Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Panulaan

Panulaan
Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuoang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang
langit. (Inigo Ed. Ragalado)
Ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng
sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal. (Fernando
Monleon)
Ang tula ay kamalayang nagpapasagisag. (Edith Sitwell)
Ang tula ay pagsasatitik ng kamalayan ng may-akda
hinggil sa paksa na kakanti sa kaniyang interes. Sa pagbigkas
nito ay nagbibigyang buhay ang kaisipang nahimlay sa mga
titik ng tula.
Sangkap ng Tula
1. Sukat- Tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
Ang mga karaniwang gamitin na sukat ay aapating
pantig, wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig,
lalabin-animing pantig at dadalawampuhi’t-apat na
pantig. Subalit karaniwan na rin sa mga tulang Tagalog
ang iba pang sukat katulad ng lilimahing pantig,
aaniming pantig, pipituhing pantig, sisiyaming pantig,
sasampuhing pantig, lalabing-apating pantig,
lalabingwaluhing pantig.
May sukat na 4:
Ang pag-ibig
na matamis
hinahangad
nitong dibdib
na may hapis.
May sukat na 5:
Tayo’y umalis
dito sa libis
ng kanyang bukid!
Kata’y lumigpit
doon sa langit
ng panaginip.
May sukat na 6:
Kung ano ang puno
Siya rin ang bunga.
May sukat na 7:
Hatid niya’y kaalaman
ugali’t katangian
upang sa hinaharap
maabot ang pangarap.

Sa likod ng pagngiti
Natatago’y pighati
Ang hanap na ligaya
Makamit ko pa kaya?
Sangkap ng Tula
2. Tugma- Ito ay ang pagkakasintunugan ng huling
pantig sa bawat taludtod.
a. Tugmaan sa patinig
Patinig na may impit
Patinig na walang impit
Hal. Imbi, guho, sira
Abo, ina, ale
b. Tugmaan sa katinig
Unang Pangkat- B, D, K, P, S, T
Pangalawang pangkat - M, N, L, NG, W, Y
Sangkap ng Tula
3. Makabuluhang diwa- Ito ang pangkalahatang tema
o kaisipan na ipinapahayag ng tula.
4. Kagandahan o Kariktan- Makakamit ang
kagandahan ng tula sa tulong ng mga sangkap ng tula
na lalong magpapalutang sa kagandahan ng
pagpapahayag.
a. Talinghaga- mga salitang pahiwatig
b. Larawang diwa (imagery)- salitang pumupukaw sa
mga pandama ng mga mambabasa.
c. Simbolo- mga salitang may kinatawan maliban sa
literal na pakahulugan.
d. Pagsalungat- may diwang nagsasalungatan na
lalong nagpapalutang sa lalim ng tula.

Pagsuri ng isang saknong mula sa tulang “Panahon”


Naging kahapon kang ayaw nang magbalik,
At ikaw ngayon ay madaling mawaglit;
Walang ano-ano’y bukas kang papalit
Sa kasalukuyang agad ding aalis.
Ang bawat taludturan ay binubuo ng 12 pantig.
Tinatawag itong saknong na may lalabindalawahing
pantig. May saglit na pagtigil sa pagbasa o pagbigkas sa
kalagitnaan ng bawat taludturan, pagkatapos ng ikaanim
na pantig. Tinatawag itong sesura. Ang sesura ay 6/6 sa
lalabindalawahing pantig katulad ng saknong sa taas.
Kailangan ang sesura upang maramdaman ang aliw-iw at
indayog ng tula habang binabasa.
Samantala ang tugmaan sa tula ay sa unang pangkat ng
tugmaan sa katinig- (B, D, K, P, S, T) (magbalik, mawaglit,
papalit, aaalis)
Ilang Uri ng Tula
1. Karaniwang Anyo- Tulang may sinusunod na sukat at
tugma. Karaniwang iisang sukat at iisang tugmaan ang
sinusunod sa buong tula.
Halimbawa:
Kabayanihan
Lope K. Santos
Ang kahulugan mo’y / isang paglilingkod
Na walang paupa / sa hirap at pagod
Minsan sa anyaya, / minsan kusang-loob
Pag-ibig sa kapwa / ang lagi mong Diyos
Natatalastas mo / sa iyong pananim
Iba ang aani’t / iba ang kakain
Datapwat sa iyo’y / ligaya na’t aliw
Ang magpakasakit / nang sa iba dahil

Pawis, yaman, dunong, / landas, dugo’t buhay


Pinupuhunan mo / at iniaalay
Kapagka ibig mong / sa kaalipinan
Ay matubos ka / ng aliping bayan.
Sa tulong mo’y naging / maalwan ang dukkha,
Sa turo mo’y naging / mulat ang tulala
Tapang mo’y sa duwag / naging halimbawa,
Ang kamatayan mo / ay buhay ng madla

Tikis na nga lamang / na ang mga tao’y


Mapagwalang-turing / sa mga tulong mo;
Ang kadalasan pang / iganti sa iyo
Ay ang limutin ka / kung di paglililo.
Ilang Uri ng Tula
2. Malayang Taludturan- Tulang malaya sa sukat at tugma
lamang. Hindi na binibilang ang pantig sa bawat linya at hindi
na kailangang may tugmaan subalit taglay pa rin nito ang ibang
sangkap ng tula.
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla
I
ako ako ako
ang daigdig ang tula ang daigdig
ang tula
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla
I
ako ako
ang daigdig ang walang maliw na ako
ng tula ang walang kamatayang ako
ang tula ang tula ng daigdig
ng daigdig
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla
II
ako ako
ang daigdig ng tula ang malayang ako
matapat sa sarili
ako sa aking daigdig
ang tula ng daigdig ng tula
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla
II III
ako ako
ang tula ang damdaming
sa daigdig malaya

ako ako
ang daigdig ang larawang
ng tula buhay
ako
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla

ako damdamin
ang buhay larawan
na walang hanggan buhay
tula
ako ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla
IV
ako ako
ang daigdig ang daigdig
sa tula

ako ako
ang daigdig ang tula
ng tula
Ako ang Daigdig
Alejandro G. Abadilla
daigdig
tula

ako
Ilang Uri ng Tula
3. Haiku- Tulang maikli ngunit nagtataglay ng masaklaw at
matalinghagang kahulugan. Nagmula ito sa mga Hapones at
karaniwang ang paksa ay kalikasan. Binubuo ito ng 17 pantig na
nahahati sa tatlong taludtod. Karaniwan ay may istrukturang 5-
7-5 pantig ang taludturan. Nang nadala sa ibang wika ay may
ibang istruktura na subalit nanatili pa ring 17 pantig at tatlong
taludtod. Maging sa paksa ay naging bukas na rin. Bukod sa
natatanging istruktura, ang haiku ay kailangang nagtataglay din
ng iba pang katangian tulad ng sansaglit na napaparam, imahe
at kaisahan ng salungatan (fleeting moment, imagery, and unity
of contrast) upang matawag itong tulang haiku.
Halimbawa:
Walang klase Mangmang
Linggo, umaga Sa mata’y dilim
ang mga batang kalye at hindi po liwanag
ay nangaaga ang tumatabing

Buhay
Ang ating buhay
Masaya at malungkot
Hanggang matapos
Ilang Uri ng Tula
4. Tanaga- maikling tulang binubuo din ng apat na linya at
bawat taludtod ay may sukat na pipituhing pantig. Karaniwan
itong nagtataglay ng gintong aral.
Halimbawa:
Palay Kapatid
Palay siyang matino Tulisan kahit saan
Nang humangi’y yumuko Magnanakaw saan man
Ngunit muling tumayo Kasama’t kasamahan
Nagkabunga ng ginto. Ng mamamayang banal.
Jose Villa Panganiban
Magtiwala

Huwag kang mabahala


Anumang mga pasya
Ilagak lang sa Ama
At maging matapat ka
Ilang Uri ng Tula
5. Cinquian- tulang nauso sa Amerika noong 1900. Ito’y binubuo
ng 22 pantig at nahahati sa limang taludtod na nang maglaon
na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura:
Halimbawa
Istruktura 1
1st linya: dalawang pantig Guro
2nd linya: apat na pantig Tagaturo
3rd linya: anim na pantig Makabayan ako
4th linya: walong pantig Kahusayan adhika ko
5th linya: dalawang pantig Sama?
Ilang Uri ng Tula
5. Cinquian- tulang nauso sa Amerika noong 1900. Ito’y binubuo
ng 22 pantig at nahahati sa limang taludtod na nang maglaon
na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura:

Istruktura 2
1st linya: isang salita paksa
2nd linya: 2 salita pang-uri
3rd linya: 3 salita pandiwa
4th linya: 4 salita pagpapahayag ng damdamin
5th linya: 1 salita katumbas ng paksa
Ilang Uri ng Tula
5. Cinquian- tulang nauso sa Amerika noong 1900. Ito’y binubuo
ng 22 pantig at nahahati sa limang taludtod na nang maglaon
na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura:
Halimbawa:
Istruktura 2
1st linya: isang salita Magulang
2nd linya: 2 salita Mapagmahal, mapag-aruga
3rd linya: 3 salita Nagtuturo, kumakalinga, gumagabay
4th linya: 4 salita Ang paggawa walang kapara
5th linya: 1 salita Bayani
Ilang Uri ng Tula
5. Cinquian- tulang nauso sa Amerika noong 1900. Ito’y binubuo
ng 22 pantig at nahahati sa limang taludtod na nang maglaon
na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura:

Istruktura 3
1st linya: isang salita Bagay
2nd linya: 2 salita 3 pang-uri para sa paksa
3rd linya: 3 salita pandiwa para sa paksa
4th linya: 4 salita Isang parirala o pangungusap para sa paksa
5th linya: 1 salita Isang salita para sa paksa
Ilang Uri ng Tula
5. Cinquian- tulang nauso sa Amerika noong 1900. Ito’y binubuo
ng 22 pantig at nahahati sa limang taludtod na nang maglaon
na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura:
Halimbawa:
Istruktura 3
1st linya: isang salita Kadete
2nd linya: 2 salita matapang, magiting, makabayan
3rd linya: 3 salita nagpapakalakas,nagpapakasipag, nagsasakripisyo
4th linya: 4 salita Inialaya ang buhay sa bayan
5th linya: 1 salita sundalo
Gawain:
Gumawa ng sariling tula sa mga iba’t ibang uri ng tula.
a. Haiku
_____________
Pamagat
_________________________
_________________________
__________________________
__________________________
Gawain:
Gumawa ng sariling tula sa mga iba’t ibang uri ng tula.
b. Tanaga
_____________
Pamagat
_________________________
_________________________
__________________________
__________________________
Gawain:
Gumawa ng sariling tula sa mga iba’t ibang uri ng tula.
c. Cinquan
Istruktura 1
1st linya:____________________________________________
2nd linya: ___________________________________________
3rd linya : ___________________________________________
4th linya: ___________________________________________
5th linya: ___________________________________________
Gawain:
Gumawa ng sariling tula sa mga iba’t ibang uri ng tula.
c. Cinquan
Istruktura 2
1st linya:____________________________________________
2nd linya: ___________________________________________
3rd linya : ___________________________________________
4th linya: ___________________________________________
5th linya: ___________________________________________
Gawain:
Gumawa ng sariling tula sa mga iba’t ibang uri ng tula.
c. Cinquan
Istruktura 3
1st linya:____________________________________________
2nd linya: ___________________________________________
3rd linya : ___________________________________________
4th linya: ___________________________________________
5th linya: ___________________________________________

You might also like