Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

GAWING PANGKOMUNIKASYON 

AT 
SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
Tsismis
• Kahit naging bahagi na ng buhay ng karamihan sa mga
Pilipino ang tsismis ay hindi pa rin ito dapat tinatangkilik.
Sa halip na sayangin ang oras dito, ibaling ang interes sa
ibang mas kapaki-pakinabang na gawain gaya na lamang
ng isports, pagnenegosyo, pagbabasa ng aklat, atbp.
• Ang tsismis, umpukan, talakayan, at pagbabahay-bahay
ay iilan lamang sa mga gawing pangkomunikasyon ng
mga Pilipno.
Umpukan
• Mas magiging makabuluhan ang umpukan kung ang mga
paksang tatalakayin ay napapanahon at kung ang
diskusyon ay naglalayong makapag-ambag para sa
kabutihan ng lipunan at sangkatauhan. Dahil sa
magkakatulad ang interes ng mga nag-uumpukan ay
madali silang makaisip at makapagpalitan ng mga
magagandang ideya at pamamaraan ukol sa isang isyung
Talakayan
Pagbahay-bahayan

• Kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng mga


magsasagawa ng pagbabahay-bahay pati na rin ang
privacy ng mga tao sa komunidad na pupuntahan.
Nararapat munang magkaroon ng oryentasyon bago
isagawa ang pagbahay-bahay at maayos na pakikipag-
ugnayan sa mga awtoridad sa komunidad na pupuntahan.
• Ang mga gawing pangkomunikasyon ay nagkakatulad sa
pamamagitan ng pamamaraan sa pakikipagtalastasan. Ang mga
nabanggit ay madalas ginagawa nang pasalita ngunit mayroong
ilang pagkakataon na ang tsismis ay naikakalat na rin sa
pamamagitan ng social media at ang umpukan ay
naisasakatuparan na rin sa pamamagitan ng mga internet
forum.Layunin naman sa pakikipagkomunikasyon ang
nagsisilbing pagkakaiba ng bawat gawing tinalakay.
SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON
Forum

• Ang bawat pagpupulong ng forum ay nilikha bilang tugon


sa mga partikular na prayoridad, paksa, at interes ng mga
kalahok. Kung saan maaari kang umalis at asahan na
makakita ng mga tugon sa mga mensahe na iyong
naiwan. Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga
pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin. Maaaring
maglahad at magtalakay ng maraming paksa at
pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang
paksang tinalakay.
Lektyur

• Ito ay naglalayon na makapagturo o makapagtanghal at


makapagbatid ng isang ideya sa tao.

Ginagamit ang lektyur upang:


-Makapagpakilala ng bagong asignatura
-Makapagbuod ng isang tinalakay na usapin
-Maiugnay ang mga teorya sa aktwal na gawain
TELEBISYON

Ang telebisyon o tanlap (tanaw + diglap) ay isang


sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at
pagtanggap ng mga gumagalaw na larawan at tunog sa
kalayuan. Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang
media dahil malawak ang naaabot nito. Wikang Filipino ang
nangungunang medyum sa telebisyon sa bansa.

Halimbawa: ABS-CBN, GMA, TV5


MGA IPINAPALABAS SA TELEBISYON
• Teleserye - napapanood sa telebisyon na kadalasang piksyunal at naglalayong
aliwin ang manonood
• Balita - tumutukoy sa mga kasalukuyang nagaganap sa loob at labas ng ating
bansa. Ito ay naglalayong maghatid ng impormasyon sa mga manonood.
• Dokyumentaryo - palabas na naghahatid ng mga proyektong sumasalamin sa
katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan.
• Isports - mga larong pampalakasan, pagsasanay, ehersisyo, at iba pang gawain na
may kinalaman sa lakas at tibay ng katawan.
• Pang-edukasyon - palabas na may kinalaman sa paghasa ng katalinuhan, mga
bagong kaalaman sa siyensiya, matematika, panitikan, atbp.
• Variety Show - sari-saring pagtatanghal na may kinalaman sa musika, komedya,
talkshow, atbp.
RADYO
Ito ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang
pagpapadala ng mga hudyat sa pamamagitan ng
modulation ng electromagnetic waves na may mga
frequency na mas mababa kaysa liwanag.
Dalawang programa ng radyo:

AM (Amplitude Modulation) - mga istasyon na naghahatid


ng balita at tumatalakay sa mas seryosong paksa sa
lipunan.

Hal. DZBB, DZMM, Radyo Veritas


FM (Frequency Modulation) - mga istasyon na mas
kinakaaliwan ng mga kabataan dahil sa mga musikang
pinapatugtog nito at dahil na rin sa mga DJ (Disk Jockey).

Hal. Easy Rock, M.O.R, Love Radio, Baranggay FM


SOCIAL MEDIA SITES

Mga websites sa internet kung saan nakikihalubilo ang mga


tao sa iba't-ibang panig ng mundo.

Hal. Facebook, Twitter, Instagram


CYBERBULLYING

Ang pagmamaton sa internet o cyberbullying ay ang


paggamit ng internet at iba pang kaugnay na teknolohiya
para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao.

You might also like