pribadong banko ngunit habang lumalaki ang kanyang tatlong anak, naisip niyang huminto sa trabaho at magsaka na lamang. Sa desisyon ni Roger Salvador, bumalik silang mag-anak sa barangay Arubub sa taong 1986. Sa taong yon nagsimulang magsumikap si Roger Salvador bilang magsasaka sa hangad na mapabuti ang kanilang kabuhayan. Hindi naglaon, unti-unting nakamtan ng pamilya ni roger salvador ang maayos na kalagayan dahil ang paniniwala niya “ang nagtitiyaga, ginagabayan ng diyos na makamtan ang bunga ng pinaghirapan. Dahil sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at pagiging bukas sa mga bagong kaalaman, napili siyang Farmer- Leader Extensionist ng Local Government Unit ng Jones, Isabela. Tinuruan din niya ang kapwa magsasaka ng iba’t ibang istratehiya at makabagong teknolohiya sa agrikultura. Dahil dito, umani siya ng maraming pagkilala at parangal. Hinirang siyang “Most Outstanding Corn Farmer”ng Rehiyon 2, Finalist sa National Level ng Gawad Saka Search,at “Most Outstanding Isabelino.” Itinalagasiya sa iba’t ibang katungkulan upang pamunuan at matulungang umunlad ang kapwa magsasaka. Kinilala siya bilang Farmer-Scientist ng mani sa Cagayan Valley Agriculture Resources Research and Development (CVARRD). Isa siya sa mga Pilipinong tumanggap ng Asha Variety ng mani noong 2006 mula sa pangulo ng India.Dahil sa pagtaguyod niya nang mapanagutan sa kaniyang pamilya naging matagumpay ang kaniyang mga anak. Bilang mamamayan, naitaas niya ang antas ng kabuhayan ng kaniyang kapuwa magsasaka. Dahil sa kaniyang pagtitiyaga, pagsisikap, at pananampalataya sa Diyos, nalampasan niya ang kahirapan, tumugon siya sa tawag ng pagmamahal, at nakamit ang tagumpay sa buhay. Mga resulta ng pagpupunyagi ni roger salvador: • Naging Farmer-leader Extensionist ng Local Government Unit ng Jones, Isabela • Naging kaagapay ng Opisina ng Municipal Agriculturist (OMA) • Site Specific Nutrient Management - Cooperator sa mais na National Pilot Project ng Department of Agriculture- Bureau of Agrarian Reform.