Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

KARAHASAN SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTQ

Aralin 4

Inihanda ni: Gng. Crisitna T. Golingay


Most Essential Learning Competencies:

Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual


at Transgender)

Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan Konsepto ng Gender-Based Violence o Karahasan
batay sa kasarian.
2. Natatalakay ang mga uri ng Gender-Based Violence o Karahasan batay sa
kasarian.
3. Nasusuri ang mga halimbawa ng Karahasan sa lalaki, babae at LGBT.
Ano ang pakahulugan mo sa salitang Karahasan?
Nakaranas ka na ba ng karahasan?
Saan lugar kadalasang nararanasan ang karahasan?
Sino ang kadalasang nagiging biktima ng karahasan?
table of contents
PAGSASANAY

2.Isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China


1.Ito ay anumang karahasang nauugat sa kasarian at kung saan ang paa ng babae ay pinapaliit
humahanatong sa pisikal, sekswal
. na pananakit o hanggang tatlong pulgada.
pagpapahirap sa mga kababaihan kasama na ang
pagbabanta o pagsikil sa kanilang Kalayaan.
A. Breast Ironing C. Female Genital Mutilation
B. Foot Binding D. Violence Against Women
A. Anti Homo Sexuality Act of 2014
B. Foot Binding
C. Breast Ironing
D. Violence Against Women

A. Female Genital Mutilation C. Lotus Feet


3. Sumisimbolo ito ng yaman, ganda at pagiging karapat- B. Breast Ironing D. Sutee
dapat sa pagpapakasal.
table of contents
PAGSASANAY

4.Nagsasaad ito na ang same sex relation at 5. Isang kaugalian sa kontinente ng Africa kung
marriage ay maaaring parusahan
. ng saan binabayo ang dibdib ng batang dalaga ng bato,
panghabambuhay na pagkabilanggo . martilyo o spatula na pinaiinit sa apoy.

A. Anti Homo Sexuality Act of 2014 A. Arrange Marriage C. Female Genital Mutilation
B. Anti-Rape Law of 1997 B. Breast Ironing D. Gang Rape
C. Anti-Sexual Harassment Act of 1995
D. “Bawal Bastos Law”

6.Ang mga sumusunod ay uri ng Gender-Based A. Pisikal C.Sekswal


Violence maliban sa isac B. Pisyolohikal D.Sikolohikal
table of contents
PAGSASANAY

8. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na


. laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng
7.Ito ay may iba’t-ibang uri; emosyonal,
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins
pisikal, sekswal, at banta ng pang-aabuso.
Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga
ito
maliban sa:

A. Karahasan C. Sex A.Pambubugbog C. Sexual


B. Murder D. Trafficking Harassment
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki D. Sex
Trafficking
table of contents
PAGSASANAY

Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay


9. Ito ay isang pattern ng ugaling
. pang- isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
aabuso sa isang matalik na relasyon o iba mga kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay
pang uri ng relasyong pampamilya kung ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang mga
saan ginagampanan ng isang tao ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
posisyong mas makapangyarihan kaysa sa
iba pang tao at nagdudulot ito ng takot .

A. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-


aabuso.
B. Kababaihan na may edad na labing lima pataas.
A.Cultural Violence Violence E. Economic C. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon,
Violence babaeng may kasalukuyan o dating asawang babae.
B. Domestic Violence D. Political D. Kababaihan na walang asawa at mga anak.
Violence
Karahasan laban sa kababaihan
“ang pinaka-malaganap ngunit hindi bababa sa kinikilala na
pang-aabuso sa mga karapatang pantao sa mundo.”

2nd World Conference on Human Rights sa Vienna(1993)


4th Int’l Conference on Women (1994)
 Priority issue:
 pumipinsala sa buhay, katawan, integridad ng sikolohikal at
kalayaan.
 Ang karahasan laban sa kababaihan ay madalas na kilala bilang
karahasan na batay sa kasarian sapagkat bahagyang nagmula ito
mula sa katayuan ng subordinate ng kababaihan sa lipunan.1
 Sa buong mundo,isa sa tatlong kababaihan ang nakakaranas ng
karahasan batay sa kasarian sa kanyang buhay.
 Sa umuunlad na mundo, isa sa pitong batang babae ang ikinakasal bago ang kanyang
ika-labing limang taong kaarawan. At sa pagitan ng 1998 at 2008 lamang, ang sekswal na
karahasan laban sa kalalakihan ay nabanggit sa mga ulat sa dalawampu na mga bansa
na apektado ng kaguluhan

 Ang karahasang nakabatay sa kasarian ay nagbabanta sa buhay, huminto sa


pag-unlad, at nagpapabagabag sa mga lipunan. Ito ay isang pandaigdigang
penomena na pumipigil sa mga tao, lalo na sa kababaihan ng kanilang
karapatan sa isang buhay na walang karahasan.
Ang Gender-Based Violence o karahasang batay sa
kasarian

(lalaki, babae, at LGBT) ay sinasabing nagdudulot ito ng


panganib sa buhay, sanhi ng pagbagal ng pag-unlad, at
pagbagsak ng lipunan.
 Ito ay pandaigdigang pangyayari na hindi pinapayagang
gawin lalo na sa mga kababaihan at batang babae na ang
kanilang karapatan ay maging malaya mula sa karahasan.
“Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”

-isang pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United


States Agency for International Development (USAID),
-ang mga LGBT ay may kaunting oportunidad sa trabaho,
-bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon.
-Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian.
-At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit sa patuloy sa panawagan sa pagkakapantay –
pantay at Kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.

Transgeder Eurpoe Report ( 2012)


1,083 LGBT victims of killing from 2008-2012

United Nations Human Rights Council Report (2011)

nagkaroon ng ebidensya at kaso ng mga diskriminasyon at karahasan laban sa mga


LGBT.
Anti-Homosexuality Act of 2014- ipinasang batas sa bansang Uganda na nagsasaad na ang
same sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo
Ano ang Gender-Based Violence?

 ay karahasan laban sa kababaihan batay sa katayuan ng kababaihan sa


lipunan. Kasama dito ang anumang kilos o pananakot ng mga
kalalakihan o lalaki na pinamamahalaan ng mga institusyon na
nagbigay ng pisikal, sekswal, o sikolohikal na pinsala sa isang
babae dahil sa kanilang kasarian.

 karahasan na nakabase sa kasarian ay may kasamang pisikal,


sekswal at sikolohikal na karahasan.
Gender-Based Violence

 karahasan sa tahanan
sekswal na pang-aabuso, kabilang ang panggagahasa at sekswal na pang-
aabuso ng mga bata ng mga miyembro ng pamilya; sapilitang pagbubuntis;
sekswal na pagkaalipin; ang mga tradisyonal na kasanayan na
nakakapinsala sa mga kababaihan female genital mutilation (FGM), foot
binding, breast ironing, mga pagpatay sa karangalan, pagsunog o pagbuhos ng
acid, karahasan na nauugnay sa dote;

 karahasan sa armadong salungatan


pagpatay at panggagahasa; at emosyonal na pang-aabuso, tulad ng pamimilit at
mapang-abuso na wika. Ang pagsasamantala sa kababaihan at babae para sa
prostitusyon, sapilitang pag-aasawa, sekswal na panggugulo at pananakot sa
trabaho ay karagdagang mga halimbawa ng karahasan laban sa kababaihan
Gender-Based Violenece

Rappler
Violence against women: Sex, power, abuse
European Institute for Gender Equality (EIGE)
Ayon dito, ang karahasan na nakabase sa kasarian ay isang penomena na
malalim na nakaugat sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian, at
patuloy na maging isa sa mga pinaka kilalang mga paglabag sa karapatang
pantao sa lahat ng mga lipunan.
 Ang karahasang nakabatay sa kasarian ay karahasan na laban sa isang
tao dahil sa kanilang kasarian. Parehong kababaihan at kalalakihan ay
nakakaranas ng karahasan na nakabatay sa kasarian ngunit ang
karamihan sa mga biktima ay kababaihan.
Ang ating pamahalaan ay patuloy pa rin sa pagsulong ng
mga batas upang labanan ang karahasan batay sa kasarian tulad ng
 RA 7877 o Anti-Sexual Harassment Act,
RA 8353 o Anti-Rape Law-pagturing sa panggagahasa bilang krimen laban sa
isang tao,
 RA 8505 o ang Rape Victim Assistance Act,RA 6955 o ang Anti- Mail Order
Bride, RA 9208 o ang Anti-trafficking in Person Act, at ang
 “Bawal Bastos Law” o RA 11313.Protektado ng huling batas na ito lalaki man
o maging ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender
(LGBT) community na madalas nakararanas ng pambabastos sa kalye.8

3 https://www.usaid.gov/what-we-do/gender-equality-and-womens-empowerment/reducing-
gender-based-violence
4 https://
Mga Uri ng Gender-Based Violence

1. Pisikal
Anumang karahasan na nagdudulot ng pananakit sa katawan o banta ng
pananakit sa katawan. Halimbawa: panununtok, pambubugbog, pananampal,
panghihila ng buhok, pangangagat, pag-untog, paninipa
2. Sekswal
mga aktong likas na sekswal o anumang karahasang sekswal; kabilang sa mga sumusunod:
panggagahasa; sexual harassment; kalaswaaan o acts of lasciviousness; pagtrato sa babae o
kanyang anak bilang sekswal na bagay o sex object; paggamit ng mga salitang nakakapahiya o
nakapanlilit, at mga salitang
malaswa;pisikal na pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima;pamimilit sa kaniya
na tumingin o manood ng mga malalaswang babasahin o palabas;pamimilit sa biktima o sa
kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng malalaswang
pelikula;pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa kanilang bahay o parehong
matulog sa iisang kuwarto kasama ang akusado; pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng
puwersa, pananakot o pamimilit, ng gawaing sekswal; at pagsadlak sa babae o sa kanyang anak
sa prostitusyon.
Mga Uri ng Gender-Based Violence

3.Sikolohikal-
mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o
damdamin ng biktima, kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga
sumusunod:
pananakot; panggugulo; pagmamanman o stalking; paninira ng ari-arian;
pamamaliit sa publiko o pamamahiya; paulit-ulit na pang-aabuso sa
pananalita; pangangaliwa; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima
ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa isang kapamilya;
pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri ng
pornograpiya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-
aabuso sa alagang hayop; at hindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait
ng karapatang pangalagaan o bisitahin ang mga anak ng biktima at ng
may-sala.
Mga Uri ng Gender-Based Violence

4. Ekonomiko o Pinansiyal-
mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi, katulad
ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: pagbawi ng sustentong pinansyal;pagbabawal sa
biktima na pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung
tumanggi ang asawa batay sa katanggap-tanggap, seryoso at moral na dahilan);pagkait ng
kakayahang pinansyal at right to conjugal, community or property owned in common;
paninira ng mga kagamitan sa bahay; at pamamahala sa sariling pera o propyedad ng
biktima.
Ang karahasan ay hindi na bago sa lipunang Pilipino. Inaakala ng iba na ito ay natural lamang at
bunga ng pagiging mahina ng kababaihan. Inaakala rin ng iba ang karahasan ay babae ang
karaniwang biktima, nagkakamali ka dahil maging lalaki at LGBT ay nakararanas rin nito. Ang
karahasan sa kasarian o Gender–Based Violence ay maaaring nangyayari mismo sa loob ng
iyong tahanan, ito ay tinatawag na Domestic Violence o Karahasan sa tahanan at pamilya. Ito ay
isang pattern ng ugaling pang-aabuso sa isang matalik na relasyon o iba pang uri ng relasyong
pampamilya kung saan ginagampanan ng isang tao ang posisyong mas makapangyarihan kaysa sa
iba pang tao at nagdudulot ito ng takot. Tinatawag rin ito bilang karahasan sa tahanan, karahasan
sa pamilya, o karahasan sa matalik na kapareha.10
Karahasan sa Kababaihan

GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,


Integrity, Equality, Leadership, and Action)
-ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven
Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang
(1) pambubugbog/pananakit,
(2) panggagahasa,
(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
(4) sexual harassment,
(5) sexual discrimination at exploitation,
(6) limitadong access sa reproductive health,
(7) sex trafficking at prostitusyon
Karahasan sa Kababaihan

 Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa


Pilipinas kundi pati narin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda
ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination
of Violence Against Women. Ang kababaihan, sa Pilipinas man o
sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi
makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.
Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa
iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig.
Hal. foot binding sa China at breast ironing/ flattening
Kilalanin ang karahasan sa tahanan laban sa
mga kalalakihan

 marami ring lalaki ang kumpirmadong biktima ng "verbal abuse" ng


kanilang maybahay. (sa panayam kay Social Welfare and Development
Secretary Dinky Soliman)
 isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit
na pananalita ng kanilang mga misis.
(ayon kay Soliman, ang "verbal abuse" tulad ng pambubugbog ay nasa ilalim
din ng kategoryang "domestic violence."Ang mga salita anyang "wala kang
kuwentang tao," "inutil," "walang trabaho at palamunin," "bakit hindi ka
na lumayas" ay ilan lamang sa pumapatak sa kategoryang verbal abuse.
.

 Ayon sa Mayo Clinic


maaaring hindi madaling makilala ang karahasan sa tahanan laban sa mga
kalalakihan. Maaga sa relasyon, ang iyong kapareha ay maaaring mukhang
masigasig, mapagbigay at maprotektahan sa mga paraan na kalaunan ay lumiliko
upang makontrol at nakakatakot. Sa una, ang pang- abuso ay maaaring lumitaw
bilang ilang mga insidente.

Ang iyong kapareha ay maaaring humingi ng tawad at nangako na


hindi na muling pang mang-aabuso
Maaaring nakakaranas ka ng karahasan sa tahanan
kung ang iyong kapareha:

.  Tinatawag ka ng mga pangalan, binabastos ka o iniinsulto ka


 Pinipigilan ka mula sa pagpunta sa trabaho o paaralan
 Pinipigilan kang hindi makita ang mga miyembro ng pamilya o kaibigan
 Sinusubukan upang makontrol kung paano ka gumastos ng pera, kung saan ka pupunta
o kung ano ang iyong suot
 Ang mga gawaing pagseselos o may posibilidad o patuloy na inaakusahan ka na hindi
tapat
 Nagagalit kapag umiinom ng alak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
 Nagbabanta sa iyo na sasaktan
 Mga hits, sipa, shoves, slaps, chokes o kung hindi man nasasaktan ka, ang iyong mga
anak o ang iyong mga alagang hayop
 Puwersa sa iyo na makipagtalik o makisali sa sekswal na kilos laban sa iyong kalooban
 Sinisisi ka sa kanyang marahas na pag-uugali
Karahasan sa LGBT14

Istadistika ng karahasan sa LGBT


 43.8% ng mga babaeng lesbian at 61.1% ng mga babaeng bisexual ay nakaranas ng
panggagahasa, karahasan sa pisikal, at / o pag-akit ng isang matalik na kasosyo sa ilang
sandali, kumpara sa 35% ng mga babaeng heterosexual.
 26% ng mga bakla na lalaki at 37.3% ng mga bisexual na lalaki ay nakaranas ng
panggagahasa, karahasan sa pisikal, at / o pag-akit ng isang matalik na kasosyo sa kanilang
buhay, kung ihahambing sa 29% ng mga heterosexual na kalalakihan.
 Sa isang pag-aaral ng mga parehong relasyon sa lalaki, 26% lamang ng mga kalalakihan
ang tumawag sa pulisya para sa tulong matapos makaranas ng karahasan sa mula sa
karelasyon.
 Noong 2012, mas kaunti sa 5% ng mga LGBTQ na nakaligtas ng
matalik na karahasan sa kasosyo o kapareha ay humingi ng mga kautusan
ng proteksyon.
 Ang mga biktima ng transgender ay mas malamang na nakakaranas ng
karahasan sa kasosyo o kapareha sa publiko, kung ihahambing sa mga
hindi kinikilala bilang transgender.
 Ang mga bisexual na biktima ay mas malamang na nakakaranas ng
sekswal na karahasan, kung ihahambing sa mga taong hindi nakikilala
bilang bisexual.
Ang mga tiyak na anyo ng pang-aabuso ay nangyayari sa mga relasyon kung saan ang
isa sa kasosyo o kapareha ay transgender, kasama ang:
 paggamit ng mga nakakasakit na panghalip tulad ng "ito" upang sumangguni sa
kasosyo o kapareha sa transgender;
 kinutya ang katawan ng kapareha sa transgender at / o hitsura; pagsasabi sa
kapareha sa transgender na hindi siya tunay na lalaki o babae;
 kinutya ang pagkakakilanlan ng transgender partner bilang "bisexual,""Trans,"
"femme," "butch," "kasarian ng kasarian," atbp;
 pagtanggi sa pag-access ng kapareha sa transgender sa medical paggamot o
hormones o pagpilit sa kanya upang hindi ituloy ang
paggamot sa medisina
 Isa sa bawat limang babae edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal simula nang 15
 Isa sa bawat sampung babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na sekswal
 Sa kabuuan, 4% ng mga babaeng nagbuntis ang nakaranas ng pananakit na
pisikal habang sila ay nagdadalang-tao
 Tatlo sa bawat limang babae ang nakaranas ng panankit na pisikal/sekswal
ang nakaranas ng masamang epekto sa kanilang pang-sikolohjikal na
kondisyon kagaya ng depresyon, pag-aalinlangan, at pagkagalit
 Ang karahasan sa pagitan ng mag-asawa (spousal violence) ay bumababa
Pandemic Period
Higit 1,400 kaso ng karahasan sa kababaihan, bata habang lockdown naitala:
PNP
 1,425 Gender-Based Violence
 1,184 Mauling (pambubugbog)
 122 Rape
 90 Acts of lasciviousness and other rude treatments

Philippine National Police Report Sent to Congress Thru


Phillipine Commission on Women
 407 Region 7( Central Visayas)
 122 Region 6 ( Western Visayas)
 113 Region 4-A ( Calabarzon)
 112 Region 13 (Caraga)
 104 Metro Manila
Services Agencies to Ask for Asst. /Help

PCW
NGO
barangays
Women and Children Protection Units
Social Welfare and Development Officers, at iba pang
services agencies.

 PCW pinakarami umano ang nagsumbong sa kanila


ng pisikal at mental na
Tandaan
Do what is pleasing
favorable lovely and
glorifying to God.”
Thank you!

You might also like