Aralin 1 PT 2 Anyo NG Panitikan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

ANYO NG PANITIKAN

ANG TULA

Ang pagsulat o paglikha ng tula ay


nangangailangan ng maingat na pagpili ng
wastong salita. Ang paggamit ng mga akmang
salita ay higit na nakakatulong upang
mapalutang ang kaningningan ng paksa.
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda na binanggit
sa aklat ni Sauco et al., (2004), “Ang tula ay
isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan at kadakilaan – ang
tatlong bagay na kailangang magkatipon-
tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin
ng karapatang matawag na tula.”
MGA URI NG TULA
o Tulang Liriko o Tulang Damdamin- Ito ay
nagtataglay ng karanasan, kaisipan, guni-
guni, pangarap at ibat-ibang damdamin na
maaring madama ng bumabasa o
tagapakinig. Ang uri ng tula ay maikli at
payak.
o Tulang Pasalaysay- Ito ay naglalahad ng
makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay
tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.
Naglalahad din ito ng katapangan at
kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
o Tulang Patnigan- Ito ay isang uri nang
pagtatalong patula na ginagamitan ng
pangangatwiran at matalas na pag-iisip.
Kabilang sa uring ito ay ang karagatan,
duplo at balagtasan.
o Tulang Pangtanghalan o Padula- katulad
din ito ng karaniwang tula, ang kaibahan ay
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga
diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama
sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa
sarswela at komedya.
ANG TULUYAN O PROSA

Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang


pagsasama-sama ng mga salita sa mga
pangungusap. Hindi limitado o pigil ang
paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.
MGA URI NG
TULUYAN O PROSA
MAIKLING KUWENTO
❑ Layuning magsalaysay ng isang maselan at
nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
❑Itinuturing si Edgar Allan Poe bilang “Ama
ng Maikling Kuwento (sa Amerika)”
❑Panimula, saglit na kasiglahan, mga
suliraning inihahanap ng lunas, kasukdulan,
at kakalasan ang bumubuo sa maikling
kuwento.
NOBELA
❑ Ito ay isang anyo ng panitikan na
nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo.
❑Ito ay maraming tauhan na nangangailangan
ng mahabang kawing ng panahon.
❑Binubuo ng mga kabanata
DULA
❑ Ito ay isang akdang pampanitikan na ang
layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pa
nanalita, kilos at galaw ng kaisipan ng may-
akda.
MGA BAHAGI NG DULA
❑ Yugto- Ang bahaging ito ang pinanghahati sa
dula. Inilaladlad ang pangmukhang tabing
upang magkaroon ng pahinga ang mga
nagsiganap at manonood;
❑Tanghal- Ang bahaging ito ang ipinanghahati
sa yugto kung kinakailangang magbago ng
ayos ang tanghalan.
❑Tagpo- Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan
ng mga tauhang gumaganap sa dula.
MGA URI NG DULA
❑ Trahedya- Ito ay may mahigpit na
tunggalian, ito ay nagwawakas sa pagkasawi
o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
❑Komedya- Ito ay nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo.
❑Melodrama- Nagwawakas na kasiya-siya sa
mabubuting tauhan bagamat ang uring ito
ay may malungkot na sangkap.
MGA URI NG DULA
❑ Parsa- layunin ng dulang ito ay magpatawa
sa pamamagitan ng kawil-kawil na
pangyayari at mga pananalitang lubhang
katawa-tawa.
❑Saynete- Pinakapaksa nito ay mga
karaniwang ugali.
ALAMAT
❑ Ito ay isang akdang pampanitikan na ang
pinakadiwa ay ang mga bagay na
makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan
ng isang bagay o mga bagay.
PABULA
❑ Ito ay kuwento na ang mga hayop ang
gumaganap, kumikilos at nagsasalita na
tulad ng tao.
❑Ipinapakita dito ang katangian ng tao na
nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
TALAMBUHAY
❑ Ang talambuhay o “tala ng buhay” o
biyograpiya ay akdang tungkol sa kasaysayan
ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay
na tala, pangyayari o impormasyon.
MGA URI NG TALAMBUHAY
❑ Talambuhay na Pang-iba- paglalahad ng
mga kaganapan sa buhay ng isang tao na
sinulat ng iba pang tao.
❑Talambuhay na Pansarili- paglalahad
tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo
ang may akda.
MGA URI NG TALAMBUHAY
❑ Talambuhay na Karaniwan- Isang
paglalahad tungkol sa buhay nnng isang tao
mula pagsilang hanggang sa kanyang
pagkamatay.
❑Talambuhay na Di-karaniwan o Palahad-
Binibigyan pansin dito ang mga layunin,
adhikain, simulain, paninindigan ng isang
tao, at kung paano naiiugnay ang mga ito sa
kanyang tagumpay o kabiguan.
KUWENTONG BAYAN
❑ Ito ay isang uri ng panitikan na ang bawat
salaysay ay pawang mga likhang isip, walang
may-akda at nagpapalipat-lipat lamang sa
bibig ng mga tao.
❑Ginagampanan ito ng mga tauhang
karaniwan ay kumakatawan sa isang
pamayanan, bansa, at saloobin.
PARABULA
❑ Ito ay isang uri ng maikling kuwento na
may-aral, kadalasan ito ay mula sa banal na
kasulatan o Bibliya na ginagamit para
makapgturo ng magandang asal at ispiritwal
sapagkat ito ay makatotohanan.
SANAYSAY
❑ Isang akda na nakatuon sa isang tanging
paksa at naglalayong maglahad ng mga
kuro-kuro o pananaw ng may-akda.
❑May iisang diwa at pananaw.
MGA URI NG SANAYSAY
❑ Maanyo o pormal- Nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar,
hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng
mahahalagang kaisipan, nasa isang
mabisang ayos ng pagkakasunod-sunod
upang lubos na maunawaan ng mambabasa.
❑Malaya o Di-pormal- karaniwang
nagtataglay ng opinyon, kuro-kuro at
paglalarawan ng isang may akda.
TALUMPATI
❑ Ito ay isang pagpapahayag s harap ng mga
taong handang makinig.
❑Ang isang nagtatalumpati ay nagbabahagi ng
mahahalagang ideya sa paraang pasalita.
MGA BAHAGI NG TALUMPATI
❑Panimula- bahaging naghahada sa kaisipan
ng mga nakikinig upang maakit ang kanilang
kawilihan.
❑Paglalahad- bahaging nagpapaliwanag, ito
ang katawan ng talumpati.
❑Paninindigan- bahaging naglalaman ng mga
katunayan o ebidensya ng nagtatalumpati
❑Pamimitawan-Pangwakas na bahagi ng
talumpati na humahamon sa nakikinig o
mambabasa.

You might also like