Kaligirang Pangkasaysayan Magkakaugnay ang kasaysayan at panitikan. Sinasabing ang panitikan ay buhay, buhay-buhay at pamumuhay. Kung ang kultura, tradisyon, kabihasnan at kaugalian ng mga tao sa kanilang panahon ay ang pinakapaska ng panitikan, samakatwid, hindi maaaring ihiwalay ang panitikan sa kasaysayan. ANG MGA NEGRITO ❑ Ang mga unang Negrito ay walang pirmihang tirahan. ❑ Busog at pana ang ginagamit nila sa paghahanap ng ikabubuhay. ❑Ang mga Negrito ay walang sistema ng pamahalaan ❑Mayroon silang mga awitin at pamahiin na tanging kalasag at pampalakas ng loob sa kanilang pakikipagsapalaran sa buhay. ANG MGA INDONES ❑ Kauna-unahang nandayuhan sa kapuluan ang mga Indones. ❑Ang mga Indones ay marunong magbungkal ng lupa, magtanim at magluto ng kanilang pagkain. ❑May sariling sistema ng pamahalaan ❑May dalawang uri ng pangkat ng Indones Unang Pangkat Sila ay matatangkad at may balingkinitang pangangatawan, maputing malinaw-linaw ang balat, may matangos na ilong, maninipis na mga labi at malalalim na mata. Ikalawang Pangkat ▪ Sila ay nagdaan sa Papua, bago makarating sa Pilipinas kung kaya’t ang inanak nila sa Negro ang nakasapit dito. ▪ Sila’y mga pandak na may matitipunong pangangatawan, maitim ang kulay ng balat, makakapal na mga labi, sarat na ilong malalaki at bilugang mata. Ikalawang Pangkat ▪ Sila ay may sariling sistema ng pamahalaan at may sariling panitikan tulad ng epiko, kuwentong bayan, pamahiin, mga alamat at pananampalatayang pagano. ▪ Sila ay nagkalat ng lahi sa mga bulubundukin ng Norte at pinaniniwalaang ninuno ng mga Ifugao. ANG MGA MALAY Unang Pangkat ❑Ang unang pangkat ng mga Malay ay naging ninuno ng mga Igorot, Bontoc at Tinguianes. ❑Sila’y may pananampalatayang pagano at mga awiting panrelihiyon. Ikalawang Pangkat ▪ Sila ay may dalang wikang alpabrto na tinatawag na Alibata. ▪ Dala rin ng kanilang pangkat ang alamat, kuwentong bayan, at mga karunungang- bayan. ▪ Dinala rin nila ang sariling sistema ng pamahalaan na kung tawagin ay Balangay. ▪ Ang mga Malay ang mga naging ninuno ng mga Tagalog, Ilokano, Pangasinan. Ikatlong Pangkat ▪ Sila ay napunta sa Mindanao ▪ Sila ang mga naging ninuno ng mga Muslim dito sa Pilipinas. ▪ May dala rin silang panitikan katulad ng epiko, kuwentong bayan, alamat, at pananampalatayang Muslim. ANG MGA INSTIK Unang Pangkat ❑Ang unang pangkat ay nagbuhat sa Fukien, Tsina na tinatawag na “manggugusi” ❑May dala silang gusi na may lamang mga abo ng kanilang mga ninuno at yaong ibinabaon sa looban ng kinatitirikan ng kanilang bahay na tinitirhan. Ikalawang Pangkat ▪ Ang ikalawang pangkat ay nanggaling sa Mae, Tsina at sila ay nagkalat sa lalawigan ng Batangas, Mindoro, at Mrinduque. ▪ Sa kanila galing ang paggalang gaya ng ate, ditse, sanse, diko, sangko, ikong, siyaho, inso, diso, biyenan, hipag, bayaw, balae. ▪ Itinuro nila ang pagiging magalang, pagkamatipid, at pagkamasipop, pati na rin ang kahalagahan ng pamilya. Ikalawang Pangkat ▪ Sa Intsik din nila natutunan ang pagsuot ng bakya o tsinelas paggamit ng ginto, pilak at tanso. ▪ Binigyan nila ng pangalang Lusong o Luzon ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ANG MGA BUMBAY Unang Pangkat ❑ Ang unang pangkat ay galing sa Borneo, na may dalang pananampalatayang Budismo mga epiko at mahiya. Ikalawang Pangkat ▪ Ang ikalawang pangkat ay nanggaling sa Java. ▪ Sila ay may pananampalatayang Bramanistiko ▪ Sila ay may dalang panitikan katulad ng epiko, awiting bayan at mga liriko. ▪ Sila rin ang may dala ng mga salitang mukha, likha, dukha, paksa, guro, bansa, hukom at iba pa. ANG MGA ARABE AT PERSIYANO ❑ Sila ay may dalang panitikan katulad ng epiko, dula, alamat at mga kuwentong bayan.