Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MGA SULIRANIN

SA PANGHIHIRAM
Alinsunod sa kasalukuyang Konstitusyon,
ang Pilipinas ay may dalawang opisyal na
wika:
una, ang Filipino na may potensyal na yaman
ngunit hindi pa gaanong maunlad at
kailangang-kailangang pagyamanin at
paunlarin nang husto upang makaganap sa
tungkulin ng isang tunay na wikang Pambansa
ikalawa, ang Ingles na wika ng ating
dating mananakop, isang wika ng
maunlad at malaganap sa daigdig, na
nagsisilbing tulay sa ating pakikipag-
ugnayang panlabas at sa pagdukal ng
karunungan sa iba’t!ibang larangan
Ang Filipino, bilang wikang pambansa,
ay kailangang magpatuloy na umunlad.
Ang isang madali at natural na paraan
ay ang panghihiram nito sa ibang
nakakaimpluwensyang wikang higit na
maunlad na tulad ng Ingles.
Noong araw na ang wikang Kastila
ang nakakaimpluwensya sa atin sa
wikang iyon tayo tuwirang
nanghihiram, kaya nga napakarami
nating mga hiram na salita sa
nasabing wika.
Nanghihiram din ang Filipino sa iba’t
ibang wikang katutubo sa kapuluan,
ngunit hindi ito nagdudulot ng
problemang tulad ng nasusumpungan
sa panghihiram sa wikang Ingles.
Ngayon dahil sa labis-labis na pagkakahantad
natin sa wikang Ingles, ay lumitaw ang isang
malubhang problema sa panghihiram. Ang
palabaybayan o sistema ng pagbabay o sistema ng
pagbabay ng wikang pambansa na nagpakita ng
kakayahan sa pag-asimilang mga salitang hiram sa
Kastila ay kinitaan naman, ng kahinaan sa pag-
asimila ng mga salitang hinihiram sa wikang Ingles
Sinasabing ganap nang naasimila ng
Filipino ang isang salitang hiram sa Ingles
kung ang nasabing salita ay nahubdan na
ng mga elementong banyaga at nabihisan
na ng mga elementong naayon sa ating
sariling sistema ng palatanungan,
palabaybayan at paraan ng paglalapi
Halimbawa, ang dalawang salitang
“flash at Card_flash card
ay maituturing na bahagi ng ating wika
kung ito’y isusulat nang “plaskard”.
Pansinin na sa “plaskard” na
mula sa “flashcard” ay nawala na
ang tunog na /f/ at /sh/, at ang
letrang “c” naman ay napalitan
na ng “k”.
Gaya ng natalakay na, ang palaybaybayan ng
Filipino ay konsistent samantalang ang sa Ingles ay
di-konsistent. Ang totoo, kapag sistema na ng
pagbabaybay ang gumagamit ng mga letrang
Romano ang pinag-usapan, ang Ingles na marahil
ang siyang may pinakamagulong sistema.
Ang isa sa malubhang suliranin na kinakaharap
ng isang tagapagsalin sa Filipino ng mga
katawagang istandardisado na maitutumbas sa
mga katawagang pang-agham ng Ingles. Malimit
mangyari na hindi matiyak ng nagsasalin kung
alin sa mga salitang maaaring itumbas sa isang
salitang teknikal ang higit na tatanggapin ng
gagamit ng salin.
Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay
masasbing nasa krus na daan o hindi malaman
kung ano ang gagawin sa mga salitang hiram
sa Ingles na di-konsistent ang ispeling. Palasak
na palasak na ang ating panghihiram. ito’y
kapansin-pansin na sa ating mga pag-uusap,
sa mga pahayagan sa Filipino, sa mga
telebisyon, radio, anunsyo at babalang
pangmadla

You might also like