Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Araling

Panlipunan
Ikatlong Kuwarter
Ikaapat na Linggo
Paksang-Aralin:

Epekto ng Pisikal na
Kapaligiran sa Pag-aaral
Mga Layunin:
a.natutukoy ang mga bagay bagay na
nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-
aaral;
b.nailalarawan ang hindi magandang epekto
sa pag-aaral ng magulo at maingay na
kapaligiran; at
c. napahahalagahan ang pisikal na kapaligiran
ng paaralan.
d.nasasabi ang epekto ng pisikal na kapaligiran
sa sariling pag-aaral (e.g. mahirap mag-aaral
kapag maingay etc.)
Subukin
1. Piliin ang sitwasyon na nagpapakita
na higit na natututo ang mga bata.
A. Mahirap mag-aral kapag tahimik sa
paaralan.
B. Madaling matuto ng aralin kapag
tahimik ang paligid.
C. Mainam sa mga bata ang
paaralang marumi ang kapaligiran.
Subukin
2. Ang ingay sa labas ng silid-aralan ay
walang malaking epekto sa pagkatuto ng
mga mag-aaral.

A. Tama
B. Mali
C. Siguro
Subukin
3. Kapag tahimik at payapa ang silid-aralan
at mga nakapaligid dito, mas magiging
mabilis at makabuluhan ang pagkatuto ng
mga mag-aaral.
A. Tama
B. Mali
C. Siguro
Maikling Kuwento:

Oras ng Pag-
aaral
ni Lani G. Gregorio
Lunes ng umaga, maagang gumising si
Dindo upang maghanda sa pagsagot sa
kanyang modyul. Maaga ring nagising
ang kanyang nakababatang kapatid na si
Anton. Pagkatapos nilang mag-almusal
at magsipilyo, inayos na niya ang
kanyang mga gamit upang makpag-
umpisa na siya sa pagsagot sa kanyang
modyul.
“Kuya Dindo, laro tayo ng pasahan ng
bola,” yaya ni Anton. “Hindi puwedeng
makipaglaro sa iyo ang kuya mo. Ngayon
ay oras ng kanyang pag-aaral,”sagot ni
Nanay.
Naisipan na lamang ni Anton na
manood ng telebisyon. “Pakipatay mo
ang telebisyon, Anton,” utos ni Dindo.
“Hindi ko kasi masyadong naiintindihan
ang paliwanag ni Nanay tungkol sa
aking mga aralin dahil sa ingay galing
TV”.
“Oo nga naman, Anton. Mamaya ka na
lamang manood pagkatapos ng oras ng
pag-aaral ng iyong kuya,” sabi ng Nanay.
“Nakakaapekto kasi sa pag-aaral ng
iyong kuya ang ingay sa kanyang
paligid. Mas madaling
maiintindihan ng kuya mo ang mga
aralin kapag tahimik at walang
istorbo habang siya ay nag-aaral,”
paliwanag pa ng Nanay.
Tanong
1. Sino-sino ang maagang gumising?
2. Anong araw noon?
3. Bakit maagang nagising si Dindo?
4. Sino ang nagyaya sa kanya maglaro?
5. Bakit pinapatay ni Dindo ang
telebisyon?
May epekto ang pisikal na kapaligiran sa
sariling pag-aaral, maaring ito ay
nakasasama o nakabubuti.
Narito ang mga sitwasyon na hindi
maganda ang epekto sa iyong pag-aaral
gaya ng:
• maingay sa paligid,
• madumi o mainit sa silid kung saan ka
nag-aaral,
• iniistorbo ka ng ibang kasama mo sa
bahay, at iba pa.
May epekto ang pisikal na kapaligiran sa
sariling pag-aaral, maaring ito ay
nakasasama o nakabubuti.
May mga sitwasyon din na maganda ang
epekto sa iyong pag-aaral gaya ng;

• malinis at sapat ang bentelasyon at


liwanag sa silid,
• akma sa iyo ang mesa at silyang iyong
ginagamit, at iba pa.
Pagyamanin
Ang paaralan ay maaaring matagpuan sa
itinakdang lugar sa barangay o bayan. May mga
paaralan na matatagpuan sa kapatagan o
kabundukan.
Pagyamanin
Mayroon namang malapit sa simbahan, barangay
hall, palengke, pabrika at iba pang pampublikong
lugar.
Pagyamanin
Ang iba naman ay matatagpuan malayo sa
kabahayan.
May kaugnayan ba ang
kinalalagyan ng paaralan at
paligid nito sa pagkatuto ng
mga mag-aaral?

Opo
Nakakaapekto ang paligid ng paaralan sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung maingay
ang paligid, mahihirapan ang mga mag-aaral
na maunawaan ang itinuturo ng guro dahil
nakadaragdag ito sa tunog o ingay na sa loob
ng silid-aralan. Kapag tahimik at payapa ang
silid-aralan at nakapaligid dito, mas magiging
mabilis at makabuluhan ang pagkatuto ng
mga mag-aaral.
Kapag tahimik at
payapa ang silid-
aralan at
nakapaligid dito,
mas magiging
mabilis at
makabuluhan ang
pagkatuto ng mga
mag-aaral.
Tandaan:
• Ang paaralan ay maaaring matagpuan sa
iba’t ibang lugar. Ang mga bagay na
nakapaligid dito ay nakaapekto sa
pagkatuto ng mga mag-aaral.
• Mahalaga na tahimik at payapa ang
paligid ng paaralan. Sa gayon, mas
maitutuon ng mga mag-aaral ang
kanilang isip at atensiyon sa pagkatuto
ng mga aralin.
Isulat ang salitang “tama” kung ang sumusunod na
larawan ay nagpapakita ng tamang gawain sa
paaralan. Isulat ang salitang “mali” kung ang
sumusunod na larawan ay mali.
mali
_____1. mali
_____2.
Isulat ang salitang “tama” kung ang sumusunod na
larawan ay nagpapakita ng tamang gawain sa
paaralan. Isulat ang salitang “mali” kung ang
sumusunod na larawan ay mali.
Tama
______3. mali
_____4.
Isulat ang salitang “tama” kung ang sumusunod na
larawan ay nagpapakita ng tamang gawain sa
paaralan. Isulat ang salitang “mali” kung ang
sumusunod na larawan ay mali.

tama
_______5.

You might also like