Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

KAHULUGAN AT

KAHALAGAHAN
NG ADYENDA
Ma’am Tinna Ilagan
ADYENDA

Narinig niyo na ba ang salitang “adyenda?”

Kung oo, saan ninyo ito narinig at saan ito ginagamit?

Atin nang alamin ang mga impormasyon tungkol sa ating paksa.


Ayon sa Wikipedia, ang adyenda (agenda) ay nagmula sa
pandiwang Latin na ago, agere, egi, actum na ang ibig
sabihin ay pagtulak nang pasulong. Ang adyenda o talaan ng
mga bagay na dapat maisaalang-alang o maisakatuparan. Ito
ay mga plano o layunin na maaaring gumabay sa isang tao
para makamit ang ninanais na kahahantungan. Madalas na
ginagamit ang salitang adyenda sa mga pagpupulong,
halimbawa ay ng mga organisasyon o samahan. Tumutukoy
ito sa mga isyung dapat pag-usapan at pagtuunan ng pansin.
Ang adyenda ay listahan, plano, o balangkas ng mga pag-
uusapan, dedisyunan o gagawin sa isang pulong. Ito ay
kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga
nito sa indibwal.

Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o


bigyan prayoridad sa isang pulong
Kahalagahan ng Agenda:

1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong


2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu
3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras
4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa adyenda
Mga Hakbang sa Pagsulat
• Magpadala ng isang memo na magkakaroon ng isang
pulong sa tiyak na paksa.
• Ilahad sa memo na kailangan nilang kumpirmahin kung
sila’y dadalo at magpadala ng paksang nais bigyang pansin.
• Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag
lahat ng adyenda ay nalikom na. Ilagay sa talahanayan
kasama ang taong tatalakay.
• Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo,dalawa o isang araw
bago ang pulong huwag kalimutan kung kailan at saan.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda
• Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng
mga adyenda.
• Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang
paksa.
• Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung
kinakailangan. Sundin ang itinakdang oras sa pagtalakay ng paksa.
• Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi
ng adyenda. Maglagay ng palugit o sobrang oras.
• Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama sa adyenda.
Gawain sa Pagkatuto 1

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang adyenda at saan ito ginagamit?
2. Bakit mahalaga ang adyenda sa isang pulong?
Gawain sa Pagkatuto 2
Gumawa ng isang flow chart na nagpapakita ng hakbang sa
pagsulat ng adyenda at isulat ito sa sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto 3
Ipaliwanag ang kahalagahan ng adyenda at ilagay ito sa
loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Paglalapat

Ang anumang organisasyon ay nangangailangan ng maayos


na pagpupulong upang mapagplanuhan ang mga hakbang na
gagawin sa maayos na pamamalakad sa isang kumpanya.
Ang bawat pulong ay nangangailangan ng adyenda. Dito
masasagot kung bakit mahalagang pag-aralan ang pagsulat
ng adyenda at ano ang kabuluhan nito.
PAGTATAYA

Gawain sa Pagkatuto 4 Ikaw ay naatasang bumuo ng isang


adyenda tungkol sa pagpapatupad ng pangkalusugang
patakaran upang makaiwas sa pagkakaroon ng Covid-19.
Isulat sa sagutang papel ang nilalaman ng iyong adyenda.
PAGNINILAY

Pagsulat ng Journal Isulat sa iyong journal notebook ang inyong


mga naging pagninilay tungkol sa ating tinalakay na aralin.

Naunawaan ko na ______________________
Nabatid ko na _________________________
Kailangan ko pang matutunan na _________________
PAGNINILAY

Pagsulat ng Journal Isulat sa iyong journal notebook ang inyong


mga naging pagninilay tungkol sa ating tinalakay na aralin.

Naunawaan ko na ______________________
Nabatid ko na _________________________
Kailangan ko pang matutunan na _________________

You might also like