Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

POKUS NG

PANDIWA
POKUS
Ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa o
salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap.
TAGAGANAP O AKTOR
Ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno
ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng
pandiwa.
Halimabawa:
Si Namaka ang nagalit nang labis kay Pele.
Naglakbay si Daniel patungo sa kanyang paaralan.
LAYON O GOL
Ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang
paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa:
Pinag-usapan ng mga mag-aaral ang mitolohiya
tungkol kay Pele.
Kinuha ni Arlene ang kanyang modyul.
PINAGLAANAN
(TAGATANGGAP)

Ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang


pinaglalaanan o tagatanggap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:
Ipinaghanda ng mag-asawang Macbeth ang
mga maharlika sa Scotland.
Kami ay ipinagluto ni nanay ng kare-kare.
KAGAMITAN
Ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ay ang
kagamitang ginamit sa pagsasagawa ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ipinambukas niya ng pintuan ang susi ng palasyo.
Ipinampunas ni Ingrid ang basahan sa sahig.

You might also like