Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

MGA URI NG

TEKSTO
Modyul 3

?
MGA URI NG
TEKSTO
♥ Ang pagpapahayag ay isang kasanayang
nagbibigay ng pagkakataon sa tao na
maipabatid sa kanyang kausap ang anumang
kaisipan o damdaming nais niyang ipabatid
dito sa isang paraang mabisa, karapat-dapat, at
maganda.
♥ Ang pagpapahayag ay maaaring sa paraang
pasalita o verbal at pasulat.
MGA URI NG
TEKSTO
♥ Gumaganap ang pagpapahayag ng kanyang tungkulin
sa sangkatauhan ayon sa sumusunod na mga layunin:
♥ Magbigay ng daan tungo sa pagkakaunawaan ng mga tao
♥ Makapaglahad ng tamang impormasyon at kapaki-
pakinabang na kaalaman
♥ Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat
mabigyang-pansin, talakayin, at dapat suriin ng mga
mamamayan
♥ Magbukas ng daan sa pagpapahayag ng iba't ibang
kaisipan, damdamin, at saloobin ng tao
MGA URI NG
TEKSTO
♥ Mawawalan ng kabuluhan isang teksto gaanuman
ito kahusay naisulat, kung hindi makagaganap sa
tungkuling magpabago ng kondisyon at kalagayan
ng mga mambabasa.
♥ Sa usaping tungkulin ng teksto, mahalagang
maunawaan na ang teksto ay mayroon iba't ibang
uri. Nagkakaroon ng kabuluhan ang teksto sa
mambabasa batay sa kanyang pangangailangan.
MGA URI NG
TEKSTO
♥ Tekstong Impormatibo
♥ Tekstong Deskriptibo
♥ Tekstong Persuweysib
♥ Tekstong Naratibo
♥ Tekstong Argumentatibo
♥ Tekstong Prosidyural
Tekstong
01 Impormatibo

?
Tekstong Impormatibo
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

♥ Natutukoy ang katuturan at kahalagahan


ng tekstong impormatibo Nailalahad ang
paksa ng tekstong binasa

♥ Naibabahagi ang kalikasan at katangian ng


tekstong binasa

♥ Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob


sa tekstong binasa sa sarili, pamilya,
pamayanan, bansa, at daigdig
Tekstong Impormatibo
♥ Naglalahad ng mga bagong kaalaman,
bagong pangyayari, bagong
paniniwala, at mga bagong
impormasyon.
♥ Layunin ng tekstong ito na magbigay
ng mahalagang impormasyon upang
alisin o linawin ang mga agam agam
na bumabalot sa isipan ng
mambabasa kaugnay ng isang paksa
o isyung tinatalakay.
Tekstong Impormatibo
♥ Ang mga kaalaman ay nakaayos
nang sunod-sunod at inilalahad
nang buong linaw at may kaisahan.
02
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
♥ isang pagpapahayag ng mga
impresyon of kakintalang likha
ng pandama.
♥ Sa pamamagitan ng pang-amoy,
panlasa, pandinig, paningin, at
pansalat, itinatala ng sumusulat
ang paglalarawan ng mga
detalyeng kanyang nararanasan.
Tekstong Deskriptibo
♥ Ito naman ay naglalayong magsaad
ng kabuoang larawan ng isang
bagay, pangyayari o kaya naman ay
magbigay ng isang konseptong
biswal ng mga bagay-bagay, pook,
tao, o pangyayari.
♥ Mauuri ang paglalarawan sa
dalawa:
♥ karaniwan
♥ masining.
Tekstong Deskriptibo
♥ Karaniwan ang
paglalarawan kung
nagbibigay ng
pangkalahatang
pagtingin o pangmalas.
HALIMBAWA:

Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang


pinatitingkad ng mamula mula niyang mga pisngi.
Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa
baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na
binagayan naman ng kanyang taas.
Tekstong Deskriptibo
♥ Masining naman kung ito ay
nagpapahayag ng isang buhay na
larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda.
Karaniwang pili ang mga
ginagamit na salita sa
paglalarawan, kabilang na ang
paggamit ng mga pang-uri, pang-
abay, tayutay, at idyoma.
HALIMBAWA:

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang


maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang
kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit
niyang katawan at taas.
Tekstong Deskriptibo
♥ Gayundin, may apat na mahalagang
kasangkapang ginagamit sa
malinaw na paglalarawan.
♥ Wika
♥ Detalye
♥ Pananaw
♥ Impresyon
Wika
♥ Ginagamit ng isang manunulat
ang wika upang makabuo ng
isang malinaw at mabisang
paglalarawan na karaniwang
ginagamitan ng pang uri at
pang-abay.
Detalye
♥ Ang "malinaw na paglalarawan ay hindi
nangangahulugang "simple lamang o
mababaw lamang na paglalarawan.
Kinakailangan ang mga suportang detalye
upang mapatibay ang inihayag na
paglalarawan.

Halimbawa:
magandang dilag
Halimbawang detalye:
mahaba ang makintab na buhok
Pananaw
♥ Maaaring magkaiba-iba ang
paglalarawan ng isang tao, bagay,
pook, o pangyayari salig na rin sa
karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan.
♥ Ngunit, kailangang tandaan, bilang
isang manunulat ay kailangang
maging sensitibo sa pinakaangkop
na paglalarawan sa lahat ng
paglalarawang maaaring gamitin.
Impresyon
♥ Dito sinusuri ng manunulat
kung epektibo ba ang kanyang
isinulat na paglalarawan
upang makabuo ng eksaktong
kapareho ng inilalarawan sa
isipan ng mambabasa.
Tekstong
Persuweysib 03
Tekstong Persuweysib
♥ pagpapahayag na may layuning
mahikayat ang mambabasang
makiayon o tanggapin ang pananaw
ng manunulat.
♥ Mabibilang dito ang advertisement,
sanaysay na politikal, editoryal,
brochure, catalog, at mga kauri nito.
Tekstong Persuweysib
♥ tumutulong sa mga mambabasa
upang makabuo ng isang
pangkalahatang pagsang-ayon
hinggil sa isang paksa, isyu, o
panukala.
♥ May dalawang anyo ng tekstong ito
♥ commercial
♥ noncommercial.
Tekstong Persuweysib
♥ Ang anyong commercial ay iyong
ginagamit ng mga kompanya upang
i-promote ang kanilang mga
produkto tulad ng mga
advertisement.
♥ Ang noncommercial naman ay
iyong higit na pormal na
panghikayat tulad ng mga
manipesto, editoryal, mga
adbokasiya, at iba pang kauri nito.
04
TEKSTONG
NARATIBO
TEKSTONG
NARATIBO
♥ Pagkukuwento ang pangunahing
layunin ng tekstong naratibo.
♥ Mahalaga sa paraang ito ng
pakikipagkomunikasyon na maayos
na maihanay ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
♥ Malimit gamitin at pinakamadaling
gawin ang pagsasalaysay ayon sa
panahon o ang paraang
kronolohikal.
TEKSTONG
NARATIBO
♥ maituturing na pinakamatandang
anyo at pinakamalaganap na paraan
ng pagpapahayag ang tekstong
naratibo.
♥ Ang mga mito, alamat, at
kuwentong-bayan mula noong
panahon ng Lumang Tipan
hanggang sa mga kinagigiliwang
maiikling kuwento sa kasalukuyan
ay magpapatunay sa pahayag na ito.
Mga Uri ng Tekstong
Naratibo
♥ Nauuri sa dalawa ang tekstong ito:
naratibong nagpapabatid (informative
narrative) at naratibong masining
(artistic narrative).
♥ Ang naratibong nagpapabatid ay
isinusulat upang maghatid o magbigay ng
mga kaalaman o kabatiran sa mga
mambabasa.
♥ ang naratibong masining ay isinusulat
upang makaaliw.
Mga Uri ng Tekstong
Naratibo
♥ Ang naratibong nagpapabatid ay
walang banghay (plotless) samantalang
karaniwang may banghay ang
naratibong masining.
♥ Ang mga uri o halimbawa ng naratibong
nagpapabatid:
♥ salaysay na nagpapaliwanag
♥ salaysay na pangkasaysayan
♥ salaysay ng pakikipagsapalaran
♥ salaysay na patalambuhay
♥ anekdota
♥ kathang salaysay (sketch).
Mga Uri ng Tekstong
Naratibo
♥ Ang maikling kuwento, dula, at
nobela ay mga uri naman ng
naratibong masining.
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ isang uri ng masining na pagsasalaysay
na maikli ang kaanyuan at diwa na
napalalaman sa isang buo, mahigpit, at
makapangyarihang balangkas na
inilahad sa isang paraang mabilis ang
galaw ng mga pangyayari.
♥ Ang mga sangkap ng maikling kuwento
ay ang banghay, tagpuan, tauhan, at
ang galaw ng mga pangyayari.
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ Ganito ang balangkas ng karaniwang
maikling kuwento:
♥ Isang pangunahing tauhan ang may
suliranin.
♥ Gagawa ng mga paraan ang tauhang
ito upang malutas niya ang kanyang
suliranin.
♥ Siya ay makatatagpo ng mga sagabal
kaya magkakaroon ng tunggaliang
lumilikha ng kapanabikan.
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ Ganito ang balangkas ng karaniwang
maikling kuwento:
♥ Ang tunggalian ay iigting hanggang
sa umabot sa kasukdulan na
sinusundan naman kaagad ng
kakalasan na siyang kinalalabasan
ng tunggalian,
♥ Kasunod kaagad ng kakalasan ang
wakas
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ May limang mahalagang elemento ang
maikling kuwento. Ito ay ang:
♥ Panimula
♥ Mga hanay ng pangyayari tungo sa
tunggalian na humahantong sa
♥ kasukdulan,
♥ kagyat na kakalasan, at
♥ wakas.
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ Walang tiyak na pormula sa pagbuo ng
mahusay na salaysay. Kung ang plano
ay makabuo ng mahahalagang
pangyayari na madali nilang
masusunod, maganda ang planong ito.
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ Isaalang-alang ang sumusunod na mga
bahagi:

♥ Panimula. Ang panimula ang


bumabanggit ng tagpuan, mga
tauhan, at pahiwatig na suliranin.
(Maaaring ang pook at panahon ay
hindi tuwirang sinabi)
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ Isaalang-alang ang sumusunod na mga
bahagi:

♥ Gitna. Ang gitnang bahagi ng


salaysay ang nagsasabi kung ano
ang nangyari Desa mga tauhan at
ano-ano ang mga sinabing
tumutulong din naman sa puviin
pag-unlad o pagdaloy ng kuwento.
Ang Maikling Kuwento
Bilang Naratibong
Masining
♥ Isaalang-alang ang sumusunod na mga
bahagi:

♥ Wakas. Sa bahaging ito, dinadala


ang kasaysayan sa kongklusyon.
Maaaring ang wakas ay kasabay na
rin ng kasukdulan.

You might also like