-
ubos oras lamang ng pagbasa, wala kang tiyak na
layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa.
• Halimbawa: kapag naghihintay o nag-aabang ka.

4. Kritikal - nangangahulugang pagsusuri at


pagsasala ng mga impormsyong iyong natanggap.
Samakatuwid lumilikha ka ng pamantayan upang
paniwalaan o hindi ang nabasa mo.
5. Komprehensibo – tumutukoy sa pagkuha ng lahat ng detalye
maging ito man ay maliit o malaki. Ginagawa ito kalimitan ng mga
akawntant sa pag-uugnay ng datos at kompyutasyon. Ginagawa rin
ito ng mga mananaliksik.
6. Pribyuwing - isang teknik ng pagbasa, ang tanging kinukuha
lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang
babasahin.
• Halimbawa: pagkuha sa: pamagat, awtor, talaan ng nilalaman,
buod ng isang aklat atbp.
7. Replektib – ang pagbasa kung maisabuhay ng isang mambabasa
ang kanyang mga nabasa at naunawaan niya ito ng lubos.
• Halimbawa: mga ebanghelyo
8. Muling Pagbasa – ito ay tumutulong sa mga
mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye ng mga
binabasa tungo sa lubos na pag-unawa.
• Halimbawa: mga leksyong tinalakay sa klase o usaping
pangklase.
9. Pagtatala – note taking sa Ingles. Malaki ang niambag
nito sa mga mambabasa dahil nagagawa nitong mabigyang
empasis o haylayt ang iyong binabasa.
• Halimbawa: kadalasan itong isinagawa sa
pamamagitan ng pagsalungguhit sa teksto,paglalagay ng
asteris, paggamit ng haylayter atbp.
Teorya sa Pagbasa
• Teoryang Bottom-up – (impluwensya ng
behaviorist). Tumutukoy sa simbulo bilang
stimulus, tugon bilang response. Ang pagkatuto
ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga
titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto
bago paman maunawaang lubos ng mambabasa
ang kabuuan ng teksto (Badayos, 2000).
• Teksto (bottom) _______ mambabasa
(up)
b. Teoryang Top – Down – (impluwensya ng
sikolohiyang Gestalt). Ayon sa kanila ang pagbasa
ay isang prosesong holistic. Tumutukoy ito sa mga
dating kaalaman (prior knowledge ) na nakaimbak
sa isipan ng mambabasa.
• Tinatawag din itong inside-out/ conceptually
driven dahil ang kahulugan ng impormsyon ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa
teksto.
c. Teoryang Interaktib - ayon sa proponent ng
teoryang ito ang top-down ay maaring akma
lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa
mga baguhan. Kaya mas angkop ang kumbinasyon
ng top-down at bottom-up na nagpapahiwatig
ng dalawang direksyon ng komprehensyon. Itaas-
pababa at ibaba-pataas.
d. Teoryang Iskima - mahalaga ang tungkuling
ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang
ito. Ang mga mambabasa ay may taglay ng ideya sa
nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
• Maaaring binasa lamang niya ang teksto upang
patunayan kung ang kanyang hinuha sa paksa ay tama
ba ito.
• Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa,
kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
88888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888
88888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888
888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888

You might also like