Ap - Group 1 Reporting

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PAMAHALAAN AT LIPUNAN

GROUP 1- REPORTING
LAYUNIN NG ATING ARALIN

• Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang nasusuri ang mgamahalagang pangyayari sa
pamahalaan at lipunan mula sa sinaunang kabihasnan
hanggang sa ika-16 na siglo.
TRABAHO NG MGA DALIT O UNTOUCHABLES
ANG PAGSUSUNOG NG MGA PATAY.
ANG MGA DALIT O UNTOUCHABLE AY NASA PINAKAMABABANG
PANGKAT SA LIPUNAN NG KABIHASNANG INDUS. SILA ANG
GUMAGAWA NG MADUDUMING AT MAHIHIRAP NA TRABAHO
KATULAD NG PAGSUSUNOG NG MGA PATAY NA NAKIKITA SA
LARAWAN SA ITAAS. ANG SISTEMANG CASTE NG KABIHASNANG
INDUS ANG SIYANG NAGING BATAYAN NG PAGKAKAAYOS NG
LIPUNAN. ANO KAYA ANG MGA URI NG LIPUNAN AT PAMAHALAAN NG
IBANG SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA? ATING ALAMIN SA
ARALING ITO.
HANGGANG SA KASALUKUYAN AY NATUTUNGHAYAN AT
NARARANASAN PA RIN ANG KABUTIHANG DULOT NG
IBA’T
IBANG TUKLAS, IDEYA, AT MAHAHALAGANG
PANGYAYARI MULA SA MGA SINAUNANG KABIHASNANG
ASYANO. HINDI MAIKAKAILA NA MARAMI NA RIN ANG
NAGING PAGBABAGO SA PAMUMUHAY NG MGA TAO,
SUBALIT ANG PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA
PANGYAYARING HUMIKAYAT AT NAGBIGAY DAAN SA
MGA PAGBABAGONG ITO AY KRITIKAL NA BAHAGI PA
RIN
PARA SA ATING PATULOY NA PAG-UNLAD BILANG ISANG
KABIHASNAN.
KABIHASNANG SUMER
• Ang kabihasnang Sumer o Sumeriano ay tinatayang umusbong at namukadkad sa
pagitan ng 3,500-3,000 BCE (Before Common Era) sa mga lambak-ilog ng Tigris
at Euphrates, sa matabang lupain ng Mesopotamia (Mesos = pagitan; Potamos =
ilog) o “lupaing nasa pagitan ng dalawang ilog.” Ang Mesopotamia ay bahagi ng
kasalukuyang Iraq.
• Ang pagsibol ng kabihasnang ito ay bunga ng pagtugon ng mga Asyano sa
pangangailangan sa sistema ng patubig o irigasyon, na lubhang mahalaga upang
tugunan ang mga gawaing agrikultural, lalo na sa panahon ng tagtuyot. Sa tulong
ng bawat kasapi ng pamayanan o lungsod-estado (city-state) ay naging organisado
at sistematiko ang pagsasaka na naging daan sa higit na maayos at matatag na
kapamahalaan at higit pang maunlad na kulturang nagpatuloy sa paglago.
Ang Kodigo ni Hammurabi ay mahalagang pamana ng mga Babylonian sa
larangan ng batas at pagpapanatili ng kaayusan. Ito ay ang kalipunan ng
batas na ipinairal sa lungsod ng Babylonia. Binubuo ito ng 282 batas tungkol
sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay sa Mesopotamia. Nakapaloob dito ang
mga paglabag sa batas at mga karampatang parusa para sa bawat paglabag.
Ito ay nakasulat sa pinatuyong tabletang luwad na ipinapaskil sa bawat poste
at mahahalagang bahagi ng kaharian na agad natutunghayan ng mga tao.

Pangunahing tema ng kodigong ito ang prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa


ngipin” (an eye for an eye, a tooth for a tooth). Sa prinsipyong ito, kung ano
ang kasalanang nagawa sa kapwa ay siya rin ang parusang ibibigay. Hindi
maikakaila ang malulupit at mabibigat na kaparusahang itinatakda para sa
bawat kasalanan, subalit sinasalamin din ng kodigong ito ang pagpapahalaga
sa mga inosenteng naakusahan pa lamang at hindi pa itinuturing na may
kasalanan hanggang hindi pa nalilitis at napatutunayan ang kaniyang
nagawang mali.
Makikita rin sa kodigong ito ang pagbibigay ng pagkakataon at
karapatan sa mga akusado upang mangalap ng sarili nilang
ebidensiya upang mapawalang sala ang kanilang sarili sa harap ng
hari na siyang nagsisilbing taga-usig at tagapataw ng
kaparusahang ayon sa kasalanan.

Ang kodigong ito ay nanatili at nagsilbing batayan ng mga


sumunod pang pangkat at kabihasnan. Dahil dito ay napanatili ang
organisasyon at kaayusan sa buong kabihasnan.
SISTEMANG PANLIPUNAN

• Naging mahalagang bahagi rin ng kabihasnang Sumer ang pagpapahalaga sa


pamilya at relihiyon bilang mga sentro ng kanilang pamumuhay. Ito ay dahil sa
paniniwalang ang pamilya at relihiyon ang nagpapatatag sa kanilang lipunan.
Nagkaroon din ng pagpapangkat ng mga tao dito sang-ayon sa kanilang gampanin at
katayuan sa lipunan. Nakaayon sa pangkat na kanilang kinabibilangan sa hirarkiya
sa lipunan ang bahaging kanilang isinasagawa upang higit na mapaunlad ang
kabihasnan. Ang paghahating ito ay isa sa mga hakbang upang masiguro ang
kaayusan at aktibong pamumuhay ng bawat mamamayan.
Sa estratipikasyon, ang mga pari at hari ang may pinakamataas na posisyon sa
lipunang Sumer. Sinasalamin nito ang mataas at pantay na pagpapahalaga nila sa
kanilang mga pinunong pulitikal at espirituwal. Sumunod naman ay ang mga
nagpoprotekta sa mga mamamayan, at ang mga taong may mataas na antas ng
kasanayan (artisano). Pangatlo, ang mga magsasaka na pinahahalagahan din sa
lipunan, dahil sa pagpapahalaga nila sa agrikultura, at ang panghuli ay ang mga
alipin na may gawaing maghabi at magbuhat. Ang mga alipin ay may mahalagang
bahaging ginampanan sa patuloy na pagpapatatag sa kabihasnan ng mga Sumerian.
Sila ay maaaring nahuli sa labanan o hindi kaya ay ipinambayad-utang.

Pagdating naman sa panahanan, kapansin-pansing


ang mga pinakamakapangyarihan ay nakatira sa
loob ng siyudad, malapit sa mga templong tore. Ito
ay upang maipakita ang kanilang taas at halaga sa
lipunang Sumerian. Nasa labas ng siyudad, mas
malayo sa mga templong tore, ang panahanan ng
mga ordinaryong mamamayan. Pag-aralan ang
grapikong pantulong
KABIHASNANG INDUS

• Ang mga natunaw na yelo mula sa kabundukan ng Himalayas ay nagdala ng kaputikan


tungo sa ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra na nagpainam naman sa lupang
malapit dito para sa agrikultura. Dahil sa kainaman ng lupa at tubig sa lugar para sa
pangunahing pangangailangan noon sa agrikultura, nagsimulang manirahan nang
pirmihan ang mga tao at doon na pinalago ang kanilang kabihasnan. Dito na umusbong
ang kabihasnang Indus sa pagitan ng mga lambak-ilog ng Indus at Ganges. Sinasabing
ang mga Dravidian (katutubong Indiano) ang bumuo ng kabihasnang ito. Ipinalalagay
na umusbong ang kabihasnang Indus noong bandang 2,700 BCE.
• Batay sa mga naunang talakayan, nabakas na mayroong organisado
at sistematikong pamamahala sa kabihasnang Indus kung saan ang
pamahalaan ay pinangunahan ng mga maykaya sa lipunan batay sa
mga desisyong kanilang isinagawa.
• Nang dumating na lamang ang mga mananakop na Aryan sa
kabihasnang Indus, nagkaroon ng pagkakahati sa lipunan.
Pinaniniwalaang nanggaling sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni
Brahma ang mga tao at ito ang naging batayan ng pagkakahati ng
lipunan. Ang pagkakahating ito ay nakilala bilang sistemang caste
(caste : angkan). Kadalasang ang mga nasa una hanggang ikatlong
pangkat ay nananatili sa kanilang posisyon o maaaring tumaas pa,
subalit hindi para sa mga nasa huling dalawang pangkat.
KABIHASNANG TSINA

• Itinuturing ng marami ang Tsina bilang pinakamatandang kabihasnang nagpapatuloy


hanggang sa kasalukuyan, dahilan upang magkaroon ito ng libong taon ng
nagpapatuloy na kasaysayan. Umusbong ito sa masaganang lupain sa mga lambak-
ilog ng Huang Ho (Yellow River) at Yangtze, bagaman tunay na maraming
pagsubok ang dala ng paninirahan malapit sa mga ilog na ito, piniling pahalagahan
ng mga sinaunang Tsino ang mga bagay na maaari nilang mahubog upang tuluyang
mapaunlad ang kanilang pamayanan hanggang maging isa itong matatag at
kinikilalang kabihasnan, hindi lamang sa Asya, kung hindi sa mundo. Kilala rin ito
sa tawag na kabihasnang Shang, na ipinalalagay na nagsimula noong 1600 -1046
BCE.
• Ang pamamahala sa kabihasnang Tsina ay sang-ayon sa pinuno ng
bawat dinastiya. Kalalakihan lamang ang tinatanggap nila na
mamuno sa lahat. Ang pinuno ay pinaniniwalaang itinalaga rin ng
langit. Sila ay nagmula sa pinakamalalakas na dinastiya
(pamilyang pulitikal) na patuloy na nakipaglaban upang maiangat
at mapanatili ang mga sarili sa kapangyarihan.
• Ang mga desisyong isinasagawa ng mga pinuno ay isinasangguni
nila sa pilosopiyang kanilang sinasaligan at sa paggabay mula sa
kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng paggamit ng butong
pang-orakulo o oracle bone.
Katulad sa kabihasnang Sumer, ang pagkakaayos ng
mga estruktura mula sa mga templo hanggang sa
kabahayan ay ayon sa antas ng mga tao sa lipunan.
Nasa sentro ng lungsod ang mga templo at palasyo,
nasa paligid naman nito ang bahay ng mayayaman at
makapangyarihang tao. Sa higit na malayong bahagi
naman ng lungsod matatagpuan ang sa mga
ordinaryong mamamayan at manggagawa.
Sa mga labi ng ilang taong natagpuan, kasama na ang
labi ng mga hari, mababakas na mayroong pang-
aaliping naganap sa kabihasnang Shang. Kung ang
alipin ay nanilbihan sa maharlika, siya ay isasama sa
libingan nito kasama ang mga yaman at iba pang ari-
arian ng hari. Ang mga artisano, magsasaka, at
ordinaryong mamamayang nanirahan sa malayong
bahagi ng lungsod ay hindi pinahintulutang gumamit ng
mga tansong kagamitan sa kanilang mga ritwal. Ang
kanilang mga gamit ay yari sa bato at hindi isinasama sa
kanilang libingan.
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like